Imbak para sa pacquiao

pustahan?

Posted in contesxt, the road to perdition with tags , , , on Mayo 6, 2009 by defpotec

maiba nga tayo… siguro 80% ng blog ng mga pinoy ngayon ay ang tungkol sa kung paano ginahasa ni pacman si hattong.. gusto ko sanang maiba ang paksa pero dun rin ang uwi ng topic ng entry ko na ito..

marahil madali rin ako makalimot.. ay nakipagpustahan ako muli.. dun sa di pa tumatakbo sa baywalk ng hubot hubad….  pacman ako, hattong sya….kung matalo si pacman… mag jujumping ropes ako  200 times.. kung matalo sya.. magpupush up sya… 200 times… SA MOA!!!

alam nyo naman sino nanalo diba?

ang tanong? nasan na ang kapustahan ko??

as usual.. nawawala… if i know, gagawa na naman yan ng issue, kesyo galit sya sa akin or inaway ko sya or namatay ipis nya or may pms sya.. kaya di nya gagawin ang end ng deal nya..

naisahan na naman ako…you know…

buhay talaga….

now i know!! you know…

PS. para sa mga nagtataka kung bat “hattong” ang tawag ko kay hatton, panoorin nyo to

Advertisements

tapos na ang boxing…

Posted in broadband only, kung ano ano lang... with tags , , on Hulyo 7, 2008 by defpotec

since mainit init pa naman ang topic ng boxing.. naisipan kong magsulat tungkol sa mainit init na si pacquiao…

hindi si money manny pacquiao ang tinutukoy ko, kungdi ang asawa nyang si jinky pacquiao…

mainit din naman sya diba?

anyways… meron lang akong napapansin kung bat mas magaling ang butihin ni pacman kesa sa sinumang chicanong lalaban sa kanya… ito rin ay sa sumusunod:

1.  sa tingin ko di aabot si manny kay jinky ng round 12.

2.  matagal na ang 3 rounds kung tatagal si manny kay jinky…

3. siguradong tulog si manny pagkatapos ng boxing nila ni jinky…

4. at kung makitang tulog na si manny, sigurado akong babangon pa si jinky para maglinis, luto, at laba , utusan ang maid sa daily mansionhold chores nila at magasikaso ng anak nila..

5. pwede syang sumuntok below the belt ng di magagalit si manny

6. di baleng mambabae si manny, basta sa kanya ang money…

7. 10-20 years time lang ang hihintayin nya, then sigurado akong tatamaan na ng brain damage si manny.. ang resulta… sya na ang may full control ng ari arian..

8. bat naman di pa nya hihintayin yun.. e sa ngayon lalong humahakot ng kayamanan si manny

9. walang divorce sa pinas.

10. in 10-20 years.. nakakasigurado ako.. maganda na ang technolohiya… pwede na nya maging kamuka kung sino man ang gusto nya…

at sana.. (at alam kong wish din to ni manny) ganito ang maging itsura nya…

*may kambal pala si jinky… siguro dun nalang natin makikita kung ano talaga ang itsura nya noong before and after….

the week that was..

Posted in kung ano ano lang... with tags , , , , , , , on Oktubre 8, 2007 by defpotec

di maganda ang nakaraang linggo ko..pero pwede narin.. ok narin yung weekend..

since thursday… parang ansama sama ng sikmura ko.. wala naman akong nakain na madumi, di ako nag LBM, pero parang bloated at puno ang tyan ko.. pero nagugutom ako… tapos panay utot ko at dinghay….
di na ako nakapag gym/basketball/exercise/mastu.. since tuesday…

acidity daw itong nararamdaman ko.. napaisip tuloy ako… subukan ko kayang humingi ng second opinion kay DOC X? pero naka haitus sya.. ok..

(palink lang ng pic)

nanood nalang ako ng DVD ng HOUSE M.D. Season 2 ..at may natutunan ako… wag na wag manood ng house kapag may karamdaman ka.. mapaparanoid ka lang.. anyways… sakit pang mayaman pala ang acidic stomach.. nexium, zantac, motilium… grabe.. maubos pera ko..

sa sports news..

napanood nyo ba ang pacman-barrera na laban? parang may naamoy ako.. parang si MAB nag last hurrah lang.. last paycheck bago mag retiro.. 2M$ din ang nakuha nya.. atsaka pakiramdam ko lumaban syang alam nyang di sya mananalo kay pacman..bukod sa $2M payheck…eto lang ang tanging goal nya…..

black_back1.JPG

antagal talaga ng laban.. kung si ara mina lang ang kalaban ni pacman, malamang round 3 palang si KO na si pacman. tulog yan for sure.. mas ok pa panoorin yun.. hmmm matanong nga si jinky…