Imbak para sa bad breath

badbreath 2008 edition

Posted in badbreath with tags , , , , , , on Enero 8, 2008 by defpotec

uma umaga, halos mapangiyak ngiyak ako sa kaka mumog ng mouthwash na papasa bilang asido… hanep sa sakit, kulang nalang pati dila mo ay matanggal kasama ang mikrobyo… siguro kalahati ng populasyon ng tastebuds ko ay namatay na dahil sa tindi ng bula ng mouthwash na ito…

kamakailan ay naubos ko sya sa wakas… (matinding accomplishment to) dahil concentrated, ang ratio nito ay 1:10. meaning sampung patak lang, ay kayang kaya nya pabulain ang bibig mo…. naisip ko nga gawin tong holloween spoof… lalagok ako ng pure concentrate at tingnan ko ang reaction ng mga tao kung nakita nilang mamumula ang mata kong maluha luha at bumubula ang bibig…siguradong tatalunin ko si linda blair ng exorcist..ay, di pala.. di ko kaya ang spider crawl at 360 ng leeg…

eniways.. kala ko makakatulong ito sa pag buti ng aking hininga, pero di pala.. last week (friday) sinubukan ko kung gagana pa ang badbreath ko na to.. ang biktima, sino pa kungdi si moo:

ang scheduled flight ni moo last week ay friday, 11:00 via cebu pac going to iligan…

altho di ko masyado na save ang text messages namin sa isa’t isa.. bigyan ko na kayo ng ideya kung ano ang nangyari..

10am

DEF: moo, alis ka na?

Moo: 11:00pa

D: ah ok, ingat sila sayo… sana di ka na muna umalis, mag isaw party tayo..

M: ngayon pa! kung kelan paalis na ako.. pwe!

D: e may trabaho ako e, bakit ba…

M: wala, ganyan ka naman, buti pa si Bill Gates, mas madaling mayaya, pero ang isang Defpotec Jones mahirap maimbita (drama mode)

D: e di mo naman sinabi na isau at bbq yun e, kala ko magsasadya ka pa, alam mo naman ako, easy to please..

M: che…

(dumating ang 11:00)

D: moo, babay… ingats sila..

M: moo, di pa kami nakakaalis, delayed ang flight namin, maulan daw sa cdo…

D: bwahhaahhaha, malamang ma cancel flight nyo nyan..

M: di yan moo.. delayed lang to… mamaya alis narin kami..

D: lets see…

(mga alas 2-3pm)

M: walangya ka, hanep ka talaga.. lakas ng panalangin mo… cancelled nga flight namin!!

D: tana… tindi talga ng bibig ko.. sorry ha, di ko naman akalain gagana pa e..

M: kasalanan mo lahat to e!! (as if kaya ko i control ang weather)

Evan almighty: (kapatid ni moo) cancel flight nila, lakas ng panalangin mo

D: o basta moo, sana sa sunday na ang alis mo, para bukas isau party na tayo…

M: leche mga taga CebPac,walang kwentang customer service….. (yada yada, rant rant, curse curse)

D: wat do you expect, piso ang binayaran mo e…

(cant remember anymore)

di rin natuloy isau party namin ni moo, kasi naka book sya ng sabado at natuloy ang flight nila.. pero naisip ko, matinding weapon of mass destruction pala tong bibig kong ito.. kaya dapat alagaan mabuti.. di lang pala dila ko ang may talent, pati bibig pala…

trivia: alam nyo ba na ang origin ng ‘bwakanang ina mo’ ay nanggaling sa ‘baho ng hininga mo’? mali trivia ko.. thanks to koreanmine… please read the factual trivia on the second comment….

i stand erected corrected!!

Advertisements