maligaya…

Posted in 1 on Oktubre 5, 2009 by defpotec

pagpaibayuhin nyo ang medyo tamad kong daliri sa pag uupdate ng aking blog.. dahil magmula ng dumating sya sa buhay ko… nag iba ang pananaw ko sa buhay..

gusto ko nang magkaroon ng pamilya..

gusto ko nang mag asawa..

gusto ko nang magka anak..

siguro nga masama ang tama sa akin ng pag ibig..

kaya aaminin ko sa inyo… nagloloko lang ako..

pero dun sa mga nanghula ng hanggang 3 buwan lang kami… out na kayo…

at kung sakaling mabasa nya ang post kong ito..

HAPPY BIRTHDAY SAYO ILOG IROG KO

Advertisements

discount?

Posted in 1 on Setyembre 3, 2009 by defpotec

meron ba kayong kakilalang taong yung kapag may kelangan ay saka lang kayo naaalala.. yung tipong dati ay maayos mo syang kinakausap pero di ka nya sasagutin sa text.. pero kung sya ang mag text or tumawag… kelangan sagutin mo? boss mo ba sya para magkaroon sya ng karapatan na magalit sayo pag dineadma mo sya ng tulad ng gawain nya sa iyo at sa ibang tao? parang di sya nagkakalayo sa ugali ngayon ng anak ng pangulo ng pilipinas.. na kung umasta ay parang kala mo kung sino… natutuwa ba kayo sa ganun? pwes… ako hindi.. at eto ang pangyayari nung tinawagan nya ako nung lunes ng gabi at itinext at di ko sya sinagot..

Lunes:

ring ring (1 missed call)

text: tawagan mo ako..

di ko sya tinawagan.. di ko feel… alam kong may kelangan sya sa akin.

Ngayon lang:

text: di mo sinasagot text ko.

ako: galing ako abroad. ano balita?

text: tinawagan kita ng lunes di mo sinasagot…

ako: yup nasa abroad ako nun… kauwi ko lang.. (kelangan pa atang ulitin)

text: OK. bigyan mo naman ako ng kwarto sa —, pero sa feb pa, lakihan mo discount ko. (kelan naging demand ang request? galit na galit ako sa mga ganito!!)

(huminga ako ng malalim.. diplomasya)

ako: D ako nakakabigay ng discount. di naman amin to. employee lang ako dito. upgrade lang maibibigay ko. upon approval pa kung available.

text: ok.

AYAN! MATUTO KANG HUMINGI NG NASA LUGAR .. HINDI YUNG KALA MO INSTANT NOODLE ANG DISKWENTO… KUNG WALA KANG PERA SA MOT MOT KA MAG CHECK IN! AT KUNG GUSTO MO NG DISCOUNT, MARAMI AKONG DISCOUNT CARD NG SOGO.. VICTORIA.. GILIW.. ALIW.. TOWN AND COUNTRY.. .. DAHIL SASABIHIN KO SAYO.. NA KAHIT MAY KARAPATAN AKO MAGBIGAY NG DISCOUNT AY HINDI KITA BIBIGYAN!! LECHE KA!

ang lalakeng wala sa sarili…

Posted in 1 on Agosto 19, 2009 by defpotec

nitong mga araw.. parang wala ako sa sarili kong katawan… siguro may kinalaman ang paglalayo ng isang taong malapit sa aking kukote at sa aking sus puso…

at kung kelan ako wala sa aking tamang pag iisip.. ay ganun pa mismong inuunos ako ng mga bagay na wala namang kinalaman sa aking kakayanan.. tulad ng:

1. masabunan ng isa sa mga asawa ni bill gates, dahil di daw sya binantayan habang sya ay patagong naglilinis sa upisina ni bill at may nakakita sa kanya..

2. masabunan muli dahil wala sa mood ang isa kong katrabaho at medyo di nya nagustuhan ang tono ng boses niya nung sya ay tinanong kung sino sya sa telepono

3. sunod sunod akong pinarip ng cd at mp3 at dvd movies para mailagay ang mga ito sa ipod video at ipod nano fatty..

4. sisihin trabaho daw namin ang bumili ng mga gamit para sa opisina dahil ang purchasing department namin ay di marunong kung ano ang dapat nilang bilhin…

5. gawing utusan ng aking staff.. na ginawa ko naman ng di ko napansin dahil wala nga ako sa sarili ko..

6. hanapin sa akin ang master key ng isang floor dahil inaakala ata nila na ako ang keyholder at nasa akin ang lahat ng susi ng mga pintuan dito sa aking pinagtratrabahuhan…

7. tawaging heyden kho.. (medyo di ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto)…ng wala naman akong ginagawang video..

8. pumunta sa isang lugar na nagtaka ako kung ano ang aking pakay sa lugar na yon..

9. mag hunting ng cheesy beef ng 7-11 na laging out of stock..

10.  at pansamantalang iwan ng aking gf dahil may sale ngayon sa HK.

sa lahat ng yan…. apektado ako sa number 10. ganito pala ang pakiramdam kapag ikaw ay pinasasaya ng lubusan at bigla kang iiwan… pero mabuti narin at di naman yung iwan na aking kinakatakutan… at sa mga manghuhula kung ilang buwan kami tatagal… tsk tsk.

please lang.. uwi ka na.. namimiss na kita sobra…

ang bayanihan ay buhay pa…

Posted in kung ano ano lang... on Hulyo 29, 2009 by defpotec

matapos ang ilang linggong pag iisip kung paano maiakyat ang malaking problema ko… ay nakapag isip rin kami ng paraan.. tanggalin sa kahon, isakay sa elevator, at tumawag ng constituents para buhatin ang mabigat na luho ng amo kong si bill gates.. eto ang resulta..

sige buhat mga alipin… kala nyo magaan ha!

hep hep.. pahinga muna…dahan dahan sa pagbaba..

hay grabe.. isang dosenang katao para buhatin ang isang TV

at syempre ang mandatory pictorial pagkatapos maasemble..

sabi ng boss kong si bill.. bigyan daw nya ako ng isang ganun rin kalaking tv.. pero tinanggihan ko nalang sya.. masyadong maliit e..

pero nakakatuwa nga kung may ganitong tv ka sa bahay.. sigurado di ka na aalis ng bahay..

ang pinakamalaking problema ko sa ngayon…

Posted in laruan on Hulyo 24, 2009 by defpotec

sa lahat ng mga matyagang nagbabasa pa ng blog ko, humihingi po ako ng patawad sa inyo sa aking madalang na pag update… mahirap pala ang kabit.. kasalukuyang kelangan doble ang effort mo na magpakyut, doble ang pasensya mo, doble ang tyaga, at doble din ang resistensya at performance level..pero walang kinalaman ang title ng entry na to sa lovelife ko,. masaya ako ngayon..

bago ang lahat.. happy birthday pala sa amo kong si bill gates na nagdiwang ng kanyang birthday last week..ang wish ko lang kay bill.. ay sana gamitin nya ang konti nyang yaman para sa kanyang sarili.. masyado syang masipag, ngunit masyadong simple.. walang luho…

sana nag ingat ako sa aking hiling dahil bigla nya ako pinatawag ng isang umaga..

Bill: Defpotec, gusto ko palitan ang tv ko sa kwarto sa opisina..

Def: ahhhh sir.. ok.. gano po kalaki?

Bill: ahhhh yung doble ng tv ko ngayon, para dami manood..

Def: .. .. ahhh…. sir?….. uulitin ko lang po… doble ng laki ng kasalukuyang LCD nyo sa office?

Bill: yup.. i order mo na..

<mission impossible theme na naman>

after one week… dumating na ang tv…

eto na ang problema…

di kasya ang TV sa elevator, di rin kasya sa hagdan…. ang opisina ni boss ay nasa 20th floor.. di ko alam kung ano gagawin ko… buti nalang nasa abroad si Bill… hanggang ngayon.. kamot ulo parin kaming lahat kung paano maiaakyat ang TV nya sa kwarto…

at kung interesado kayo malaman gano kalaki ang TV, pinicturan ko sya kasabay ang isang tao na around 5’7″ ang taas..

eto pa

at ang huling solo pic nya.. nasa kanan ang eskelabeytor..

sakit na ng ulo ko… langyang buhay to…

sana ibigay nalang nya to sa akin.. bagay to sa kwarto ko…at di kami mahihirapan install sa bahay…

UPDATE: nakapag google ako.. at ganito ang ginawa nila sa UK…

http://www.techdigest.tv/2007/07/how_do_you_get.html

its official….

Posted in contesxt, kung ano ano lang..., laruan on Hulyo 13, 2009 by defpotec

isa na akong querida, kabit, boytoy, panakip-butas, pampalipas oras, at… gigolo fling?….

ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam ng isang kabit.. yung may tunay na bf ang ‘gf’ mo, at di nya rin alam ano gagawin nya.. ngunit ayaw ka nyang mawala sa kanya, subalit di nya maiwan ang bf nya…

langyang telenobelang buhay to….

pero inaamin ko.. masarap ha… na nakakalungkot… na masarap… na nakakalungkot.. na masarap..

ilang buwan sa tingin nyo? ang tumama ng hula ay may 300 pasaload na manggagaling sa akin… (open to all networks)…

one entry per peroson…

sa mga scandaloso…

Posted in 1 on Mayo 18, 2009 by defpotec

kaaga aga ng lunes.. scandal agad ang bumulaga sa akin..

malamang ang bagal ng interwebs ngayon… dahil sa Katrina Halili- Hayden Kho scandal na yan… laaht nag googol.. lahat nagdodownload..

pero bilib ako kay HK… di lang pala isa ang scandal nya.. kungdi may 2 pa!!! isang sa comercial model.. (way better than KH-HK scandal) and isang brazilian model..

bilib din ako dito kay HK… master of all scandals.. sikat na sya ngayon…

para sa akin.. mukang manghihina na naman ako sa lunes na ito..

HK sa 2010!!