Archive for the top 5 Category

farewell everyone….

Posted in badbreath, Blogroll, broadband only, contesxt, kung ano ano lang..., laruan, LOVENUTS, MR. FU, mythbastard, pooparazzi, Prick D. Ashowle, swami, the road to perdition, top 5 with tags , , on Abril 1, 2008 by defpotec

eto na ang aking huling hurrah….

sa wakas, dumating rin ang panahon na sa dami ng patong patong na trabaho, di na ako makakapagblog… tandang tanda ko pa noong una akong nag blog a year ago, ang sabi ko sa sarili ko… pastime lang to.. pangtapon ng oras, panglabas ng utot sama ng loob.. walang personalan.. walang eb eb.. wala..

nagkamali ako…

dito sa blogosphere, nakilala ko ang mga totoong tao.. kahit na pilit nila akong pinalilibog at pilit akong iniinvite sa mga camshow nila para lang maghubad..

di ko nagawang di makipag eb. nagkaroon ako ng kebigan… mga tunay na kebigan..

di ko man kayo kilala, mas nahigitan nyo pa ang friendship na binigay nyo sa akin kesa sa mga totoo kong kebigan…

di ko man kayo nakikita, ang oras at attention na binigay nyo sa akin ay higit pa sa oras na ipinuhunan sa akin ng mga totoo kong kebigan..

di ko man kayo kilala… natuto nyong tawanan at mahalin ang pagkatao ko.. mapa defpotec, swami, Prick D. Ashowle, dear jones, at iba pang mga karakter na di pa sinisilang… you laugh with me, while my so called ‘real friends’ laugh AT me…

madami pa sana akong isusulat na pasasalamat dito, pero di ko na ito pahahabain pa..

di narin ako mag naname drop kung sino sino kayo.. alam nyo kung sino kayo…

salamat mga kebigan, ka blogahan, ka berks, kainuman, ka kulitan… salamat dr. calayan..

at sa aking pag aalis, alam nyo namang mahilig ako sa mga pa kontest kontest na yan… at marahil ito ang aking final goodbye..

goodbye with a bang… she bang!

nais ko lang na umabot ang hits ng entry na to sa record proportions..

so sa aking pagpaalam, iiwan ko sa inyo ang isang paalala…

365 days old na ang blog ko… at dahil mahal ko kayo.. may chansa kayong mananalo ng isang:

madali lang ang mechanics:

1. open to the the first 365 commenters of this entry

2. comments should state why you will miss my blog and how i changed your life

3. ilagay nyo narin kung ano yung paborito nyong entry ko

4. ok rin ang dedication, well wishers, at suck up to defpotec comments

5. only one comments per person.. di pwedeng multiple orgasm comments

6. ilagay nyo narin ang favorite song nyo; what is your ambition; who is your crush; what is your favorite color; what is your motto; then dedication..

may final bunutan pa kung sino ang mananalo ng premyo na to..basta open only to the first 365 commenters.

at sana, sa aking huling paalam.. napasaya ko rin kayo..

goodbye to everyone.. this has been a great journey..

love,

defpotec jones; swami; PDA…

*para sa mga DALAGANG babae 18-28 years and below, kung gusto nyo magpadala ng sexy pics nyo, di ako magagalit, at baka sakaling kayo pa ang manalo ng premyo… madadaan naman yan sa usapan…

dees ees pamili!!!……

Posted in broadband only, contesxt, kung ano ano lang..., top 5 with tags , , , , on Marso 11, 2008 by defpotec

pamily (pamilyar) sa akin ito….

sige na nga.. congrats narin… pero sa ms world pageant, please lang.. mag interpreter ka na!! PLEASE!!!

eto nga pala yung sa US naman….

SABI KO NAMAN KASI SA INYO, STICK WITH WORLD PEACE ANSWER!!!

the simpsons lookalikes

Posted in top 5 on Agosto 17, 2007 by defpotec

mahilig ako sa simpsons… sino ba naman ang di matutuwa sa humor ng dilaw na karakter sa tv? napaka dysfunctional ng family nila, actually… buong springfield dysfunctional..

minsan di ko matanggal sa aking isipan ang relasyon ng springfield sa pinas… pag nanood ako ng simpsons.. bigla akong napapasigaw!! SHET!! kahawig to ni…..! (sabay tawa ni krusty!)

5. 500px-selma_bouvier.png at si imgyorachay.jpg selma and haydee…. yes… lalo na noong nagkaroon ng frizzy hairstyle si haydee.. grabe ang resemblance nila noon. but no offense meant to the late haydee yorac.. she was a great lawyer.. and selma.. she’s just a damn bitch..

4. arroyo2906_1.jpg at si barney.jpg ….kk, no offense meant to barney…

3. wiggum.jpg and mendoza-dotc.jpg… si police chief wiggum and larry mendoza ay parang pinagbiyak na kambal.. pareho ang trabaho (pulis) prehas na chief… grabe…

2.guingona2.jpg and burns2.gif diba pwede? prehas powerful person si vp guingona at si mr burns.. prehas silang may vulture eyes!!

and….

1. krusty0dg.jpg krusty46_gif.jpg markjimenez.gif krusty14_gif.jpg u3.jpg diba parang kambal si krusty the clown and mark jimenez? at ang importante, prehas din silang nakulong!!

kaya ako tuwang tuwa sa simpsons… nakakarelate ako!

dala ng ulan…

Posted in broadband only, top 5 on Agosto 7, 2007 by defpotec

rainfall.jpg

nakakalokong isipin na nagkukulang tayo sa tubig….

pero 2 araw ko nang di nakikita ang haring araw..

di naman sa ako’y umaangal, ang katotohanan nyan, ako’y nasisiyahan..

kabilang ako sa kakaunting grupo ng mga tao na nagagalak kapag umuulan kesa sa mainit ang panahon…

marahil, dahil narin sa ako’y mabilis magmantika, tamaan lamang ng kaunting init ng araw…

teka teka, bat para akong tumutula….

(ayusin ang sarili)

di siguro kataka taka na kapag sinabi mong ‘ulan, bagyo, baha’, ay may katambal itong inis, galit, suya, sakit, daga, basura, etc… pero kapag naririnig ko ang kulog, at nakikita ko ang kidlat… di ko maalis na hindi tumawa… masaya ang aking mga alaala.. bakit?? (paki play ang nasa ibaba para ma set ang mood, wag nyo munang sabayan ng kanta, magbasa muna kayo, i replay nyo nalang kung gusto nyong dumagdag sa pagpapalakas ng ulan…)

bakit nga ba ako masaya kapag umuulan???

#1. nung ako’y elementary pa (2 years ago)… pagka gigising ng umaga 5:30am para mag handa sa iskuwelahan, hirap na hirap akong bumangon… gawin nyo naman yan ng 5 beses sa loob ng isang linggo for 14 years.. tatamarin din kayo.. init sa byahe..bago pa man lang ako dumating sa iskwelahan, ang dungis ko na sa pawis… kaya pag umuulan, medyo lumalamig ang panahon. sumasarap ang byahe, nababawasan ang pawis ko, at patas patas kami ng mga klasmeyt ko na pumapasok na parang basang sisiw, walang madungis na defpotec, lahat kami basa!!!

at kung sweswertehin pa, pag medyo malakas ang ulan ay cancelled ang klase! WALANG PASOK!!!… salamat ulan..

#2. HS ako nun, at biglang buhos ng ulan at bumaha andaming na stranded sa iskwelahan dahil di makalangoy ang mga sasakyan… ako naman, nagpakastranded kuno, kahit wala namang sundo.. dahil stranded ang crush ko! yey!! buong gabi ko sya kasama…. kakwentuhan…salamat ulan…

#3. sa college naman.. sa University belt.. (may sasakyan na ako nun, lite ace)…pag bumuhos ang ulan, tiyak andaming chikas na basa at kita halos ang kanilang mga bra sa pagka wet nila… tuwang tuwa na ako nun.. pero di huminto dun ang galak ko.. umilaw ang takbo ng kukote ko.. wala silang masakyan… malaki ang sasakyan ko…. hmmmmm.. <DING!!> ayus!! iniyaya ko sila ng free hitch.. 1 point for being a good samaritan.. 2 points for actually inviting their wet see thru bodies inside my van… and 3 points nung may isang nagbihis sa loob ng van!! todo aircon ako nun, bakasakaling may bumakat, bukod sa tinatago ng aking slacks…pasilip silip sa rear view mirror… salamat ulan…

#4. may kinalaman sa post #3. isa dun sa mga isinabay ko, naging fling ko… medyo pakipot sya, pero nung isang beses na umulan na naman ng malakas at di kami makauwi dahil sa baha ang lugar ng dorm nya (sampaloc)… niyaya ko syang magpalipas ng oras.. .san pa e di dun sa… shhhhhhh… SCORE!!! (nakarating kami sa sta. mesa ngunit di makauwi sa sampaloc?)… salamat ulan!!

#5. sa first job ko.. bumuhos ang ulan.. nakisabay ang isang hot opismate… na stranded kami sa baha/trapik.. gridlock ito.. tipong 3 oras walang galawan… manyak tint ang sasakyan ko (hindi na yung liteace)…zero visibility… kayo nalang ang magisip kung ano nang nangyari…basta ako… SALAMAT ULAN!!!

o diba, sino ba naman ang di matutuwa kapag umuulan kung ang karanasan nyo sa ulan ay ganun? basta ako… pag umuulan, may kakambal na ngiti ang aking bibig..

matthews02.jpg

public service announcement: alam nyo naman na meron tayong tinatawag na tag tuyot ngayong panahon na ito.. kaya naman panay announce sa media na magtipid sa tubig.. at ayon narin sa payo ng isang co-blogger na di ko makita ang post si selvo.. ugaliin magtipid ng tubig.. maari sa pamamagitan ng pagsipilyo ng 1 or 2 beses nalang sa isang araw, imbes na 3….

ako naman, nag contribute narin ako sa pagtipid ng tubig.

DI NA AKO NALILIGO PAG SUNDAY…

pero…

PWEDE NA KO MALIGO ULI!! SALAMAT ULAN…

report broken/non working videos at defpotecjones@yahoo.com  

Top 5: Bosses i wanna work for

Posted in top 5 on Hulyo 13, 2007 by defpotec

kahapon wala akong masyadong magawa.. nagmuni muni, nag isip isip.. bukod sa aking napaka hectic na schedule, siguro kung bibigyan ako ng pagkakataon.. eto ang limang taong nais kong paglingkuran… wag na natin pag usapan ang sweldo.

5. Socorro Ramos -bookworm’s wet dream

soc-ramos.gif

sa aking pagtanda pagbinata napansin ko na para akong sanggol na oras oras ay naghahanap ng dede gatas.. ang gutom ko sa kaalaman ay hindi lamang tumitigil sa google, wikipedia, forums, at blogs nina jon cabron, maruism, gingmaganda, bonniefazzyoo, isagani X, azrael666, hilig ko parin magbasa ng libro.. at san ka pa bibili ng libro kungdi sa paboritong National Book Store, or NBS…. tambay ako dito magmula noong ako’y bata pa.. mga libro ko noon, choose your own adventure series.. yung para kang tangang palipat lipat ng page. yung tipong lahat na daliri ng kamay mo ay gagamitin mo para lang gawing bookmark kung sakaling mali ang desisyon mo.

Kung boss ko sya, malamang paparequest ako sa warehouse ma assign, or dun sa quality control.. kung san pwede kong iuwi ang mga sirang libro, basahin at ibalik..

natatandaan ko nung akong nasa national bookstore last week.. may isang seksing chick.. grabe… nag eye contact kami. malagkit ang tingin nya, familiar sya..nginitian ko rin.. “Hi!” sabi ko, “lagi ka rin ba dito?”, habang nagpapa kyut.

“hello, ako nga pala si Ellen, minsan mga 3x a week..” sagot nya. “Mahilig ka rin palang tumambay sa adult section?”

(palpak, sira ang momentum ko) .. “ahh ako nga pala si Defpotec, gusto mong mag merienda muna?” resbak ko..

“sige..” ang sagot nya..

na ikinagulat ko.. syet.. san ko sya dadalhin? “obviously not le souffle

4. George Yang – big macs and flies fries

george_yang.jpg

dito kami napunta ni Ellen.. kasi mukha syang sosi.. sarap din dito sa mickey D’s.. medyo mas type ko ang burger nya kesa sa kabila..paborito ko ang BIG MAC, yung fries nya at chicken mcnuggets masarap din. kung boss ko tong si GY, di na ako pagpapasweldo sa kanya. pwede na sa akin ang isang branch ng Mcdonalds.. sapat na yun..pwede na pangsustento sa 1 pamilya… pwede pa akong mag aral sa Mcdonald’s university sa USA. wow.. stateside..with a bachelor’s degree on burgers..

manghang mangha parin ako kay ellen.. kinis nya.. pero parang may napansin ako sa kanya.. di sya masyadong kumakain.. bakit kaya?

“Def, i dont really feel like eating here…” sabi nya.

tumaas ang kutob ng dibdib ko… syet, palpak ata plan ko.. mukhang gastos to..

“can we go to another place to eat?” hirit nya.

“er… ok, lead the way..” last words ko

3. Tony Tan Caktiong – chickenjoy & palabok

tancaktiongcopy.gif

Panalo ka talaga Jollibee!!.. kung andito ka lang sa harapan ko!! mahahalikan kita!! Dito ako dinala ni Ellen.. much to my joy..chickenjoy!!.. kahit dala dala ko ang take out bag ng mcdo habang ina eyeball ako ng masama ng 45 na staff ng jollibee at parang gusto akong ipasok sa utility room at gamitin ang mga mops sa pagtorture sa akin. Ngunit isa akong diplomatiko, pumila ako..

“isang 2pc spicy chickenjoy, go dalandan juice, 1 palabok fiesta, burger steak at spaghetti.” yan ang inorder ko.

napangiti na ang staff…”would that be all ser? for dine in or take out?”

“no its for me..ahm additional asian salad pala for my date…”

na miss ko ang Crispy Bangus Belly nya! IBALIK NYO!!

pag boss ko si Tony, yan ang una kong request.. ang pagbabalik ng Crispy Bangus Belly.. atsaka 1 store ng jollibee… di lang pang 1 pamilya.. pwede pang 3..

2. Henry Sy – Mall King

henrysy.jpg

matapos kumain niyaya ko syang maglakad..pumunta kami sa MALL of ASIA.. unang tindahan na pinuntahan namin ay TK (toy kingdom) kung san tumingin kami ng mga laruan, tapos nagikot ikot sa SM department store..nagpababa ng kinain, naglakad muli hanggang sa mapagod..

“wanna watch a movie?” sabi ni Ellen.

without hesitation…i lined up sa sm cinema IMAX ticket booth..

1. Lucio Tan -a tycoon’s tycoon

lucio_tan.jpg

the movie set the mood.. nagdidilim na.. madilim din sa sinehan.. lumamig na ang panahon.. malamig din sa sinehan.. gininaw si Ellen.. inakbayan ko.. inumpisahan nya… uminit pakiramdam ko…

“jon, not here..” bulong nya..

napahinto ako.. WTF??

“sorry def pala.. heeheehee..” pakyut sya.. sira mood ko.. pakyut pa lalo.. “bring me someplace..” bulong nya habang kinagat kagat ang dulo ng tenga ko..balik lagnat ako

…. if you think you should bring her to a motel, go to page 36

…. if you think that you should get some drinks with her, go to page 94

choose your own adventure!!

Dinala ko sya sa isang bar.. available ang Beer na Beer, Carlsberg, COLT 45. di nya feel.. gusto nya ng S… ibang brand.. light beer daw ang gusto nya.. shet.. hassle to ah.. buti nalang may bagong COORS LIGHT!

nung naka tig 6 na bote kami, nauhaw sya. .umorder ng tubig.. yung ABSOLUTE .. tapos nagyayang mag hard drink.. TANDUAY naman daw.. ayus.. score

“do you mind if i smoke?” tanong nya.

“not at all.” sagot ko..

Winston Lights ang sinindihan.. may moments of silence…

” def, i have something to tell you, i have a long flight tomorrow.. im going to LA na.. sana ok ang flight ko…” sabi ni Ellen.

“which airlines ka ba?” balak kong ihatid

PAL, can you bring me there sa terminal 2?” tanong nya..

“but thats tomorrow night.. ” sabi ko

“its ok def, i have a room in Century Park Hotel, and im all alone.. is it ok if you accompany me?” sabi nya..

“WAITER BILL OUT!! KEEP THE CHANGE!”

epilogue:

pag gising ko sa umaga, nag iisa na ako.. tumingin ako sa tabi ko.. wala na sya.. naghanap ako ng note na iniwan.. wala, walang note, walang panty.. walang ebidensya ng night out with ellen.

mukang nanaginip na naman ako ah.. lagkit ng boxers ko… shet