Archive for the the road to perdition Category

pustahan?

Posted in contesxt, the road to perdition with tags , , , on Mayo 6, 2009 by defpotec

maiba nga tayo… siguro 80% ng blog ng mga pinoy ngayon ay ang tungkol sa kung paano ginahasa ni pacman si hattong.. gusto ko sanang maiba ang paksa pero dun rin ang uwi ng topic ng entry ko na ito..

marahil madali rin ako makalimot.. ay nakipagpustahan ako muli.. dun sa di pa tumatakbo sa baywalk ng hubot hubad….  pacman ako, hattong sya….kung matalo si pacman… mag jujumping ropes ako  200 times.. kung matalo sya.. magpupush up sya… 200 times… SA MOA!!!

alam nyo naman sino nanalo diba?

ang tanong? nasan na ang kapustahan ko??

as usual.. nawawala… if i know, gagawa na naman yan ng issue, kesyo galit sya sa akin or inaway ko sya or namatay ipis nya or may pms sya.. kaya di nya gagawin ang end ng deal nya..

naisahan na naman ako…you know…

buhay talaga….

now i know!! you know…

PS. para sa mga nagtataka kung bat “hattong” ang tawag ko kay hatton, panoorin nyo to

Advertisements

gigil ni bill….

Posted in kung ano ano lang..., the road to perdition on Abril 21, 2009 by defpotec

palibhasa sya’y na brokeback.. kaya extra alipin ngayon si defpotec…

kanina lamang ay nadagdagan ng bagong job description ang trabaho ko.. isa na akong waiter/butler/ordertaker/ at server…

mabait naman si bill, pero kung di nyo sya kilala.. siguradong mangangatog at manlalabot kayo kapag nakita nyo syang magalit..

bill: order ka ng 18 bento box (11:15am)

def: yes sir

bill: pa rush mo.. dali…

def: yes sir..

umorder ako ng 18 bento box…

(after 15 mins.. )

bill: san na ang bento? (as if fastfood ang bento box)

def: sir ginagawa pa po..

bill: dalian, ipa follow up…

dali dali kong finollow up yung bento box na 18 na order ni bill….

(after 5 mins)

bill: ASAN NA??

def: sir ginagawa parin po…

bill: antagal naman!!  ang bilis lang ng bento box a ( siguro gutom na)

(after 10 mins)

bill: asan na bento box? @#%@%!!! ang tagal!!! %!%!!^#$@^&%^$#!!! asan na waiter??

tumawag na ako sa telepono

nakita ni bill ang isang waiter na wala naman kinalaman sa order nila….
bill: ^@#$%@#%!! ang bagal bagal ng bento box, kanina ko pa inorder.. dapat pag sabi kong i serve ng 11:30, 11:00 andyan na!! $@#$@!!! follow up mo!!

waiter: (nagulat at walang magawa) opo sir ayan na po..

buti nalang biglang dumating ang 18 bento box, in 30 mins…

sabon si waiter.. kami naman ni bodyguard tawa lang ng tawa… pano nga naman mamamagic ang bento box e 11:15 na sya nag order, e di naman yun instant mami para 3 mins lang andyan na…

tawanan kami ng tawanan ni bodyguard…

.. nangbiglang pumasok si bill at nahuli kaming tumatawa….. (PATAY!!)

bill: DEF!!! ANONG TAWA TAWA MO DYAN!!??

def: er…

bill: TARA KAIN NA TAYO!!!

o diba? kala ko itatapon na ako sa kangkungan yun pala iimbitahin lang ako kumain.. sabi sa inyo mabait tong si bill e.. wag nyo lang gugutumin…

salad..

Posted in the road to perdition on Abril 17, 2009 by defpotec

para to sa isang so called ‘friend’ ko na akala mong concerned na concerned sa aking pagpapapayat at suportang suporta sa aking new diet..

may pa tuna tuna pa sya.. at mag breakfast daw para light ang dinner..

gagawan pa daw ako ng tossed salad kung malapit lang sya….

gaganda daw at seseksi daw ako…. basta kalimutan ko na yung deal na tatakbo sya ng hubothubad sa baywalk…. (never!)

lagyan ko daw ng konting carrots, pipino, at konting keso… at mahal daw ang prepacked salad sa grocery…

ok na sana ang lahat… pero nalimutan mo ang pinakaimportanteng paalala sa lahat…

WAG MAGLALAGAY NG GULAY SA FREEZER!!!

..ngayon, para akong ngumunguya ng malunggay salad…

FAILED!

gusto ko maging loser…

Posted in contesxt, the road to perdition on Abril 7, 2009 by defpotec

medyo matagal tagal na rin ako huling gumawa ng entry sa blog na ito.. halos malimutan ko na may blog pala ako na dapat pakainin…siguro ay medyo naiba rin ang ihip ng hangin kaya bihira narin ako magkaroon ng pagkakataon na makapagblog.. ang dating M-W-F ay di nasunod at nawala sa iskedyul.. dumami ang trabaho… recession pa naman ngayon kayat kelangan doble ang kayod…

at di ko rin kayo masisi kung bat nagkaroon naman ako ngayon ng paskil… (oo kinopya ko lang yan sa pilit na ginawang tagalog ng wordpress).. pero nagtataka ako kung ano ang kahulugan ng mga tinagalog na katumbas ng mga salitang nakikita ko sa dasbord? tulad ng dahon.. (leaf?) mga kabit ( affair?) kalihiman (secrets?)  at ang pinakatamatindi sa lahat.. BLOG ESTADISTIKA!!! (wala akong maisip na katumbas nyan sa wikang ingles) kaya wag nyo narin ako sisihin kung bakit medyo tinamad na ako mag blog.. dahil 40% ng dasbord ay di ko maintindihan…

mabalik tayo… kaya ako nabalik sa pagsusulat ay dahil wala akong magawa sa bahay.. kakagaling lang natin sa isang mahabang linggonghuli (long weekend) at sa mga kadahilanang di ko maaring sabihin sa inyo, ay ako napilitang mapasailalim na isang parang bilanggo sa tahanan (house arrest)…. aktwali, di naman ako naisalulupa (grounded) ngunit subalit, sabihin nalang natin na kelangan ay di ako lumayo at lumabas sa siyudad ng kinalalagyan ko (sa kyusi) dahil may isang nangangailangan ng aking serbisyo.. (ang amo kong si bill gates)…

so kung ikaw ay nakakulong.. wala kang magawa kungdi mag muni muni, mag isip, maglaro, at manood ng TV.. at yan nga ang ginawa ko..

at meron akong isang kinatuwaang palabas base sa katotohanan (reality based show).. at iyan ay ang THE BIGGEST LOSER

natuwa ako dahil sa bukod sa matataba ang mga kasali dito, ang kanilang layunin ay magpapapayat… nagkataon na tuloy tuloy ang mga palabas na ipinalabas sa kable, kaya nasubaybayan ko ang mga palabas…

ganito ang pakay ng palabas..

kumuha ng 16 na ubod ng tabang tao (obese) at gawing paligsahan ang pagpapapayat..  kung sino man ay ang may pinakamalaking ipinayat.. ay syang magwawagi ng 12.5 milyon pesos (250,000 dolyar)… tae.. di ka magtataka kung bakit lahat sila ay pursigidong magpapayat.. sa isang linggo.. halos 5-10 kilos ang ipinapayat nila.. kakaibang aliw! pumayat ka na.. yayaman ka pa..

naalala ko tuloy yung mga panahon na may nakipagpustahan sa akin na kapag ako pumayat ay tatakbo syang hubot hubad sa baywalk… ano na ang nangyari dun? wala.. wala dahil walang isang salita ang talunan.. hanggang ngayon ay pilit parin nyang pinipilit na di ako pumayat at di ako nanalo, ngunit kayong mga mambabasa na ang naging husgado at huwes… at sa inyong mga komento, siya naman ang talo diba?

yoko na.. siguradong eepal na naman si talunan.. magpipilit maging abogado….. panawagan lang.. WAGKANA…

mabalik tayo sa palabas…

ganito ang mga naging resulta ng mga kontestant….

ayan ay mistulang mga sampol palang ng pagpapapayat nila.. at sa halagang 12 milyon… magagawa ko rin yan…

ngunit ang katotohanan nyan.. walang nag hahandog sa akin ng 12 milyon.. pero yan parin ang aking gustong marating…

ako ngayon ay balik sa 100 kilos.. (220 lbs) at nais kong bumaba ng 200 bago pa man din matapos ang abril… at sa mayo, susubukan kong maging 180…

kaya ko kaya ito? ( gusto kong makipagpustahan dahil ako ay kompetitive in nature… disqualified na pala yung di tumakbo nung nakaraan…)

akoy naghahanap ng kapusta… marahil ilathala nyo lang sa komento ang mga handog nyo, at kung magustuhan ko, ay pag usapan natin…

pera? cellphone? boracay hotel GC? sagana tayo dyan… name it!!

seryoso ako!  I CHALLENGE ANYONE!!!

too- ohh -ohh – nine!!

Posted in kung ano ano lang..., mythbastard, the road to perdition with tags on Enero 15, 2009 by defpotec

(paunawa: ang titolo ng entry na to ay sya mismong narinig ko habang inaaano ko yung isang ano… at ang rating nya sa akin ay yung numero sa huli…)

ayus… sa tagal kong nagbakasyon, andaming pagbabago ang nangyari sa akin… at andaming pagbabago ang nangyari sa mundo ng blog..

eto na naman at bago na naman ang layout ng wp… inaamin ko, isa sa mga dahilan na tinamad akong mag update ng entry ay dahil sa napakalalim ng tagalog ng wp dashboard… parang di lang talaga mahuli ang panlasa ko.. parang yung mga kantang nasa wikang ingles na pinilit tagalugin… nakakabaliw… nakaka walang gana…

“di ka na mababasa ng ulan, di ka na mababasa ng ulan.. di na, di na, hindi, hindi…”

parang yan dba.. ang ayos ayos ng umbrella ni rihanna.. biglang magkakaroon ng tagalog version… minsan naisip ko, sana naman binigyan ako ng choice ng wp na piliin kung tagalized version ang layout na gusto ko or ingles…pero hinde e, talagang tagalog e…

sino ba naman gaganahan king ang makikita mo nun ay:

MGA DAHON – WTF is this? punongkahoy?

MGA KABIT – sa totoo lang nakakakunsenya… di ko tuloy makwento dito yung fubu kong may asawa dahil sa katagang ito…

at least ngayon… medyo mas tanggap na ng sikmura ko ang bagong layout ng wp.. at least ginawang semi taglish na ang wp na background… di na masyadong malalim… sana naman kasi di na nila binago..

ang isa pa sa mga dahilan kaya ako nagbakasyon ay dahil meron akong misyon… ang misyon ko.. ay kung may darating sa isang araw na 0 ang hits ng blog kong ito.. bigo ako.. so eto, nagsusulat na naman ako..

tama na ang paliliwanag.. alam ko namang di kayo interesado..

pwes, balik tayo sa mga dahilan bat naisipang kong bumalik…

natatandaan nyo pa ang mcdonals french fries na aking itinago sa isang lalagyan ng bottled water? musta na kaya sya? pwes… dun sa mga hindi nakakaalam, balikan nyo ang mga entries ko ng nakaraang may 2008…

https://defpotec.wordpress.com/2008/05/22/mahilig-ba-kayo-sa-fries/

https://defpotec.wordpress.com/2008/06/26/the-fountain-of-youth/

https://defpotec.wordpress.com/2008/07/29/kumusta-naman-si-pareng-fries/

at kung nabasa nyo na iyan.. pwede.. hayaan nyo akong bigyan siya ng isang VIP introduction:
LADIES AND GENTLEMEN… PLEASE WELCOME…. THE NON-BIODEGRADEABLE FRIES!!

halos walong buwan na ang nakakalilipas, at ang nangyari lang sa kanya ay medyo pumayat sya ng kaunti.. ewan ko ba.. nakakaka amaze diba?

so sa mga mahihilig sa fries… order pa tayo…

yummy!

kryptonite

Posted in kung ano ano lang..., the road to perdition with tags on Setyembre 1, 2008 by defpotec

MONDAY SEPTEMBRE, 2008

10:45NU

dear blog,

eto na naman ako na nagpapakamatay para magpapayat magpalaki.. mukang na goodtime narin naman ako ni moo, kaya ano pang kwenta para magpapayat? syanga pala, naikwento ko ba sayo na andito sya ngayon.. at ewan ko lang pero pakiramdam ko tinataguan ako at baka sakaling ipaalala ko sa kanya ang pagkatalo nya at mapabili pa sya ng running shoes ng wala sa panahon… di lang nya alam na matagal ko na siyang pinatawad at hinayaan ko nalang ang Diyos na maghiganti para sa panlilinlang nya sa akin.

at ang hindi ko maintindihan ay.. bat di nya magawa ang kiss ass post na hinihiling ko.. para din naman sa kanya ang mga pabili pasalubong na yun.. ano ba naman ang 30 words in english na post? e kung sa mga advertisers nya, minsan nakakapagpost na sya.. di naman pala sya babayaran.. baka kasi lokohin na naman ako kung thank you post ang hintayin ko… di ba nya alam na mas naapreciate ko ang kiss ass post kesa thank you post? ano ba naman yung napakaliit na bagay na yun.. wala talaga akong kalakas lakas sa kanya..

maiba tayo blog, alam mo ba nung friday habang nagbubuhat… ay bigla akong nanghina… kakaiba talaga ang naramdaman ko nun blog… mantakin mo.. may 2 babae akong katabi… e kalimitan nyan pag may dalawang babae akong katabi, mas lumalakas ako.. ewan ko bat sa ganung pagkakataon, nanghina ako ng todo…

napansin ko lang… habang nagbubuhat ako, biglang lumapit ang bading na kasama ng dalawang babae at dun nagchikahan.. tapos dun ko naramdaman ang kakaibang panghina.. oo blog, grabe yun.. kakaiba ang amuy ng bading na yun.. tinalo pa ang isang libong arabong di naligo.. sobrang potent talaga ang amuy nya.. at dun ko naramdaman ang panghihina..

imbes na maka 3 set ako, naging 1 and a half nalang.. di ko na natapos ang pagpakyut pagbuhat.. halos umikot ang paningin ko.. pero napansin ko nung lumipat ako sa ibang exercise machine papalayo, unti unti akong muling lumakas..

blog, di ba kaya pagsabihan ng 2 babae na grabe pa sa naagnas na tao ang putok ng kasama nilang bading? paano pa sya makakapagpick up ng lalake nyan kung ganun kalakas ang amuy nya? naawa ako sa babae blog, dahil grabe, halos 45 mins sila nagchikahan.. at ako naman, di makalapit sa lugar nila. parang may pangpahina…

ngayon lang ako naunawaan sa kasabihang “mauubos ang lakas mo sa bading”

o paano blog, magpapaalam muna ako sayo.. kelangan ko na magtrabaho muli..

see you and take care coz i care…

ambaho talaga pota! kadiri..

kumusta naman si pareng fries?

Posted in kung ano ano lang..., mythbastard, the road to perdition with tags on Hulyo 29, 2008 by defpotec

dun sa mga nag aabang kung ano na ang nangyari sa french fries ng mcdo na pinost ko noon dito? at ang follow up na nangyari sa kanya dito….

eto na sya ngayon… kumustahin natin sya…

JULY 29, 2008:

sa ngayon ay medyo parang nagkaroon ng konting pagsesebo.. ibig sabihin kaya ay nagumpisa na ang kanyang decomposing process.. pero kung iisipin mo.. ika 2 buwan na nya to.. bat di parin sya inaamag?

so kahit anong pilit ko.. di ko maipakita ang quality ng fries dito sa pic.. so mas mabuti pang iabante sya at i close up..

at sa wakas.. nakuha ko rin ang close up shots nya.. kitang kita nyo naman.. wala man lang ka ebidensya ng pagbubulok at pagkakaroon ng amag.. kakaiba!!

sa susunod na di nyo uubusin ang fries nyo sa mcdo.. tandaan.. itapon sya ng maayos sa “DI NABUBULOK” na basurahan… kasama nya ang barkada nyang si styrofoam, styropore, at si plastic bag..

di pa tapos ang experimento…. abangan pa…