Archive for the Prick D. Ashowle Category

bat di mawala ang gyera sa mindanao?

Posted in Blogroll, kung ano ano lang..., Prick D. Ashowle with tags , , , on Agosto 23, 2008 by defpotec

welcome back sa akin.. sa mga nakamiss sa akin…salamat… sa mga naghanap sa akin… andito na ako muli… sa mga nakaisip sa akin… pekyu.. dahil masakit pa dila ko.. at sa mga umabang sa aking pagbabalik dahil lang sa pasalubong… magbasa kayo….

kahapon sa opisina, ay nakatanggap ako ng isang tawag sa isang karakter na kataka taka… baka abutin pa ako ng 300 pahina kung ito’y iisa isahin kong ikuwento.. kaya kayo nalang ang mag re-enact sa inyong mga kukute kung ano ang nangyari…

CALLER: good morning, may i speak to Mr. Rick D. Ashowle?

Prick D. Ashowle: sino to?

CALLER: ahhh si Rick na ba to?

PDA: its Prick… who’s this?

CALLER: ahhh Prick.. oo good morning, ako si GENERAL blah blah Alindog .. taga AFP ako.. kasi may project ang AFP ek ek.. regarding ganito ganyan… e naisip ko lang, baka pwedeng humingi ng support Prick, hihingi sana ako ng tulong sayo..??

PDA: (wow…first name basis agad.. nagpapakaclose?).. ah general..anong project ba yan? at anong klaseng tulong ang kelangan nyo? (translation: get to the point buttface!)

GEN ng AFP: ahh kasi may mga ticket kami.. baka pwedeng mag allot ako sa iyo ng 4… tulong mo narin… in return padadalhan kita ng business card ko at baka makatulong yan sayo…

PDA: (WTF LIGAF BBQ!!) 4? teka general, ano ba yan project project na yan.. pwede bang email mo nalang sa akin?

GEN ng AFP:  ahhh kasi sira ang computer namin (baka para dun ang project) pwedeng fax nalang Prick? ahhh ok naman tong project na to.. may mga advertisment at sponsor.. pwede mong ilagay ang name mo..

PDA: ah ganun ba general? e kasi wala naman akong ilalagay sa sponsors page.. kung gusto mo i refer kita sa Public Relations Department… alam ko sila nakikipag deal sa mga ganyang sponsorship.. di ko kasi hawak yan ..

GEN ng AFP: eh Prick.. parang personal na tulong mo na rin.. kahit walang sponsorship… baka pwedeng personal mo nalang.. supporta sa AFP..

PDA: naku general… patawag nalang sa PR namin.. mas makakatulong yan sa inyo… (TRANSLATION: ASA KA PA NA MAGOGOGOYO MO AKO)

GEN ng AFP: ah ganun ba, o sige tawagan ko nalang ang PR nyo.. <click!>

PDA: fuch you very much general, your welcome narin!

DEAR GENERAL: eto lang masasabi ko.. kung totoong General ka man, kung mas inaasikaso mo nalang ang giyera sa mindanao at milf, e di sana mas nakakatulong ka pa sa bansa natin.. yung modus operandi mo na magbenta ng ticket ticket na yan, ay nagawa na yan ng bumbero, pulis, baranggay at iba pa.. kumita na yan (altho di sa akin at never sa akin). di ka na nahiya na umabot ka ng general, tapos ang tanging gagawin mo lang ay manglimos at magbenta ng ticket, sana di ka nalang naging general ng AFP.. at habang naghihirap ang mga bata mo sa mindanao, dito ka nag sasales blitz sa telepono para makabenta ng retirement fund mo..isa kang kahihiyan sa AFP…gamitin mo naman ang intelligence ng military hindi sa pang background check ng mga tahimik na tao, kungdi sa mga terorista… at andito narin tayo usapang intelligence.. sana naman gamitin mo ang konting intelligence sa sarili mo ng makadagdag sayo..  general ka pa man din.. mahiya ka naman..

ngayon, kung ikaw ay di naman totoong general ng AFP… eto lang masasabi ko.. tigil tigilan mo na ang pag gamit ng pangalan ng ating hukbong sandatahan para mang swindle ng pera sa mamamamayan..  mamamayan lang ako.. hindi ako mayayaman.. magkaiba ang dalawa… mahiya ka rin at sinisira mo ang pangalan ng AFP.. habang isinalay nila ang buhay nila at ipinagtatangol ang mga kebigan kong nasa mindanao..ay siya namang ikinaliligalig mo at ginagamit ang pangalan nila sa iyong pambili ng luho..

general, kung sino ka man, maaksidente ka sana at ang lahat na naiswindle mo sa mga natakot mo at napabili mo ng ticket na yan ay mapunta sa pagpapagamot mo at pagpapatahi ng kung ano man ang naputol sa iyo dahil sa aksidente na yan.. general, di ka kelangan ng pilipinas.. maitapon ka sana sa mindanao, at dun, marahil subukan mo bentahan ng ticket ang MILF at tingnan natin kung hindi bala ng m-16 ang ipambayad sayo.. or deposit man lang..

PS. at isa pa.. ITS MR. PRICK D. ASHOWLE! and not Prick.. di tayo close para i-first name basis mo ako.. at mas lalo tayong di close para humingi ka sa akin ng pera… kung ang mga ka close ko nga… katakot takot na iyak bago mabahagian ng PASALUBONG… ikaw pa?

EXTORT THE FART IN MY ASS…SCUM!

any takers…

Posted in kung ano ano lang..., Prick D. Ashowle with tags , , on Hunyo 30, 2008 by defpotec

Female workers needed

must have pleasing personality

18-25 years old

starting pay is P20,000.00/month

dental and medical benefits

uniform provided, panties are not allowed

Job Description:

To test firmness of hotdog.

Please send resume to FurePoods Corp.

-Prick D. Ashowle

reVolution part 2.. atbp…

Posted in kung ano ano lang..., laruan, Prick D. Ashowle, the road to perdition with tags on Hunyo 2, 2008 by defpotec

pagpapatuloy sa nakaraang post na inuupdate parin every now and then…

and since half year na.. might as well post my half year resolutions…

21. magdadasal gabi gabi

22. pipiliting makapasok sa pogispotting.com

23. gagalingan ang performans sa sex

24. di namagiging impulsive buyer

25. di na bibili ng tv

26. magbibilad na ng konti sa araw para magkaroon ng kulay

27. magiging friendly

28. babawas bawasan ang pagiging Prick D. Ashowle

29. magiging isang sikat na tao

30. magiging realistic

31. magbabawas ng 10lbs this month

32. makikipag eb na sa mga bloggers

33. mag aahit regularly

34. maliligo regularly

35. pagbubutihan ang trabaho

36. matutulog on time

37. di na magkakanin dahil sa rice shortage

38. magdodonate ng dugo sa redcross regularly

39. magjojoging sa baywalk at 630

40. magiging isang role model

41. magiging mabait sa magulang

42. magiging mabait sa kapatid

43. di masyado iispoilin ang pamangkin kong paborito

44. magkakaroon ng sideline

45. mag iipon para sa kotseng matipid sa gasolina

46. kung di ko magawa yan, bibili nalang ako ng bisikleta

farewell everyone….

Posted in badbreath, Blogroll, broadband only, contesxt, kung ano ano lang..., laruan, LOVENUTS, MR. FU, mythbastard, pooparazzi, Prick D. Ashowle, swami, the road to perdition, top 5 with tags , , on Abril 1, 2008 by defpotec

eto na ang aking huling hurrah….

sa wakas, dumating rin ang panahon na sa dami ng patong patong na trabaho, di na ako makakapagblog… tandang tanda ko pa noong una akong nag blog a year ago, ang sabi ko sa sarili ko… pastime lang to.. pangtapon ng oras, panglabas ng utot sama ng loob.. walang personalan.. walang eb eb.. wala..

nagkamali ako…

dito sa blogosphere, nakilala ko ang mga totoong tao.. kahit na pilit nila akong pinalilibog at pilit akong iniinvite sa mga camshow nila para lang maghubad..

di ko nagawang di makipag eb. nagkaroon ako ng kebigan… mga tunay na kebigan..

di ko man kayo kilala, mas nahigitan nyo pa ang friendship na binigay nyo sa akin kesa sa mga totoo kong kebigan…

di ko man kayo nakikita, ang oras at attention na binigay nyo sa akin ay higit pa sa oras na ipinuhunan sa akin ng mga totoo kong kebigan..

di ko man kayo kilala… natuto nyong tawanan at mahalin ang pagkatao ko.. mapa defpotec, swami, Prick D. Ashowle, dear jones, at iba pang mga karakter na di pa sinisilang… you laugh with me, while my so called ‘real friends’ laugh AT me…

madami pa sana akong isusulat na pasasalamat dito, pero di ko na ito pahahabain pa..

di narin ako mag naname drop kung sino sino kayo.. alam nyo kung sino kayo…

salamat mga kebigan, ka blogahan, ka berks, kainuman, ka kulitan… salamat dr. calayan..

at sa aking pag aalis, alam nyo namang mahilig ako sa mga pa kontest kontest na yan… at marahil ito ang aking final goodbye..

goodbye with a bang… she bang!

nais ko lang na umabot ang hits ng entry na to sa record proportions..

so sa aking pagpaalam, iiwan ko sa inyo ang isang paalala…

365 days old na ang blog ko… at dahil mahal ko kayo.. may chansa kayong mananalo ng isang:

madali lang ang mechanics:

1. open to the the first 365 commenters of this entry

2. comments should state why you will miss my blog and how i changed your life

3. ilagay nyo narin kung ano yung paborito nyong entry ko

4. ok rin ang dedication, well wishers, at suck up to defpotec comments

5. only one comments per person.. di pwedeng multiple orgasm comments

6. ilagay nyo narin ang favorite song nyo; what is your ambition; who is your crush; what is your favorite color; what is your motto; then dedication..

may final bunutan pa kung sino ang mananalo ng premyo na to..basta open only to the first 365 commenters.

at sana, sa aking huling paalam.. napasaya ko rin kayo..

goodbye to everyone.. this has been a great journey..

love,

defpotec jones; swami; PDA…

*para sa mga DALAGANG babae 18-28 years and below, kung gusto nyo magpadala ng sexy pics nyo, di ako magagalit, at baka sakaling kayo pa ang manalo ng premyo… madadaan naman yan sa usapan…

panawagan kay ginoong jon cabron….

Posted in 1, Blogroll, kung ano ano lang..., Prick D. Ashowle, the road to perdition with tags , , , , , , on Enero 17, 2008 by defpotec

dear sir jon,

kamakailan ay naging topic ang iyong kakaibang kundisyon sa blog. hindi ko naman iyon sinasadya upang gawan ng katatawananang iyong kundisyon, bagama’t gusto ko lang maunawaan ng lahat at maintindihan ang kaseryosohan ng iyong kundisyon.

ngunit kagabi, naramdaman ko ang araw araw mong nararamdaman…. nag umpisa to sa isang kulo… hangang sa loob ng 2 oras ay mahigit kumulang 4 na beses ako bumisita sa palikuran… hindi ko rin malaman kung parusa ba ito ng tadhana o may nag badbreath sa akin, ngunit ngayon ko lang naunawaan at naalala ang kaseryosohan ng dinadanas mo araw araw.

hanggang sa lumipat na ang sakit ng aking tiyan sa aking tumbong, ikaw ang aking laging nasa isip. kakaiba talaga ang mainit init na nararamdaman ng aking tumbong… para syang namamaga at binugbog ng mga tambay na sabog. ngayon kakaibang respeto na ang nararamdaman ko sa iyong pagkatao.

natatandaan ko 4 taon na ang nakalilipas noong akoy atakihin ng diarreah…. sa isang gabi, 17x ako labas pasok ng banyo at nagtutubig.. pakiramdam ko 10 lbs ang nawala sa akin…. pakiramdam ko rin, 10 bading ang nang rape sa akin… pero ayon sa siyensa, the human body cant remember pain and smell.. so nalimutan ko na kung gano kahirap ang sitwasyon ko nun.

isa pa pala ginoong jon… ayon sa interweb, meron tayong 35,000 sakit… ang hindi ko lang maintindihan ay, kung bakit sa dami ng sakit na alam ng sangkatauhan… LBM uli ang ginamit na dahilan ng aking colleague na si JAYA para hindi uli makapagreport sa trabaho… naalala ko na pinagbigyan ko sya noon dahil ang dahilan nya ay magdamagan daw syang gising at bumibyahe sa CR kaya di na nya kinayang pumasok.. pero ang gamitin ang parehas na dahilan at rason ng wala pang isang buwan ang nakalilipas ay parang nagkaroon ako ng duda. aaminin ko.. totoong mahirap magkaroon ng LBM, pero sa dami ng ibang sakit dyan, bat ganun uli ang kanyang dahilan? ito ba ay dahil sa epektib ang dahilan nya dati kaya yan ang ginamit nya uli? ito ba ay dahilan sa kakulangan nya ng creativity kaya inulit nalang nya ang dahilan?

nagtataka…

Prick D. Ashowle

kanina ay sinubukan kong mamigay ng barya sa pulubi… sa totoo lang, natuwa ako, susubukan ko rin sana sumakay ng bus at i offer ang upuan kung sakiling may matandang sumakay, kaya lang naisip ko na baka hanapin ako ng boss ko sa trabaho… kaya next time ko nalang susubukan yun.

wag mo akong subukan…

Posted in badbreath, Prick D. Ashowle with tags on Disyembre 13, 2007 by defpotec

angry-man.jpg

ilang araw ko na napapansin…

panay tambay mo sa kabilang departamento…

70% ng oras andun ka.. 80% ng tawag mo, galing sa kanila hanap ka.. ako na ang nagiging secretarya mo.. pag nag usap kayo.. chickahan..tawanan.. harutan..

di ko alam kung anong business nila sayo… kung nangangailangan ba sila ng support or masarap ba ang pagkain dun…

pero sure ako di yan dahil sa ‘lalake’ dun.. kasi di ko naman alam kung lalake ba talaga yun…

mabait ako sa mabait.. pero tandaan mo, napupuno din ako…

hinahayaan ko lang kayo gawin gusto nyo.. mag chat, mag relax, maging cool, dahil yan lang rin ang ginagawa ko dahil naniniwala akong pag relaxed ang work environment, mas magiging productive tayong lahat..

pero sana naman marunong ka rin mag isip na may difference ang term na ‘support’ sa ‘tutorial’…

napuno na ako nung pag balik ko sa opisina ay nalaman kong andun ka uli… tinawagan na kita…

Prick D. Ashowle: andyan si Jaya?? (code name ko sa kanya)

Other line: sandali lang po..

PDA: Jaya, ano ba problema dyan?

Jaya: eh kasi sir yung logo natin hindi nila ma save, naghahang lagi sa pc, di marunong yung artist mag photoshop tinutulungan ko..

PDA: alam mo naming kulang tayo sa tao dito, pinupuntahan mo pa sila dyan para turuan? May nakasulat bang “PHOTOSHOP SUPPORT” sa labas ng departamento natin? Ilang araw ko na napapansin na lagi ka nalang andyan, yung mga trabaho natin dito na may deadline di naasikaso.. kung di sila marunong mag photoshop, problema nila yun, papasok sila sa isang trabahong di nila alam..mag aral sila.. may art department naman tayo, bat di sila dun magtanong? O baka naman gusto mo na lumipat dyan?

Jaya: (hikbi)

PDA: sabihin mo lang ha kung gusto mo lumipat dyan. (click)

bumaba si Jaya, nakasimangot, umiiyak.. sorry sya.. Prick D. Ashowle mode ako ngayon.. kahit na magbaha pa ng luha dito, di ka magiging best drama actress..

di ko sinasabing maging tulad mo ako… kasi eversince trabaho ko ang buhay ko… di ako nagbabakasyon, at kung magbakasyon man ako, nagtratrabaho parin ako..

3 taon na akong di pumupunta sa boracay, out of town ko this year 1 lang (pilit pa), out of the country ko this year 1 (official trip pa)… hindi sa wala akong mapuntahan or walang nagyayaya.. pero minabuti ko nalang na di lumayo sa place of work ko dahil sa kinakatakutan kong ‘support call’ pag nagkanda leche leche ang mga bagay sa opis. bigyan ko kayo ng scenario kung bakit di ako makabakasyon:

SCENE: DAY 1 on a 4 day 3 nights vacation in boracay

imagine nyo yan.. nasa boracay ako (hindi ako yung nasa itaas)…. nag susunbathe,, umiinom ng jonas fruit shake… eto ang minamata ko sa unahan ko…. biglang riring ang phone ko:

cellphone: Mr. Prick, yung monitor po dito sa opis, ayaw umandar…

Prick D. Ashowle: ganun ba? naka on ba ang cpu?

cellphone: opo on naman, pero yung monitor walang lumalabas..

PDA: may ilaw ba yung monitor?

cellphone: meron naman

PDA: nakakabit ba mga cable?

Cellphone: (nag check) opo

PDA: nag restart ka na?

Cellphone: opo

Sa oras na to, 2 lang ang mangyayari.. tatawagan ko sya muli in 5-10 mins… pag ganun parin ang sitwasyon, susugod ako sa opisina para lang ayusin ang sirang monitor.. mas di ko kakayanin mag enjoy sa nalalabing 3 araw kung ang utak ko ay nasa trabaho ko.

PDA: hello? Ok na?

Cellphone: ok na po.. hehehe

PDA: anong nangyari?

Cellphone: di po pala ito yung monitor na nakakabit sa CPU, yung kabilang monitor po..

PDA: ah ok..

Ganun kababaw na tawag lang, pero kaya na nyan sirain ang bakasyon ko.. kasi makukuha nya utak ko.. imbes na pagnanasahan ko ang mga dalagang naka 2 piece sa unahan ko, ang inaaburya ng utak ko ay yung 10pc PC setup na malayo sa harapan ko at di ko magalaw.. umaandar sa imagination ko ang mga scenario kung ano ang nangyayari, kung nasusunog na ba ang mga microchip, kung naputol ba ang mga connection kung nasusunog na baa ng opisina ko (sa totoo lang, nakakaputol ng erection ang kaputulan ng connection).. ewan ko, baka abnormal ako.. pwedeng OA, pero sa totoo lang, mabuti na yung OA. Sa lahat ng ayaw ko, yung binabalewala ang trabaho..

Nag vacation leave ka last 3 weeks ago.. di ka man lang nagsabing mag oout of town ka.. nung nagka problema, di mo masuportahan.. papunta kang bagiuo sabi mo, di ka makasugod sa opisina.. ako ang nagtrabaho ng trabaho mo… 4am ng umaga, ako ang nag eemail… habang ikaw, ewan ko kung totoong papunta ka ng bagiuo, o inaantok ka lang at tinatamad sumugod sa opisina..

After 3 days ng leave mo, nag text ka.. di ka makakapasok, humingi ka ng extra leave, kasi hinihika ka dahil sa byahe or sa pagod.. wala kang narinig sa akin. Itinago ko ang hirit ko..gusto kitang hiritan sana pero nangibabaw ang awa ko.. baka maging drama queen ka na e.

Ang sa akin lang… bat di ka inatake ng hika mo pag nag vavacation ka? O baka naman katam yan? Ewan ko.. basta bahala na .. hintayin mo nalang ako mapuno..

At nangyari na nga yan..

Tapos ngayon iyak ka ng iyak.. napagsabihan ka lang ng konti, iyak ka ng iyak.. ako guguilt tripin mo?!? Ni hindi pa kita pinagtaasan ng boses..ni hindi man lang kita binigyan ng memo or disciplinary notice..

Oo mahinahon ako magsalita, pero sorry ka, matalas din dila ko..

It only hurts when its real….atsaka.. masakit din ulo ko..

 

… |\/| [] \/\/ |2 [] |\| …

Posted in laruan, Prick D. Ashowle with tags on Disyembre 5, 2007 by defpotec

medyo wala ako sa mood makipag ym dito sa taong to.. gusto ko man makatulong… di kami magkaintindihan… nakakaubos ng pasensya….

louie jimenez (12/5/2007 11:34:59 AM): sir patulong naman, ako yung nag PM sayo about my 360

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:34:29 AM): sorry, i dont repair anymore e

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:34:37 AM): its virtually irrepairable

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:34:41 AM): 3rl i mean

louie jimenez (12/5/2007 11:34:59 AM): bakit sir

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:35:15 AM): crappy materials talaga ng microsoft

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:35:28 AM): suggestion ko is wait for the newer models

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:35:36 AM): which is due out next year

louie jimenez (12/5/2007 11:35:46 AM): kc bat nakita ko sa PXB nag rerepair kayo

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:36:01 AM): tagal na yun

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:36:05 AM): that was last year pa

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:36:16 AM): you can try yung ibang nagrerepair

louie jimenez (12/5/2007 11:36:25 AM): pag ni repair ba 360 sir

louie jimenez (12/5/2007 11:36:36 AM): bumabalik din ba yung sakit nya

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:36:40 AM): yup

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:36:43 AM): eventually babalik din

louie jimenez (12/5/2007 11:36:47 AM): kc yung akin ok naman

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:36:59 AM): kaya hininto ko na ang repair

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:37:01 AM): masisira lang ako e

louie jimenez (12/5/2007 11:52:40 AM): sir soory nwala ako

louie jimenez (12/5/2007 11:52:58 AM): bakit d na kayo nag rerepair ng 360

 

(amp, parang di nagreregister sa kanya mga sinabi ko a!)

 

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:53:22 AM): di kasi naayos

louie jimenez (12/5/2007 11:53:23 AM): sir help lang

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:53:24 AM): babalik ang sira

louie jimenez (12/5/2007 11:53:41 AM): bakit

louie jimenez (12/5/2007 11:53:48 AM): masakit ba sa ulo

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:53:50 AM): like i said

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:53:52 AM): oo

 

(oo sumasakit na ulo ko sayo…)

 

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:54:00 AM): problema ng microsoft yan

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:54:03 AM): ayaw ko na akuin

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:54:08 AM): atsaka madami akong ibang ginagawa

louie jimenez (12/5/2007 11:54:12 AM): mga ilang araw lang itatagal pag na repair na sir

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:54:14 AM): sideline lang yun

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:54:16 AM): depende

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:54:18 AM): may buwan

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:54:22 AM): may weeks

louie jimenez (12/5/2007 11:55:01 AM): sir bigyan nyo nalang ako ng tips

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:55:31 AM): like?

louie jimenez (12/5/2007 11:55:33 AM): san po ba nabibili yung mga screw.

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:55:39 AM): sa tosuy

louie jimenez (12/5/2007 11:55:42 AM): para ako nalang magayos ng sa akin

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:55:53 AM): lahat na tutorial nasa xbox-scene.com

louie jimenez (12/5/2007 11:56:01 AM): para d naman ako gumastos ng malaki tapos babalik din

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:56:23 AM): may link dun from pxb

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:56:34 AM): lahat din na kelangan mo andun na

louie jimenez (12/5/2007 11:56:35 AM): oo sir lahat ng mode nakita ko na bukod pa sa xbox.scence

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:56:54 AM): ayun

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:56:56 AM): so ok na

louie jimenez (12/5/2007 11:57:20 AM): sir yung mga turnilyo na gagamitin san ko po ba mabibili yun

louie jimenez (12/5/2007 11:57:35 AM): mga washer nut

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:57:45 AM): sa tosuy sa sta cru

louie jimenez (12/5/2007 11:57:48 AM): helps sir

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:57:50 AM): sta cruz

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:58:02 AM): tosuy hardware

louie jimenez (12/5/2007 11:58:05 AM): tosuy ano yun

louie jimenez (12/5/2007 11:58:09 AM): ?

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:58:19 AM): tosuy hardware

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:58:27 AM): tindahan yun sa sta cruz

louie jimenez (12/5/2007 11:58:32 AM): sa raon ba yan sir

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:58:49 AM): sa may recto t. mapua

louie jimenez (12/5/2007 11:59:11 AM): sa D JOSE station

louie jimenez (12/5/2007 11:59:26 AM): mapua school

 

(sssstrrrriiiikkkkeeeeeee 1!!!!!)

 

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:59:37 AM): tomas mapua street

Prick D. Ashowle (12/5/2007 11:59:42 AM): cor recto

louie jimenez (12/5/2007 12:00:17 PM): makita ko ba agad yun sir

louie jimenez (12/5/2007 12:01:23 PM): im trying to fix my self nalang kaysa gumastos ako kc babalik din naman cira nya malaro ko man lang iba kong games

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:01:45 PM): yup

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:01:49 PM): hanapin mo lang

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:01:53 PM): kungdi tanong mo sa taga dun

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:01:57 PM): makikita mo agad yun

louie jimenez (12/5/2007 12:02:40 PM): tried fix towel kaya lang bumabalik din cya sa 3rl ang sakit na nga ng ulo ko ko sarap itapon kung mayaman lang ako durugin ko talaga ng hammer to

louie jimenez (12/5/2007 12:02:44 PM): hehe..

louie jimenez (12/5/2007 12:03:12 PM): sir Prick D. Ashowle

louie jimenez (12/5/2007 12:03:24 PM): makita ko ba agad yun.

 

(sssssstttttttrrrrriiiiikkkkkkeeee 2!!!!!malamang hindi mo makikita yun kung panay bibig ang gagamitin mo maghanap)

 

louie jimenez (12/5/2007 12:03:34 PM): ang mahal naman kc ng pagawa eh

louie jimenez (12/5/2007 12:03:48 PM): ronald,bravo

louie jimenez (12/5/2007 12:04:25 PM): basta recto baba me dun tanong nalang ako sa mga tao

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:05:01 PM): oo

louie jimenez (12/5/2007 12:05:11 PM): lenz screw ba gamit mo sir yung bilog ang screw nya

louie jimenez (12/5/2007 12:05:28 PM): dun sa board mismo ikakabit

louie jimenez (12/5/2007 12:05:59 PM): bale d na sa lata ilalagay ang screw

louie jimenez (12/5/2007 12:06:11 PM): kc dalawa mode nu

louie jimenez (12/5/2007 12:06:25 PM): yung isa mag drill hole ka pa sa case

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:06:36 PM): t10

louie jimenez (12/5/2007 12:07:11 PM): yung lenz screw d na need kc sa board na mismo gagamitin yung lenz screw nakasalo na cya sa lata

louie jimenez (12/5/2007 12:07:38 PM): T10 lenz screw yung haba sir?

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:09:14 PM): d kita maintindihan

louie jimenez (12/5/2007 12:10:26 PM): ano ba plus 10 sir?

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:10:43 PM): yung screw na kelangan mo is T10

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:10:45 PM): flower head

louie jimenez (12/5/2007 12:10:54 PM): yup

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:10:58 PM): ayun

louie jimenez (12/5/2007 12:11:17 PM): kc yung iba ginagamit yung palt philip screw

louie jimenez (12/5/2007 12:11:42 PM): tapos mag drill pa sila dun sa case

louie jimenez (12/5/2007 12:11:52 PM): yun ba gamit mo sir

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:12:01 PM): sundin mo yung kay lawdawgs

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:12:03 PM): ok yun

louie jimenez (12/5/2007 12:12:36 PM): yung mag drill pa sa lata

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:12:46 PM): oo

louie jimenez (12/5/2007 12:13:37 PM): kc sa youtube nakita ko d na nag drill dun na mismo sa board nakalagay yung sa GPU lang

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:13:56 PM): d naman tlga i drill yung board

louie jimenez (12/5/2007 12:13:58 PM): tor screw 10 din gamit

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:14:01 PM): yung heatsink lang ng cpu

louie jimenez (12/5/2007 12:15:24 PM): heat sink ng GPU,CPU

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:16:14 PM): yes

louie jimenez (12/5/2007 12:17:13 PM): sir bale ilang washer saka nylon washer,ring washer sencya na sir bebenta ko rin naman 360 ko pag naayos ko na masakit na rin ulo ko dito magastos pa

louie jimenez (12/5/2007 12:18:01 PM): ano sukat ng t10 screw sir Prick D. Ashowle

louie jimenez (12/5/2007 12:18:49 PM): sir

louie jimenez (12/5/2007 12:19:20 PM): senscya na sir kung naabala ko kayo sir

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:19:41 PM): yung nasa scene

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:19:43 PM): kunin mo yun

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:19:49 PM): may mga sukat dun

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:19:54 PM): tapos dalhin mo sa tosuy

louie jimenez (12/5/2007 12:23:21 PM): yung sa lawdag o sa rbjtec dalaw yun dba sir

louie jimenez (12/5/2007 12:23:43 PM): alin sa mga yun sir

louie jimenez (12/5/2007 12:23:58 PM): last question ko sir

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:24:07 PM): any of the 2

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:24:13 PM): pero mas stable kay rbj

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:24:20 PM): mas madali kay lawdawg

louie jimenez (12/5/2007 12:25:02 PM): naguluhan yata ako ng konti sir

louie jimenez (12/5/2007 12:26:04 PM): ok lang alin sa dalawa

louie jimenez (12/5/2007 12:26:27 PM): msir last po sir Prick D. Ashowle

louie jimenez (12/5/2007 12:26:51 PM): how much its cost all of that?

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:27:08 PM): no idea na ako

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:27:13 PM): i bought a lot before

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:27:17 PM): so di ko na compute ang cost

louie jimenez (12/5/2007 12:27:19 PM): kasama na yung artic silver compuond

louie jimenez (12/5/2007 12:27:41 PM): sorry sir

louie jimenez (12/5/2007 12:28:08 PM): sana d kay na offend sa question ko

(di naman ako naooffend, naiirita lang)

 

louie jimenez (12/5/2007 12:29:00 PM): pero mas stable kay rbj /mas madali kay lawdawg medyo naguluhan lang me last na sir

louie jimenez (12/5/2007 12:29:15 PM): pls.

Prick D. Ashowle (12/5/2007 12:30:04 PM): brb

louie jimenez (12/5/2007 12:30:19 PM): ano na naman yun sir?

 

(sssttttttttttrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiikkkkkkkkkkkkeeeeeeeeeeeee 3!!! Yeeeerrr out!!!!)patay tayo dyan, kung di mo alam ang brb, ewan ko na kung pano mo matututunang mag self repair)

louie jimenez (12/5/2007 12:33:12 PM): sir

louie jimenez (12/5/2007 12:33:28 PM): brb mean be ryt back

 

(bravo!! Standing ovulation!! Clap clap CRAP!)

 

louie jimenez (12/5/2007 12:33:35 PM): sir

louie jimenez (12/5/2007 12:33:39 PM): sir

louie jimenez (12/5/2007 12:37:27 PM): cge sir nxtime

louie jimenez (12/5/2007 12:37:49 PM): ofline message nalng sir pahinga na muna ako

louie jimenez (12/5/2007 12:38:13 PM): asar lang ako sa 360 pinasakit masyado ulo ko

louie jimenez (12/5/2007 12:38:51 PM): nakakatanda ng mukha

louie jimenez (12/5/2007 1:29:23 PM): sir Prick D. Ashowle wala bang kinalaman yung power suply nya

louie jimenez (12/5/2007 1:29:37 PM): kc b4 gamit ko 110v

 

ewan ko, di ko na sya binalikan… nosebleed!

payong kebigan lang sir, kung di mo magawang makita and mahanap ang tosuy sa tomas mapua/recto, mas malaki pa ang chansa mong makahanap ng gintong nasa paso sa dulo ng bahaghari, or yung makakita ka ng flying unicorn, or yung mahanap mo yung loch ness monster or yung sasquatch…kesa tangkain mong ayusin ang sira mong xbox…

 

sayang, astig pa man din ng avatar mo..