Archive for the laruan Category

ang pinakamalaking problema ko sa ngayon…

Posted in laruan on Hulyo 24, 2009 by defpotec

sa lahat ng mga matyagang nagbabasa pa ng blog ko, humihingi po ako ng patawad sa inyo sa aking madalang na pag update… mahirap pala ang kabit.. kasalukuyang kelangan doble ang effort mo na magpakyut, doble ang pasensya mo, doble ang tyaga, at doble din ang resistensya at performance level..pero walang kinalaman ang title ng entry na to sa lovelife ko,. masaya ako ngayon..

bago ang lahat.. happy birthday pala sa amo kong si bill gates na nagdiwang ng kanyang birthday last week..ang wish ko lang kay bill.. ay sana gamitin nya ang konti nyang yaman para sa kanyang sarili.. masyado syang masipag, ngunit masyadong simple.. walang luho…

sana nag ingat ako sa aking hiling dahil bigla nya ako pinatawag ng isang umaga..

Bill: Defpotec, gusto ko palitan ang tv ko sa kwarto sa opisina..

Def: ahhhh sir.. ok.. gano po kalaki?

Bill: ahhhh yung doble ng tv ko ngayon, para dami manood..

Def: .. .. ahhh…. sir?….. uulitin ko lang po… doble ng laki ng kasalukuyang LCD nyo sa office?

Bill: yup.. i order mo na..

<mission impossible theme na naman>

after one week… dumating na ang tv…

eto na ang problema…

di kasya ang TV sa elevator, di rin kasya sa hagdan…. ang opisina ni boss ay nasa 20th floor.. di ko alam kung ano gagawin ko… buti nalang nasa abroad si Bill… hanggang ngayon.. kamot ulo parin kaming lahat kung paano maiaakyat ang TV nya sa kwarto…

at kung interesado kayo malaman gano kalaki ang TV, pinicturan ko sya kasabay ang isang tao na around 5’7″ ang taas..

eto pa

at ang huling solo pic nya.. nasa kanan ang eskelabeytor..

sakit na ng ulo ko… langyang buhay to…

sana ibigay nalang nya to sa akin.. bagay to sa kwarto ko…at di kami mahihirapan install sa bahay…

UPDATE: nakapag google ako.. at ganito ang ginawa nila sa UK…

http://www.techdigest.tv/2007/07/how_do_you_get.html

its official….

Posted in contesxt, kung ano ano lang..., laruan on Hulyo 13, 2009 by defpotec

isa na akong querida, kabit, boytoy, panakip-butas, pampalipas oras, at… gigolo fling?….

ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam ng isang kabit.. yung may tunay na bf ang ‘gf’ mo, at di nya rin alam ano gagawin nya.. ngunit ayaw ka nyang mawala sa kanya, subalit di nya maiwan ang bf nya…

langyang telenobelang buhay to….

pero inaamin ko.. masarap ha… na nakakalungkot… na masarap… na nakakalungkot.. na masarap..

ilang buwan sa tingin nyo? ang tumama ng hula ay may 300 pasaload na manggagaling sa akin… (open to all networks)…

one entry per peroson…

ang susunod na laruan ko

Posted in broadband only, laruan with tags , , on Setyembre 24, 2008 by defpotec

eto ang susunod na bibilhin kong game sa nintendo wii ko… di dahil na mukang ok ang laro, pero grabe nakakaaliw ang kanyang marketing…

salamat joystiq

google chrome dome

Posted in kung ano ano lang..., laruan with tags , on Setyembre 4, 2008 by defpotec

sa mga mahihilig mag browse at mga walang ginagawa sa opisina kungdi mag chat at mag browse… check out nyo ang bagong produkto ng google:

google chrome

at para sa mga di alam kung ano yan.. pwes.. i google nyo…

pano ka makakapagligtas ng 1000 na tao??

Posted in broadband only, laruan with tags , on Agosto 28, 2008 by defpotec

malamang lahat tayo ay nakapag muni muni na kung pano maging isang superhero… sa mga babae, siguro ilang beses narin kayong tumingin sa salamin at nakapagdesisyon na kelangan nyo ng wonderbra woman outfit para saklolohin ang mga api…  at aminin mo na.. nag pantasya ka rin magkaroon ng batong ilulunok at sisigaw ng “DING! ang chongkee bato!!”

sa mga lalaki… ila ba sa atin ang nagpanggap superman? dahil sa kanyang kagwapuhan at sa laki ng kanyang…. masels. at bat ba natin idol na idol si batman, at hahayaan na atin sa kanya ang bansa natin? “bahala na si batman..”.. diba yan ang lagi nating naririnig lately?

ako man ay may mga ganung pantasya.. sa mga dahilang di ko pwedeng ibuking.. oo, akoy isang public servant din…. pero mabalik tayo sa topic.. ngayon akoy isang tahimik na empleyado na walang oras.. naiisip ko parin at naalala ang mga nakaraan at ang sarap ng pakiramdam kung pano sumaklolo ng lolang na trap sa 4th floor ng nasusunog na building… (ng dalawang beses).. o sige.. di naman talaga umaapoy ang building noon.. mausok lang…

sa panahong ito, malaki ang pasasalamat ko sa interweb.. dahil mahilig ako sa sex laro.. ipapamahagi ko sa inyo ang aking discovery…

ang tawag sa game na ito ay..

THE LAST GUY.

isa kang superhero na kelangan mong iligtas ang mamamayan na trap sa mga buildings, at ilagay sila sa isang evacuation area at iiwas sa giant spiders, zombie atbp.. panoorin nyo nalang ang video para may idea kayo..

nakakaliw diba? ngunit di lang yan..  pwede gamitin ang webpage nyo or ang paborito nyong webpage as map para dun mo iligtas ang mga tao….  basta i type nyo lang ang URL sa empty space at i click ang “THE LAST GUY” sa ilalagay kong link sa ibaba.

dito nyo ilagay ang site ng mga gusto nyo at maglaro

hintayin nyo mag load ang page.. i swear aliw maglaro sa mga sites ng mga ka blog nyo..

at kung di nyo naintindihan ang instructions, subukan nyong gamitin ang common sense nyo, or basahin ang japanese instructions… sigurado kong mas maiintindihan nyo ang instructions ko…

rack in roll…

Posted in kung ano ano lang..., laruan with tags on Hunyo 27, 2008 by defpotec

dudeeeee.. jamming tayo mamaya…..


sige dude….. ituloy natin ang banda…..tagal na nating walang jamming…


pero dude…..ako ang guitarista ha.. ayaw ko na ang vocalist…


di pwede dude… ako parin ang gitarista…..


bat damot mo dude……


e diba dude.. sabi mo nun bago tayo magtayo ng banda.. ikaw ang vocals para ikaw ang bida at madaming chicks??


onga dude.. pero lagi nalang ako kumakanta e.. kakasawa na…..


e di dun ka nalang sa drums…..


dude naman.. bago mo mawrestling ang drums kay dagul… mapapatay ka muna….laki pa ng wankata nun dude!


onga dude e… ang damot nun……


kaya ako nalang ang gitarista dudeparekoy… plis?…. peram ko sayo psp ko…


(nag isip)…ayaw ko dude… bass ka nalang…..


e sino magiging vocals dude????


bahala na dude….  tayo lang ata ang bandang inaayawan ang position ng vocals…. bakit kaya??


ewan ko dude… tara start na tayo…….

GANITO ANG TUMATAKBO SA ISIP KO TUWING AKOY UMUUWI PARA MAGLARO…

nakakalungkot pag nag iisa ka.. di ka naman masasamahan maglaro ng imaginery frends mo… binilhan ko pa man din sila ng tig iisang gitara…





talentado…

Posted in laruan with tags , on Hunyo 25, 2008 by defpotec

inaamin ko.. altho hindi naman ako bully (ang mag react malaki ang kiki)….nasa dugo ko na ang malakas ang mang asar.. sa sobrang lakas ko mang asar.. parang nagmukang sanggol si Dr. House sa akin… marami na an nagsubok lumaban…. pero dala narin siguro ng aking nakaraan at aking nadaanan… natuto akong tumigas parang bato… (ang mag react uli… may kuto sa burbur)…. tuluyang humaba ang pasensya ko… (at ang rereact dito, ay amuy basang payatas ang prekprek)….

natural sa akin ang sumagot ng pabalang… human nature.. lalo na kung kumportable na ako sayo… kumbaga.. dyan mo masusukat ang level of comfort ko.. kung alam kong close na close na tayo.. di na ako mag aatubiling di ka barahin… natural na yan sa akin…. pero kung anong lakas ng aking pambabara.. ay sana wag mong personalin…. di ko sinasama ang pamilya, loved ones (unless trip mo) at mga personal effects defects… exception to the rule kung ang utak mo ay may defect….

walang personalan sa barahan.. typical silly question gets answered by an even sillier answer… di ko lam san ko kinukuha ang mga bala ko.. sometimes it would feel offensive.. pero sa akin.. no offense meant.. just sarcasm…

at kung di nyo masakyan ang pagiging sarkastiko ko… madali lang yan.. wag nyo na akong kausapin… dahil sa totoo lang.. matalas ang dila ko… mabaho ang hininga ko.. pero mabuti ang puso ko.. wag nyo isipin i mean what i say….

its nothing personal… its purely fun…

and dun sa mga umiyak.. at di pa umiiyak.. patawad… at tandaan nyo…. para kayong kulubot na betlog pag umiiyak kayo… kaya wag iiyak…