Archive for the contesxt Category

its official….

Posted in contesxt, kung ano ano lang..., laruan on Hulyo 13, 2009 by defpotec

isa na akong querida, kabit, boytoy, panakip-butas, pampalipas oras, at… gigolo fling?….

ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam ng isang kabit.. yung may tunay na bf ang ‘gf’ mo, at di nya rin alam ano gagawin nya.. ngunit ayaw ka nyang mawala sa kanya, subalit di nya maiwan ang bf nya…

langyang telenobelang buhay to….

pero inaamin ko.. masarap ha… na nakakalungkot… na masarap… na nakakalungkot.. na masarap..

ilang buwan sa tingin nyo? ang tumama ng hula ay may 300 pasaload na manggagaling sa akin… (open to all networks)…

one entry per peroson…

Advertisements

pustahan?

Posted in contesxt, the road to perdition with tags , , , on Mayo 6, 2009 by defpotec

maiba nga tayo… siguro 80% ng blog ng mga pinoy ngayon ay ang tungkol sa kung paano ginahasa ni pacman si hattong.. gusto ko sanang maiba ang paksa pero dun rin ang uwi ng topic ng entry ko na ito..

marahil madali rin ako makalimot.. ay nakipagpustahan ako muli.. dun sa di pa tumatakbo sa baywalk ng hubot hubad….  pacman ako, hattong sya….kung matalo si pacman… mag jujumping ropes ako  200 times.. kung matalo sya.. magpupush up sya… 200 times… SA MOA!!!

alam nyo naman sino nanalo diba?

ang tanong? nasan na ang kapustahan ko??

as usual.. nawawala… if i know, gagawa na naman yan ng issue, kesyo galit sya sa akin or inaway ko sya or namatay ipis nya or may pms sya.. kaya di nya gagawin ang end ng deal nya..

naisahan na naman ako…you know…

buhay talaga….

now i know!! you know…

PS. para sa mga nagtataka kung bat “hattong” ang tawag ko kay hatton, panoorin nyo to

gusto ko maging loser…

Posted in contesxt, the road to perdition on Abril 7, 2009 by defpotec

medyo matagal tagal na rin ako huling gumawa ng entry sa blog na ito.. halos malimutan ko na may blog pala ako na dapat pakainin…siguro ay medyo naiba rin ang ihip ng hangin kaya bihira narin ako magkaroon ng pagkakataon na makapagblog.. ang dating M-W-F ay di nasunod at nawala sa iskedyul.. dumami ang trabaho… recession pa naman ngayon kayat kelangan doble ang kayod…

at di ko rin kayo masisi kung bat nagkaroon naman ako ngayon ng paskil… (oo kinopya ko lang yan sa pilit na ginawang tagalog ng wordpress).. pero nagtataka ako kung ano ang kahulugan ng mga tinagalog na katumbas ng mga salitang nakikita ko sa dasbord? tulad ng dahon.. (leaf?) mga kabit ( affair?) kalihiman (secrets?)  at ang pinakatamatindi sa lahat.. BLOG ESTADISTIKA!!! (wala akong maisip na katumbas nyan sa wikang ingles) kaya wag nyo narin ako sisihin kung bakit medyo tinamad na ako mag blog.. dahil 40% ng dasbord ay di ko maintindihan…

mabalik tayo… kaya ako nabalik sa pagsusulat ay dahil wala akong magawa sa bahay.. kakagaling lang natin sa isang mahabang linggonghuli (long weekend) at sa mga kadahilanang di ko maaring sabihin sa inyo, ay ako napilitang mapasailalim na isang parang bilanggo sa tahanan (house arrest)…. aktwali, di naman ako naisalulupa (grounded) ngunit subalit, sabihin nalang natin na kelangan ay di ako lumayo at lumabas sa siyudad ng kinalalagyan ko (sa kyusi) dahil may isang nangangailangan ng aking serbisyo.. (ang amo kong si bill gates)…

so kung ikaw ay nakakulong.. wala kang magawa kungdi mag muni muni, mag isip, maglaro, at manood ng TV.. at yan nga ang ginawa ko..

at meron akong isang kinatuwaang palabas base sa katotohanan (reality based show).. at iyan ay ang THE BIGGEST LOSER

natuwa ako dahil sa bukod sa matataba ang mga kasali dito, ang kanilang layunin ay magpapapayat… nagkataon na tuloy tuloy ang mga palabas na ipinalabas sa kable, kaya nasubaybayan ko ang mga palabas…

ganito ang pakay ng palabas..

kumuha ng 16 na ubod ng tabang tao (obese) at gawing paligsahan ang pagpapapayat..  kung sino man ay ang may pinakamalaking ipinayat.. ay syang magwawagi ng 12.5 milyon pesos (250,000 dolyar)… tae.. di ka magtataka kung bakit lahat sila ay pursigidong magpapayat.. sa isang linggo.. halos 5-10 kilos ang ipinapayat nila.. kakaibang aliw! pumayat ka na.. yayaman ka pa..

naalala ko tuloy yung mga panahon na may nakipagpustahan sa akin na kapag ako pumayat ay tatakbo syang hubot hubad sa baywalk… ano na ang nangyari dun? wala.. wala dahil walang isang salita ang talunan.. hanggang ngayon ay pilit parin nyang pinipilit na di ako pumayat at di ako nanalo, ngunit kayong mga mambabasa na ang naging husgado at huwes… at sa inyong mga komento, siya naman ang talo diba?

yoko na.. siguradong eepal na naman si talunan.. magpipilit maging abogado….. panawagan lang.. WAGKANA…

mabalik tayo sa palabas…

ganito ang mga naging resulta ng mga kontestant….

ayan ay mistulang mga sampol palang ng pagpapapayat nila.. at sa halagang 12 milyon… magagawa ko rin yan…

ngunit ang katotohanan nyan.. walang nag hahandog sa akin ng 12 milyon.. pero yan parin ang aking gustong marating…

ako ngayon ay balik sa 100 kilos.. (220 lbs) at nais kong bumaba ng 200 bago pa man din matapos ang abril… at sa mayo, susubukan kong maging 180…

kaya ko kaya ito? ( gusto kong makipagpustahan dahil ako ay kompetitive in nature… disqualified na pala yung di tumakbo nung nakaraan…)

akoy naghahanap ng kapusta… marahil ilathala nyo lang sa komento ang mga handog nyo, at kung magustuhan ko, ay pag usapan natin…

pera? cellphone? boracay hotel GC? sagana tayo dyan… name it!!

seryoso ako!  I CHALLENGE ANYONE!!!

remembering “whoa…”

Posted in broadband only, contesxt, kung ano ano lang... with tags , , , , , on Mayo 14, 2008 by defpotec

natandaan nyo pa ba si paul potts? kung hindi, clickin nyo ito….

syanga pala sana ayos pa yung mga link ng vids na yan, siguradong di sayang oras nyo dyan…

anyways, nag promise akong di ako masyado magpopost ng mga videos ng mga contests na yan… unless may kakaiba…

at eto na nga.. mula sa brits got talent.. actually mas trip ko to sa american idol.. mas cool e..

report broken/non working videos at defpotecjones@yahoo.com

PS. isa lang ang paraan para manalo ang batang ito.. WAG NA MUNA SYANG MAGBINATA AT MAGPUBERTY!!

karnabal…

Posted in contesxt, kung ano ano lang..., the road to perdition with tags on Abril 25, 2008 by defpotec

bat ang hilig natin sa sideshow/freakshow…

natatandaan nyo pa ba ang paborito nyong attraction sa karnabal? hindi yung dunk the bading ha… kungdi ang mga freak show na kilala nating:

1. zumatutal- ang taong ahas, na anak sa labas ni zuma

2. si inchikenyo- ang taong kumakain ng buhay na manok

3. bentong – ang taong 3 ang paa

5. exnumerika – ang babaeng di marunong magbilang..

o diba nakakamiss. pero eto ang nakakatawa…

kahapon ay nakatanggap ako ng concerned email from efren.. isa sya sa mga nakakasaksi ng araw araw kong pagpapapawis para lang maka experience for once ang mga bloggers ng isang kakaibang sideshow.. naiisip ko narin ang  magiging impak at ikababagsak ng ekonomiya at panibagong krisis malaking kaguluhan na maidudulot nito.. dahil may tatakbo na sa baywalk ng hubot hubad…

di naman ako isang taong walang puso, kaya kabilang sa jogging ko ng every T-TH- S sa baywalk, ay minabuti ko naring i scout ang tatakbuhan ng talunan kong kapustahan….

3 kilometro ang haba ng PICC papuntang LUNETA… at sa haba ng 3 kilometrong yon, ay may 2 CR, 1 swimmingan sa manila bay malapit sa US embassy, di mabilang ng nagbebenta ng buko, c2, prutas, atbp, 3 parking lot, 4 na stoplight, at sandamukal na early risers/joggers/bikers/ at kaunting overnighters na may hangover pa, at saksakan ng dami ng taong nakapila para kumuha ng US BISA… so kung medyo mabilis bilis kang tumakbo, ang 3 kilometro na yon ay matatakbo mo in 30mins….goodlak

mabalik tayo sa email ni concerned efren:

ito ang bumulaga sa akin na muntik ko nang ikamatay ng sakit sa puso:


good pm’
may bibigay pala ko sayo para dagdag inspirasyon sa pagpapayat mo.
sana makatulong
heheh

at nakikita ko ang sarili ko na kabilang sa main attraction sa karnabal kung sakaling di ako pumayat….

5: def – ang taong walang leeg!!!

PERYA!!! PERYA!!!!

PS. 2005 or 2006 pa kinuha ang litratong ito Christmas time, andaming kainan nun, atsaka at least maganda ang camera ko…

farewell everyone….

Posted in badbreath, Blogroll, broadband only, contesxt, kung ano ano lang..., laruan, LOVENUTS, MR. FU, mythbastard, pooparazzi, Prick D. Ashowle, swami, the road to perdition, top 5 with tags , , on Abril 1, 2008 by defpotec

eto na ang aking huling hurrah….

sa wakas, dumating rin ang panahon na sa dami ng patong patong na trabaho, di na ako makakapagblog… tandang tanda ko pa noong una akong nag blog a year ago, ang sabi ko sa sarili ko… pastime lang to.. pangtapon ng oras, panglabas ng utot sama ng loob.. walang personalan.. walang eb eb.. wala..

nagkamali ako…

dito sa blogosphere, nakilala ko ang mga totoong tao.. kahit na pilit nila akong pinalilibog at pilit akong iniinvite sa mga camshow nila para lang maghubad..

di ko nagawang di makipag eb. nagkaroon ako ng kebigan… mga tunay na kebigan..

di ko man kayo kilala, mas nahigitan nyo pa ang friendship na binigay nyo sa akin kesa sa mga totoo kong kebigan…

di ko man kayo nakikita, ang oras at attention na binigay nyo sa akin ay higit pa sa oras na ipinuhunan sa akin ng mga totoo kong kebigan..

di ko man kayo kilala… natuto nyong tawanan at mahalin ang pagkatao ko.. mapa defpotec, swami, Prick D. Ashowle, dear jones, at iba pang mga karakter na di pa sinisilang… you laugh with me, while my so called ‘real friends’ laugh AT me…

madami pa sana akong isusulat na pasasalamat dito, pero di ko na ito pahahabain pa..

di narin ako mag naname drop kung sino sino kayo.. alam nyo kung sino kayo…

salamat mga kebigan, ka blogahan, ka berks, kainuman, ka kulitan… salamat dr. calayan..

at sa aking pag aalis, alam nyo namang mahilig ako sa mga pa kontest kontest na yan… at marahil ito ang aking final goodbye..

goodbye with a bang… she bang!

nais ko lang na umabot ang hits ng entry na to sa record proportions..

so sa aking pagpaalam, iiwan ko sa inyo ang isang paalala…

365 days old na ang blog ko… at dahil mahal ko kayo.. may chansa kayong mananalo ng isang:

madali lang ang mechanics:

1. open to the the first 365 commenters of this entry

2. comments should state why you will miss my blog and how i changed your life

3. ilagay nyo narin kung ano yung paborito nyong entry ko

4. ok rin ang dedication, well wishers, at suck up to defpotec comments

5. only one comments per person.. di pwedeng multiple orgasm comments

6. ilagay nyo narin ang favorite song nyo; what is your ambition; who is your crush; what is your favorite color; what is your motto; then dedication..

may final bunutan pa kung sino ang mananalo ng premyo na to..basta open only to the first 365 commenters.

at sana, sa aking huling paalam.. napasaya ko rin kayo..

goodbye to everyone.. this has been a great journey..

love,

defpotec jones; swami; PDA…

*para sa mga DALAGANG babae 18-28 years and below, kung gusto nyo magpadala ng sexy pics nyo, di ako magagalit, at baka sakaling kayo pa ang manalo ng premyo… madadaan naman yan sa usapan…

dees ees pamili!!!……

Posted in broadband only, contesxt, kung ano ano lang..., top 5 with tags , , , , on Marso 11, 2008 by defpotec

pamily (pamilyar) sa akin ito….

sige na nga.. congrats narin… pero sa ms world pageant, please lang.. mag interpreter ka na!! PLEASE!!!

eto nga pala yung sa US naman….

SABI KO NAMAN KASI SA INYO, STICK WITH WORLD PEACE ANSWER!!!