Archive for the badbreath Category

eto ang kelangan ng pilipinas ngayon…

Posted in badbreath, kung ano ano lang... on Oktubre 7, 2011 by defpotec

pagkatapos kong napanood ang nasa ibaba, kinalimutan ko na si Chuck Norris..

 

sya na ang bagong idolo ko…

 

walang sinabi sa kanya kahit ipagcombine mo ang  justice league at avengers.. wala! as in.. 0.

 

ipagsama mo si arnold, si stallone, si steven seagal.. kahit si van damme.. wala.

 

sya na ang bagong hero ko..  sya na ang kasagutan sa problema sa pilipinas.

 

 

please lang.. sana tumakbo kang mayor, governor or senador.. siguradong mananalo ka!! kelangang kelangan ka ng pilipinas!!

 

iyo ang boto ko!!

Advertisements

direksyon…

Posted in badbreath on Abril 8, 2009 by defpotec

tanong: bat di pwede mag maneho ang babae???

sagot: dahil bobo sila sa direksyon at mga lugar…

at bago mag react ang mga babae.. ipapaalala ko lang na di ako nag gegeneralize… di rin ako galit sa babae… actually mahal ko ang babae… mahilig ako sa babae…. pero sa totoo lang…. pag ang babae ang pinamaneho mo.. parang sinabi mo narin na maglagay ka ng deadly weapon sa likuran ng manibela…

sa tingin ko ang babae ay di talaga pwedeng mag maneho… dyan nalang sila sa passenger seat at sila ay aking pagsisilbihan at i drdrive san man nila gustong pumunta…

pangyayari kanina lamang:

babaeng maganda na balak ko sanang pormahan: (sa text)def… san ka ba? andito na ako di ko makita yang lugar nyo..

(dali dali kong tinawagan para hindi na sya mahirapan at maka pag paimpress ako sa kanya)…

def: nakikita mo yung mcdo sa kanan? kaliwa ka dun…

binibini: ok? tapos?

def: derecho lang hanggan makita mo ang village gate..

bb: ok dito na ako sa gate..

def: unang kanto kaliwa… tapos dire direcho lang..

bb: ok dito na ako… kumaliwa na… direcho lang?

def: oo.. pero di ko na ibaba to, hintayin ko na makita kita para di ka na maligaw.. medyo magkakulay kami ng gates…

bb: ok… thanks ha…

(yess!! pogi points!!!)..

def: ayan na nakikita na kita.. bat ang bagal mo??

bb: san ba? baka lumagpas ako e..

def: hindi yan…. (na excite na ako) DERECHO PA! DERECHO PA!!!

bb:…..

def: sige DERECHO PA!! DERECHO PA!! DERECHO PA!! DERE DERECHO PA!!!!

.

.

.

.

… imbes na bumaba sya at nag spend time with me.. gumawa nalang sya ng dahilan na may pupuntahan pa sya… hanap daw sya ng nanay nya.. or na stroke daw aso nila…

TOTAL TIME NA KASAMA KO SYA: 3 mins..

TOTAL TIME KAUSAP KO SYA SA CP BAGO KO NABANGGIT ANG KATAGANG IKAPAPALPAK NG BUHAY KO: 11:20 seconds

TOTAL TIME NA INABOT KO BAGO KO NAGETS KUNG ANO PAGKAKAMALI KO: 3 HOURS

the ultimate form of flattery…..

Posted in badbreath, kung ano ano lang... with tags , , , on Hulyo 31, 2008 by defpotec

i heard it was good…

it’s worth it…..

you better go watch it…

palakpakan…..

farewell everyone….

Posted in badbreath, Blogroll, broadband only, contesxt, kung ano ano lang..., laruan, LOVENUTS, MR. FU, mythbastard, pooparazzi, Prick D. Ashowle, swami, the road to perdition, top 5 with tags , , on Abril 1, 2008 by defpotec

eto na ang aking huling hurrah….

sa wakas, dumating rin ang panahon na sa dami ng patong patong na trabaho, di na ako makakapagblog… tandang tanda ko pa noong una akong nag blog a year ago, ang sabi ko sa sarili ko… pastime lang to.. pangtapon ng oras, panglabas ng utot sama ng loob.. walang personalan.. walang eb eb.. wala..

nagkamali ako…

dito sa blogosphere, nakilala ko ang mga totoong tao.. kahit na pilit nila akong pinalilibog at pilit akong iniinvite sa mga camshow nila para lang maghubad..

di ko nagawang di makipag eb. nagkaroon ako ng kebigan… mga tunay na kebigan..

di ko man kayo kilala, mas nahigitan nyo pa ang friendship na binigay nyo sa akin kesa sa mga totoo kong kebigan…

di ko man kayo nakikita, ang oras at attention na binigay nyo sa akin ay higit pa sa oras na ipinuhunan sa akin ng mga totoo kong kebigan..

di ko man kayo kilala… natuto nyong tawanan at mahalin ang pagkatao ko.. mapa defpotec, swami, Prick D. Ashowle, dear jones, at iba pang mga karakter na di pa sinisilang… you laugh with me, while my so called ‘real friends’ laugh AT me…

madami pa sana akong isusulat na pasasalamat dito, pero di ko na ito pahahabain pa..

di narin ako mag naname drop kung sino sino kayo.. alam nyo kung sino kayo…

salamat mga kebigan, ka blogahan, ka berks, kainuman, ka kulitan… salamat dr. calayan..

at sa aking pag aalis, alam nyo namang mahilig ako sa mga pa kontest kontest na yan… at marahil ito ang aking final goodbye..

goodbye with a bang… she bang!

nais ko lang na umabot ang hits ng entry na to sa record proportions..

so sa aking pagpaalam, iiwan ko sa inyo ang isang paalala…

365 days old na ang blog ko… at dahil mahal ko kayo.. may chansa kayong mananalo ng isang:

madali lang ang mechanics:

1. open to the the first 365 commenters of this entry

2. comments should state why you will miss my blog and how i changed your life

3. ilagay nyo narin kung ano yung paborito nyong entry ko

4. ok rin ang dedication, well wishers, at suck up to defpotec comments

5. only one comments per person.. di pwedeng multiple orgasm comments

6. ilagay nyo narin ang favorite song nyo; what is your ambition; who is your crush; what is your favorite color; what is your motto; then dedication..

may final bunutan pa kung sino ang mananalo ng premyo na to..basta open only to the first 365 commenters.

at sana, sa aking huling paalam.. napasaya ko rin kayo..

goodbye to everyone.. this has been a great journey..

love,

defpotec jones; swami; PDA…

*para sa mga DALAGANG babae 18-28 years and below, kung gusto nyo magpadala ng sexy pics nyo, di ako magagalit, at baka sakaling kayo pa ang manalo ng premyo… madadaan naman yan sa usapan…

badbreath 2008 edition

Posted in badbreath with tags , , , , , , on Enero 8, 2008 by defpotec

uma umaga, halos mapangiyak ngiyak ako sa kaka mumog ng mouthwash na papasa bilang asido… hanep sa sakit, kulang nalang pati dila mo ay matanggal kasama ang mikrobyo… siguro kalahati ng populasyon ng tastebuds ko ay namatay na dahil sa tindi ng bula ng mouthwash na ito…

kamakailan ay naubos ko sya sa wakas… (matinding accomplishment to) dahil concentrated, ang ratio nito ay 1:10. meaning sampung patak lang, ay kayang kaya nya pabulain ang bibig mo…. naisip ko nga gawin tong holloween spoof… lalagok ako ng pure concentrate at tingnan ko ang reaction ng mga tao kung nakita nilang mamumula ang mata kong maluha luha at bumubula ang bibig…siguradong tatalunin ko si linda blair ng exorcist..ay, di pala.. di ko kaya ang spider crawl at 360 ng leeg…

eniways.. kala ko makakatulong ito sa pag buti ng aking hininga, pero di pala.. last week (friday) sinubukan ko kung gagana pa ang badbreath ko na to.. ang biktima, sino pa kungdi si moo:

ang scheduled flight ni moo last week ay friday, 11:00 via cebu pac going to iligan…

altho di ko masyado na save ang text messages namin sa isa’t isa.. bigyan ko na kayo ng ideya kung ano ang nangyari..

10am

DEF: moo, alis ka na?

Moo: 11:00pa

D: ah ok, ingat sila sayo… sana di ka na muna umalis, mag isaw party tayo..

M: ngayon pa! kung kelan paalis na ako.. pwe!

D: e may trabaho ako e, bakit ba…

M: wala, ganyan ka naman, buti pa si Bill Gates, mas madaling mayaya, pero ang isang Defpotec Jones mahirap maimbita (drama mode)

D: e di mo naman sinabi na isau at bbq yun e, kala ko magsasadya ka pa, alam mo naman ako, easy to please..

M: che…

(dumating ang 11:00)

D: moo, babay… ingats sila..

M: moo, di pa kami nakakaalis, delayed ang flight namin, maulan daw sa cdo…

D: bwahhaahhaha, malamang ma cancel flight nyo nyan..

M: di yan moo.. delayed lang to… mamaya alis narin kami..

D: lets see…

(mga alas 2-3pm)

M: walangya ka, hanep ka talaga.. lakas ng panalangin mo… cancelled nga flight namin!!

D: tana… tindi talga ng bibig ko.. sorry ha, di ko naman akalain gagana pa e..

M: kasalanan mo lahat to e!! (as if kaya ko i control ang weather)

Evan almighty: (kapatid ni moo) cancel flight nila, lakas ng panalangin mo

D: o basta moo, sana sa sunday na ang alis mo, para bukas isau party na tayo…

M: leche mga taga CebPac,walang kwentang customer service….. (yada yada, rant rant, curse curse)

D: wat do you expect, piso ang binayaran mo e…

(cant remember anymore)

di rin natuloy isau party namin ni moo, kasi naka book sya ng sabado at natuloy ang flight nila.. pero naisip ko, matinding weapon of mass destruction pala tong bibig kong ito.. kaya dapat alagaan mabuti.. di lang pala dila ko ang may talent, pati bibig pala…

trivia: alam nyo ba na ang origin ng ‘bwakanang ina mo’ ay nanggaling sa ‘baho ng hininga mo’? mali trivia ko.. thanks to koreanmine… please read the factual trivia on the second comment….

i stand erected corrected!!

wag mo akong subukan…

Posted in badbreath, Prick D. Ashowle with tags on Disyembre 13, 2007 by defpotec

angry-man.jpg

ilang araw ko na napapansin…

panay tambay mo sa kabilang departamento…

70% ng oras andun ka.. 80% ng tawag mo, galing sa kanila hanap ka.. ako na ang nagiging secretarya mo.. pag nag usap kayo.. chickahan..tawanan.. harutan..

di ko alam kung anong business nila sayo… kung nangangailangan ba sila ng support or masarap ba ang pagkain dun…

pero sure ako di yan dahil sa ‘lalake’ dun.. kasi di ko naman alam kung lalake ba talaga yun…

mabait ako sa mabait.. pero tandaan mo, napupuno din ako…

hinahayaan ko lang kayo gawin gusto nyo.. mag chat, mag relax, maging cool, dahil yan lang rin ang ginagawa ko dahil naniniwala akong pag relaxed ang work environment, mas magiging productive tayong lahat..

pero sana naman marunong ka rin mag isip na may difference ang term na ‘support’ sa ‘tutorial’…

napuno na ako nung pag balik ko sa opisina ay nalaman kong andun ka uli… tinawagan na kita…

Prick D. Ashowle: andyan si Jaya?? (code name ko sa kanya)

Other line: sandali lang po..

PDA: Jaya, ano ba problema dyan?

Jaya: eh kasi sir yung logo natin hindi nila ma save, naghahang lagi sa pc, di marunong yung artist mag photoshop tinutulungan ko..

PDA: alam mo naming kulang tayo sa tao dito, pinupuntahan mo pa sila dyan para turuan? May nakasulat bang “PHOTOSHOP SUPPORT” sa labas ng departamento natin? Ilang araw ko na napapansin na lagi ka nalang andyan, yung mga trabaho natin dito na may deadline di naasikaso.. kung di sila marunong mag photoshop, problema nila yun, papasok sila sa isang trabahong di nila alam..mag aral sila.. may art department naman tayo, bat di sila dun magtanong? O baka naman gusto mo na lumipat dyan?

Jaya: (hikbi)

PDA: sabihin mo lang ha kung gusto mo lumipat dyan. (click)

bumaba si Jaya, nakasimangot, umiiyak.. sorry sya.. Prick D. Ashowle mode ako ngayon.. kahit na magbaha pa ng luha dito, di ka magiging best drama actress..

di ko sinasabing maging tulad mo ako… kasi eversince trabaho ko ang buhay ko… di ako nagbabakasyon, at kung magbakasyon man ako, nagtratrabaho parin ako..

3 taon na akong di pumupunta sa boracay, out of town ko this year 1 lang (pilit pa), out of the country ko this year 1 (official trip pa)… hindi sa wala akong mapuntahan or walang nagyayaya.. pero minabuti ko nalang na di lumayo sa place of work ko dahil sa kinakatakutan kong ‘support call’ pag nagkanda leche leche ang mga bagay sa opis. bigyan ko kayo ng scenario kung bakit di ako makabakasyon:

SCENE: DAY 1 on a 4 day 3 nights vacation in boracay

imagine nyo yan.. nasa boracay ako (hindi ako yung nasa itaas)…. nag susunbathe,, umiinom ng jonas fruit shake… eto ang minamata ko sa unahan ko…. biglang riring ang phone ko:

cellphone: Mr. Prick, yung monitor po dito sa opis, ayaw umandar…

Prick D. Ashowle: ganun ba? naka on ba ang cpu?

cellphone: opo on naman, pero yung monitor walang lumalabas..

PDA: may ilaw ba yung monitor?

cellphone: meron naman

PDA: nakakabit ba mga cable?

Cellphone: (nag check) opo

PDA: nag restart ka na?

Cellphone: opo

Sa oras na to, 2 lang ang mangyayari.. tatawagan ko sya muli in 5-10 mins… pag ganun parin ang sitwasyon, susugod ako sa opisina para lang ayusin ang sirang monitor.. mas di ko kakayanin mag enjoy sa nalalabing 3 araw kung ang utak ko ay nasa trabaho ko.

PDA: hello? Ok na?

Cellphone: ok na po.. hehehe

PDA: anong nangyari?

Cellphone: di po pala ito yung monitor na nakakabit sa CPU, yung kabilang monitor po..

PDA: ah ok..

Ganun kababaw na tawag lang, pero kaya na nyan sirain ang bakasyon ko.. kasi makukuha nya utak ko.. imbes na pagnanasahan ko ang mga dalagang naka 2 piece sa unahan ko, ang inaaburya ng utak ko ay yung 10pc PC setup na malayo sa harapan ko at di ko magalaw.. umaandar sa imagination ko ang mga scenario kung ano ang nangyayari, kung nasusunog na ba ang mga microchip, kung naputol ba ang mga connection kung nasusunog na baa ng opisina ko (sa totoo lang, nakakaputol ng erection ang kaputulan ng connection).. ewan ko, baka abnormal ako.. pwedeng OA, pero sa totoo lang, mabuti na yung OA. Sa lahat ng ayaw ko, yung binabalewala ang trabaho..

Nag vacation leave ka last 3 weeks ago.. di ka man lang nagsabing mag oout of town ka.. nung nagka problema, di mo masuportahan.. papunta kang bagiuo sabi mo, di ka makasugod sa opisina.. ako ang nagtrabaho ng trabaho mo… 4am ng umaga, ako ang nag eemail… habang ikaw, ewan ko kung totoong papunta ka ng bagiuo, o inaantok ka lang at tinatamad sumugod sa opisina..

After 3 days ng leave mo, nag text ka.. di ka makakapasok, humingi ka ng extra leave, kasi hinihika ka dahil sa byahe or sa pagod.. wala kang narinig sa akin. Itinago ko ang hirit ko..gusto kitang hiritan sana pero nangibabaw ang awa ko.. baka maging drama queen ka na e.

Ang sa akin lang… bat di ka inatake ng hika mo pag nag vavacation ka? O baka naman katam yan? Ewan ko.. basta bahala na .. hintayin mo nalang ako mapuno..

At nangyari na nga yan..

Tapos ngayon iyak ka ng iyak.. napagsabihan ka lang ng konti, iyak ka ng iyak.. ako guguilt tripin mo?!? Ni hindi pa kita pinagtaasan ng boses..ni hindi man lang kita binigyan ng memo or disciplinary notice..

Oo mahinahon ako magsalita, pero sorry ka, matalas din dila ko..

It only hurts when its real….atsaka.. masakit din ulo ko..

 

doomed…

Posted in badbreath, broadband only on Hulyo 11, 2007 by defpotec

Re: Windows VISTA

galit ako sa microsoft.. sobra kasing garapal sa pera e… wala naman ginawa kungdi manggaya.. mabuti nalang nasa pinas ako. kung saan uso ang piracy..imagine kung gagawin kong all legal ang software sa pc ko.. eto ang computation…

XP pro -9k

office 2003 – 20k

pag mag uupgrade ako..

VISTA Premium: approx: 20k

LAPTOP thats VISTA compliant: 50k

basic palang yan.. ano ako gago? di ako gagastos ng ganun.. e sa dalas ko pa mag reformat ng laptop. kung pwede lang tlga mag linux. kaya lang kelangan talagang microsoft ang gamitin dahil required sa opisina… pero kung petix mode lang din ako, boot up ko is linux..

VISTA?? no way!.. takaw kumain ng resources… AERO nya? gaya gaya sa Beryl!.. teka.. mukang alien siguro language ko.. kayo nalang humusga..

yang eye candy na yan, pag nag vista ako, di tatakbo sa laptop ko.. kulang ang centrino 1.83ghz 1gbram.. pero yung sa ubuntu linux ko.. napapagana.. obviously matagal ko na gamit sa linux ang eye candy na to.. pang show off… kadalasan mga barkada ko tingin sa akin weirdo.. geek.. nerd.. bat daw ako anti microsoft.. bat daw ang hilig ko maging unique.. ano ba meron ng linux e puro text lang naman dun.. samantalang ang winblows daw eye candy… daming eklat.. ano daw ba ang nagustuhan ko sa linux.. blah blah..daming put downs…. eto pang resbak ko sa kanila.. tatahimik sila… after 5 minutes.. kung pwede daw install sa system nila.. tuff luck.. bumili kayo ng winblows vista, or magpakaweird kayo.

VISTA: DOOM ON YOU!

_______________________

Re: Queen Xerxes!

xerxes.jpg

yes! kilala niyo sya! sya ang reyna hari na may demi-god syndrome sa palabas na 300! yung tipong langaw na pumatong sa kalabaw ay kala mo di na kumakain ng ebak… yung may minute fame lang ay akala mong sino nang artista na di na naalala ang nakaraan.. crab mentality ba tawag dito? andaming ganito sa mundo.. asan na ba ang katangian ng, “humility”?

yan ang dahilan kaya idol ko ang boss ko..kilala sya sa mundo, ngunit di ito pumasok sa utak nya.. lamang parin ang humility nya.. wala siyang kaaway, sipsip sa kanya ang mga presidente. pero lahat na empleyado sa opisina, kayang kaya syang kausapin..(basta wag ka ma starstruck).. open ang kanyang opisina kahit kanino.. siya ang dahilan kaya maski paano, naisip ko na maging hambol.. at di hambog.. nasa kanya ang lahat.. fame, power, fortune, women.. pero nasa kanya rin ang kagandahang asal na di taglay ng ibang tao… humble ang loko! e ano kaya ang karapatan ko magyabang? e mas maliit pa ako sa butil ng bigas kung ikumpara sa kulangot nya.

minsan natatawa ako sa mga taong nagyayabang.. yung mga feeling nila na porke sila ang nasa limelight..bow ka kaagad sa kanila..excuse me po.. bat ako mag bow sayo?1. di naman ikaw ang Diyos ko?2. di ka naman hapon?

isa lang masasabi ko..

QUEEN XERXES: DOOM ON YAH!!

redrs1.gif

report broken/non working videos at defpotecjones@yahoo.com