Archive for the 1 Category

maligaya…

Posted in 1 on Oktubre 5, 2009 by defpotec

pagpaibayuhin nyo ang medyo tamad kong daliri sa pag uupdate ng aking blog.. dahil magmula ng dumating sya sa buhay ko… nag iba ang pananaw ko sa buhay..

gusto ko nang magkaroon ng pamilya..

gusto ko nang mag asawa..

gusto ko nang magka anak..

siguro nga masama ang tama sa akin ng pag ibig..

kaya aaminin ko sa inyo… nagloloko lang ako..

pero dun sa mga nanghula ng hanggang 3 buwan lang kami… out na kayo…

at kung sakaling mabasa nya ang post kong ito..

HAPPY BIRTHDAY SAYO ILOG IROG KO

discount?

Posted in 1 on Setyembre 3, 2009 by defpotec

meron ba kayong kakilalang taong yung kapag may kelangan ay saka lang kayo naaalala.. yung tipong dati ay maayos mo syang kinakausap pero di ka nya sasagutin sa text.. pero kung sya ang mag text or tumawag… kelangan sagutin mo? boss mo ba sya para magkaroon sya ng karapatan na magalit sayo pag dineadma mo sya ng tulad ng gawain nya sa iyo at sa ibang tao? parang di sya nagkakalayo sa ugali ngayon ng anak ng pangulo ng pilipinas.. na kung umasta ay parang kala mo kung sino… natutuwa ba kayo sa ganun? pwes… ako hindi.. at eto ang pangyayari nung tinawagan nya ako nung lunes ng gabi at itinext at di ko sya sinagot..

Lunes:

ring ring (1 missed call)

text: tawagan mo ako..

di ko sya tinawagan.. di ko feel… alam kong may kelangan sya sa akin.

Ngayon lang:

text: di mo sinasagot text ko.

ako: galing ako abroad. ano balita?

text: tinawagan kita ng lunes di mo sinasagot…

ako: yup nasa abroad ako nun… kauwi ko lang.. (kelangan pa atang ulitin)

text: OK. bigyan mo naman ako ng kwarto sa —, pero sa feb pa, lakihan mo discount ko. (kelan naging demand ang request? galit na galit ako sa mga ganito!!)

(huminga ako ng malalim.. diplomasya)

ako: D ako nakakabigay ng discount. di naman amin to. employee lang ako dito. upgrade lang maibibigay ko. upon approval pa kung available.

text: ok.

AYAN! MATUTO KANG HUMINGI NG NASA LUGAR .. HINDI YUNG KALA MO INSTANT NOODLE ANG DISKWENTO… KUNG WALA KANG PERA SA MOT MOT KA MAG CHECK IN! AT KUNG GUSTO MO NG DISCOUNT, MARAMI AKONG DISCOUNT CARD NG SOGO.. VICTORIA.. GILIW.. ALIW.. TOWN AND COUNTRY.. .. DAHIL SASABIHIN KO SAYO.. NA KAHIT MAY KARAPATAN AKO MAGBIGAY NG DISCOUNT AY HINDI KITA BIBIGYAN!! LECHE KA!

ang lalakeng wala sa sarili…

Posted in 1 on Agosto 19, 2009 by defpotec

nitong mga araw.. parang wala ako sa sarili kong katawan… siguro may kinalaman ang paglalayo ng isang taong malapit sa aking kukote at sa aking sus puso…

at kung kelan ako wala sa aking tamang pag iisip.. ay ganun pa mismong inuunos ako ng mga bagay na wala namang kinalaman sa aking kakayanan.. tulad ng:

1. masabunan ng isa sa mga asawa ni bill gates, dahil di daw sya binantayan habang sya ay patagong naglilinis sa upisina ni bill at may nakakita sa kanya..

2. masabunan muli dahil wala sa mood ang isa kong katrabaho at medyo di nya nagustuhan ang tono ng boses niya nung sya ay tinanong kung sino sya sa telepono

3. sunod sunod akong pinarip ng cd at mp3 at dvd movies para mailagay ang mga ito sa ipod video at ipod nano fatty..

4. sisihin trabaho daw namin ang bumili ng mga gamit para sa opisina dahil ang purchasing department namin ay di marunong kung ano ang dapat nilang bilhin…

5. gawing utusan ng aking staff.. na ginawa ko naman ng di ko napansin dahil wala nga ako sa sarili ko..

6. hanapin sa akin ang master key ng isang floor dahil inaakala ata nila na ako ang keyholder at nasa akin ang lahat ng susi ng mga pintuan dito sa aking pinagtratrabahuhan…

7. tawaging heyden kho.. (medyo di ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto)…ng wala naman akong ginagawang video..

8. pumunta sa isang lugar na nagtaka ako kung ano ang aking pakay sa lugar na yon..

9. mag hunting ng cheesy beef ng 7-11 na laging out of stock..

10.  at pansamantalang iwan ng aking gf dahil may sale ngayon sa HK.

sa lahat ng yan…. apektado ako sa number 10. ganito pala ang pakiramdam kapag ikaw ay pinasasaya ng lubusan at bigla kang iiwan… pero mabuti narin at di naman yung iwan na aking kinakatakutan… at sa mga manghuhula kung ilang buwan kami tatagal… tsk tsk.

please lang.. uwi ka na.. namimiss na kita sobra…

sa mga scandaloso…

Posted in 1 on Mayo 18, 2009 by defpotec

kaaga aga ng lunes.. scandal agad ang bumulaga sa akin..

malamang ang bagal ng interwebs ngayon… dahil sa Katrina Halili- Hayden Kho scandal na yan… laaht nag googol.. lahat nagdodownload..

pero bilib ako kay HK… di lang pala isa ang scandal nya.. kungdi may 2 pa!!! isang sa comercial model.. (way better than KH-HK scandal) and isang brazilian model..

bilib din ako dito kay HK… master of all scandals.. sikat na sya ngayon…

para sa akin.. mukang manghihina na naman ako sa lunes na ito..

HK sa 2010!!

ang araw na napakahaba…

Posted in 1 on Abril 14, 2009 by defpotec

labingdalawang milyong kelangan pagusapan..

apat na raang milyong kelangan kilatisin…

anim na meeting…

tatlong supplier ang nakaskedule….

pero sa isang tawag lang ng boss kong si bill gates.. napabiyahe ako ng kyusi sa isang sirang sasakyang malapit na mag oberheat sa init ng araw at sa trapik ng panahon…

para lang umupo at makipagkwentuhan sa kanya at samahan sya kumain ng agahan…

para samahan syang uminom ng tsaa at ngumuya ng mansanas… at subaybayan syang lumipat ng ibang kwarto para makipag usap sa 2 pang taong mas may halaga ang topic kesa sa akin..

liban sa mga pangyayaring yan… ako binigyan nya ng pahintulot umiwi sa upisina para makapagtrabaho..

pero wag ka.. bago ko man umpisahan ang 412 milyong reason kung bakit di ako nakakapagblog at makipagkita sa 3 supplier na kelangan ipakita ang cleavage nila para kausapin ko sila… may pumasok na text sa cp ko.. galing sa katulong ng asawanibillgates#5:

” sir def gud am p, d2 p ako s ofc nyo may ipagawa sna si mam, yng ipod nya p ipa delete nya p yung hnd nya gus2 n songs thk u”

412milyon na pahina ng paperworks ang kelangan ko gawin ngayon .. isang kotseng malapit na kumatok ang makina at sumabog dahil sa overheat at tagas ng tubig na kelangan ko pang ihatid sa talyer…… 4 na meeting na di ko inatendan.. at 3 pares na malulusog na suso ang ipinaresked ko.. para lang bumalik ng opisina.

para magdelete ng songs sa ipod ni mam..

i love my job. i love bill gates and company..

welcome back def..

ano pang binabasa nyo dyan? madami pa akong idedelete na kanta!!

isang dahilan bat di ko maiwan ang blog…

Posted in 1, kung ano ano lang... with tags on Abril 3, 2008 by defpotec

marmar.jpg

sa nincompoof na yan na nag perform ng search ng ganung term.. . ewan ko ba kung anong lason ang nakain mo sa iyong hapunan kayat naisipan mo maghanap ng burbur.. pero baka narin sa konting sayad mo, meron kang fetish sa mga buhok na kulot, eto ang puntahan mo…may sasabihin ako sayo… kung sino ka man….sikreto lang nating dalawa (kay marian talaga galing yan, kaya bilisan mo na magsaltik!)

satisfied? hope so! now go back playing with uranus!

panawagan kay ginoong jon cabron….

Posted in 1, Blogroll, kung ano ano lang..., Prick D. Ashowle, the road to perdition with tags , , , , , , on Enero 17, 2008 by defpotec

dear sir jon,

kamakailan ay naging topic ang iyong kakaibang kundisyon sa blog. hindi ko naman iyon sinasadya upang gawan ng katatawananang iyong kundisyon, bagama’t gusto ko lang maunawaan ng lahat at maintindihan ang kaseryosohan ng iyong kundisyon.

ngunit kagabi, naramdaman ko ang araw araw mong nararamdaman…. nag umpisa to sa isang kulo… hangang sa loob ng 2 oras ay mahigit kumulang 4 na beses ako bumisita sa palikuran… hindi ko rin malaman kung parusa ba ito ng tadhana o may nag badbreath sa akin, ngunit ngayon ko lang naunawaan at naalala ang kaseryosohan ng dinadanas mo araw araw.

hanggang sa lumipat na ang sakit ng aking tiyan sa aking tumbong, ikaw ang aking laging nasa isip. kakaiba talaga ang mainit init na nararamdaman ng aking tumbong… para syang namamaga at binugbog ng mga tambay na sabog. ngayon kakaibang respeto na ang nararamdaman ko sa iyong pagkatao.

natatandaan ko 4 taon na ang nakalilipas noong akoy atakihin ng diarreah…. sa isang gabi, 17x ako labas pasok ng banyo at nagtutubig.. pakiramdam ko 10 lbs ang nawala sa akin…. pakiramdam ko rin, 10 bading ang nang rape sa akin… pero ayon sa siyensa, the human body cant remember pain and smell.. so nalimutan ko na kung gano kahirap ang sitwasyon ko nun.

isa pa pala ginoong jon… ayon sa interweb, meron tayong 35,000 sakit… ang hindi ko lang maintindihan ay, kung bakit sa dami ng sakit na alam ng sangkatauhan… LBM uli ang ginamit na dahilan ng aking colleague na si JAYA para hindi uli makapagreport sa trabaho… naalala ko na pinagbigyan ko sya noon dahil ang dahilan nya ay magdamagan daw syang gising at bumibyahe sa CR kaya di na nya kinayang pumasok.. pero ang gamitin ang parehas na dahilan at rason ng wala pang isang buwan ang nakalilipas ay parang nagkaroon ako ng duda. aaminin ko.. totoong mahirap magkaroon ng LBM, pero sa dami ng ibang sakit dyan, bat ganun uli ang kanyang dahilan? ito ba ay dahil sa epektib ang dahilan nya dati kaya yan ang ginamit nya uli? ito ba ay dahilan sa kakulangan nya ng creativity kaya inulit nalang nya ang dahilan?

nagtataka…

Prick D. Ashowle

kanina ay sinubukan kong mamigay ng barya sa pulubi… sa totoo lang, natuwa ako, susubukan ko rin sana sumakay ng bus at i offer ang upuan kung sakiling may matandang sumakay, kaya lang naisip ko na baka hanapin ako ng boss ko sa trabaho… kaya next time ko nalang susubukan yun.