discount?

meron ba kayong kakilalang taong yung kapag may kelangan ay saka lang kayo naaalala.. yung tipong dati ay maayos mo syang kinakausap pero di ka nya sasagutin sa text.. pero kung sya ang mag text or tumawag… kelangan sagutin mo? boss mo ba sya para magkaroon sya ng karapatan na magalit sayo pag dineadma mo sya ng tulad ng gawain nya sa iyo at sa ibang tao? parang di sya nagkakalayo sa ugali ngayon ng anak ng pangulo ng pilipinas.. na kung umasta ay parang kala mo kung sino… natutuwa ba kayo sa ganun? pwes… ako hindi.. at eto ang pangyayari nung tinawagan nya ako nung lunes ng gabi at itinext at di ko sya sinagot..

Lunes:

ring ring (1 missed call)

text: tawagan mo ako..

di ko sya tinawagan.. di ko feel… alam kong may kelangan sya sa akin.

Ngayon lang:

text: di mo sinasagot text ko.

ako: galing ako abroad. ano balita?

text: tinawagan kita ng lunes di mo sinasagot…

ako: yup nasa abroad ako nun… kauwi ko lang.. (kelangan pa atang ulitin)

text: OK. bigyan mo naman ako ng kwarto sa —, pero sa feb pa, lakihan mo discount ko. (kelan naging demand ang request? galit na galit ako sa mga ganito!!)

(huminga ako ng malalim.. diplomasya)

ako: D ako nakakabigay ng discount. di naman amin to. employee lang ako dito. upgrade lang maibibigay ko. upon approval pa kung available.

text: ok.

AYAN! MATUTO KANG HUMINGI NG NASA LUGAR .. HINDI YUNG KALA MO INSTANT NOODLE ANG DISKWENTO… KUNG WALA KANG PERA SA MOT MOT KA MAG CHECK IN! AT KUNG GUSTO MO NG DISCOUNT, MARAMI AKONG DISCOUNT CARD NG SOGO.. VICTORIA.. GILIW.. ALIW.. TOWN AND COUNTRY.. .. DAHIL SASABIHIN KO SAYO.. NA KAHIT MAY KARAPATAN AKO MAGBIGAY NG DISCOUNT AY HINDI KITA BIBIGYAN!! LECHE KA!

Advertisements

8 Tugon to “discount?”

  1. hehhe naaliw naman ako sa usapan…

    at talagang nasabit ang mga motel

    oo nga namanan nakakainis mga nanghihingi ng pabor
    kala mo close pero
    pag may kailangan lang naaalala..

  2. pa-base..di nagbase yung nauna sakin. lol!
    oo nga naman nakakainit ng ulo yung mga taong ganun! shitness!
    ako pag may taong nagpaparamdam sakin after several months or years, sinasabihan ko sa text ng “sino ka?” lol!

  3. pambihira! gago yun ahh! i-cooter punch mo!!!!!!!!!!

  4. tell me about it, may ganyan ako’ng ‘kaibigan’ akala mo siya ang ANAK NG DIYOS! nakakapanginig ng laman. kahit ano ganda ng pakisama mo, baboy pa rin ang pakitungo sa yo. kainis!

  5. aba… kita mo nga naman ang buhay ano? parang sinadya yata ng diyos na ang lahat ng tao ay may makilalang ganyang klase ang ugali πŸ™‚

    ang puso, pareng def… hehe

  6. Ganyan ang Pinoy culture, may sense of sensitivity. Siguro kung na-adopt natin ang Western Culture ay ganun na tayo kabastos. Hehe.

  7. Sa sobrang sama ng loob mo nakapagblog ka tuloy. hehehe

  8. naka relate ako πŸ™‚ may mga ganyang tao talaga. makapal ang face πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: