Imbak para sa Agosto, 2009

ang lalakeng wala sa sarili…

Posted in 1 on Agosto 19, 2009 by defpotec

nitong mga araw.. parang wala ako sa sarili kong katawan… siguro may kinalaman ang paglalayo ng isang taong malapit sa aking kukote at sa aking sus puso…

at kung kelan ako wala sa aking tamang pag iisip.. ay ganun pa mismong inuunos ako ng mga bagay na wala namang kinalaman sa aking kakayanan.. tulad ng:

1. masabunan ng isa sa mga asawa ni bill gates, dahil di daw sya binantayan habang sya ay patagong naglilinis sa upisina ni bill at may nakakita sa kanya..

2. masabunan muli dahil wala sa mood ang isa kong katrabaho at medyo di nya nagustuhan ang tono ng boses niya nung sya ay tinanong kung sino sya sa telepono

3. sunod sunod akong pinarip ng cd at mp3 at dvd movies para mailagay ang mga ito sa ipod video at ipod nano fatty..

4. sisihin trabaho daw namin ang bumili ng mga gamit para sa opisina dahil ang purchasing department namin ay di marunong kung ano ang dapat nilang bilhin…

5. gawing utusan ng aking staff.. na ginawa ko naman ng di ko napansin dahil wala nga ako sa sarili ko..

6. hanapin sa akin ang master key ng isang floor dahil inaakala ata nila na ako ang keyholder at nasa akin ang lahat ng susi ng mga pintuan dito sa aking pinagtratrabahuhan…

7. tawaging heyden kho.. (medyo di ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto)…ng wala naman akong ginagawang video..

8. pumunta sa isang lugar na nagtaka ako kung ano ang aking pakay sa lugar na yon..

9. mag hunting ng cheesy beef ng 7-11 na laging out of stock..

10.  at pansamantalang iwan ng aking gf dahil may sale ngayon sa HK.

sa lahat ng yan…. apektado ako sa number 10. ganito pala ang pakiramdam kapag ikaw ay pinasasaya ng lubusan at bigla kang iiwan… pero mabuti narin at di naman yung iwan na aking kinakatakutan… at sa mga manghuhula kung ilang buwan kami tatagal… tsk tsk.

please lang.. uwi ka na.. namimiss na kita sobra…

Advertisements