Imbak para sa Hulyo, 2009

ang bayanihan ay buhay pa…

Posted in kung ano ano lang... on Hulyo 29, 2009 by defpotec

matapos ang ilang linggong pag iisip kung paano maiakyat ang malaking problema ko… ay nakapag isip rin kami ng paraan.. tanggalin sa kahon, isakay sa elevator, at tumawag ng constituents para buhatin ang mabigat na luho ng amo kong si bill gates.. eto ang resulta..

sige buhat mga alipin… kala nyo magaan ha!

hep hep.. pahinga muna…dahan dahan sa pagbaba..

hay grabe.. isang dosenang katao para buhatin ang isang TV

at syempre ang mandatory pictorial pagkatapos maasemble..

sabi ng boss kong si bill.. bigyan daw nya ako ng isang ganun rin kalaking tv.. pero tinanggihan ko nalang sya.. masyadong maliit e..

pero nakakatuwa nga kung may ganitong tv ka sa bahay.. sigurado di ka na aalis ng bahay..

Advertisements

ang pinakamalaking problema ko sa ngayon…

Posted in laruan on Hulyo 24, 2009 by defpotec

sa lahat ng mga matyagang nagbabasa pa ng blog ko, humihingi po ako ng patawad sa inyo sa aking madalang na pag update… mahirap pala ang kabit.. kasalukuyang kelangan doble ang effort mo na magpakyut, doble ang pasensya mo, doble ang tyaga, at doble din ang resistensya at performance level..pero walang kinalaman ang title ng entry na to sa lovelife ko,. masaya ako ngayon..

bago ang lahat.. happy birthday pala sa amo kong si bill gates na nagdiwang ng kanyang birthday last week..ang wish ko lang kay bill.. ay sana gamitin nya ang konti nyang yaman para sa kanyang sarili.. masyado syang masipag, ngunit masyadong simple.. walang luho…

sana nag ingat ako sa aking hiling dahil bigla nya ako pinatawag ng isang umaga..

Bill: Defpotec, gusto ko palitan ang tv ko sa kwarto sa opisina..

Def: ahhhh sir.. ok.. gano po kalaki?

Bill: ahhhh yung doble ng tv ko ngayon, para dami manood..

Def: .. .. ahhh…. sir?….. uulitin ko lang po… doble ng laki ng kasalukuyang LCD nyo sa office?

Bill: yup.. i order mo na..

<mission impossible theme na naman>

after one week… dumating na ang tv…

eto na ang problema…

di kasya ang TV sa elevator, di rin kasya sa hagdan…. ang opisina ni boss ay nasa 20th floor.. di ko alam kung ano gagawin ko… buti nalang nasa abroad si Bill… hanggang ngayon.. kamot ulo parin kaming lahat kung paano maiaakyat ang TV nya sa kwarto…

at kung interesado kayo malaman gano kalaki ang TV, pinicturan ko sya kasabay ang isang tao na around 5’7″ ang taas..

eto pa

at ang huling solo pic nya.. nasa kanan ang eskelabeytor..

sakit na ng ulo ko… langyang buhay to…

sana ibigay nalang nya to sa akin.. bagay to sa kwarto ko…at di kami mahihirapan install sa bahay…

UPDATE: nakapag google ako.. at ganito ang ginawa nila sa UK…

http://www.techdigest.tv/2007/07/how_do_you_get.html

its official….

Posted in contesxt, kung ano ano lang..., laruan on Hulyo 13, 2009 by defpotec

isa na akong querida, kabit, boytoy, panakip-butas, pampalipas oras, at… gigolo fling?….

ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam ng isang kabit.. yung may tunay na bf ang ‘gf’ mo, at di nya rin alam ano gagawin nya.. ngunit ayaw ka nyang mawala sa kanya, subalit di nya maiwan ang bf nya…

langyang telenobelang buhay to….

pero inaamin ko.. masarap ha… na nakakalungkot… na masarap… na nakakalungkot.. na masarap..

ilang buwan sa tingin nyo? ang tumama ng hula ay may 300 pasaload na manggagaling sa akin… (open to all networks)…

one entry per peroson…