direksyon…

tanong: bat di pwede mag maneho ang babae???

sagot: dahil bobo sila sa direksyon at mga lugar…

at bago mag react ang mga babae.. ipapaalala ko lang na di ako nag gegeneralize… di rin ako galit sa babae… actually mahal ko ang babae… mahilig ako sa babae…. pero sa totoo lang…. pag ang babae ang pinamaneho mo.. parang sinabi mo narin na maglagay ka ng deadly weapon sa likuran ng manibela…

sa tingin ko ang babae ay di talaga pwedeng mag maneho… dyan nalang sila sa passenger seat at sila ay aking pagsisilbihan at i drdrive san man nila gustong pumunta…

pangyayari kanina lamang:

babaeng maganda na balak ko sanang pormahan: (sa text)def… san ka ba? andito na ako di ko makita yang lugar nyo..

(dali dali kong tinawagan para hindi na sya mahirapan at maka pag paimpress ako sa kanya)…

def: nakikita mo yung mcdo sa kanan? kaliwa ka dun…

binibini: ok? tapos?

def: derecho lang hanggan makita mo ang village gate..

bb: ok dito na ako sa gate..

def: unang kanto kaliwa… tapos dire direcho lang..

bb: ok dito na ako… kumaliwa na… direcho lang?

def: oo.. pero di ko na ibaba to, hintayin ko na makita kita para di ka na maligaw.. medyo magkakulay kami ng gates…

bb: ok… thanks ha…

(yess!! pogi points!!!)..

def: ayan na nakikita na kita.. bat ang bagal mo??

bb: san ba? baka lumagpas ako e..

def: hindi yan…. (na excite na ako) DERECHO PA! DERECHO PA!!!

bb:…..

def: sige DERECHO PA!! DERECHO PA!! DERECHO PA!! DERE DERECHO PA!!!!

.

.

.

.

… imbes na bumaba sya at nag spend time with me.. gumawa nalang sya ng dahilan na may pupuntahan pa sya… hanap daw sya ng nanay nya.. or na stroke daw aso nila…

TOTAL TIME NA KASAMA KO SYA: 3 mins..

TOTAL TIME KAUSAP KO SYA SA CP BAGO KO NABANGGIT ANG KATAGANG IKAPAPALPAK NG BUHAY KO: 11:20 seconds

TOTAL TIME NA INABOT KO BAGO KO NAGETS KUNG ANO PAGKAKAMALI KO: 3 HOURS

Advertisements

7 Tugon to “direksyon…”

  1. I agree, kasi ako daan lang ako ng daan hindi ko menememorize pangalan ng mga kalye, pati nga ako nasuprise (minsan joined ako ng membership), dahil nahirapan ako gumawa ng map papunta sa bahay namin. lol. Liban na lang siguro kong nag iisa ako sa buhay at stranger ako sa lugar baka tandaan ko pa mga dereksyon.

    Many girls mahilig sa details pero sa dereksyon mostly wala kaming interes, samantalang ang mga lalake walang hilig sa details pero…Depende lang siguro sa subject.

    Natawa lang po ako, kasi this entry caught my attention as I am into driving lesson. One month na nasa parking lot pa rin ako. My husband made me slow, cguro ayaw nya akong pahiramin ng sasakyan o talagang ayaw nya akong maging independent.

  2. Aysus! I beg to disagree! Ka-engotan ang sabihin na borobo ang mga babae sa direksyon!

    Pucha! Eh bakit pagdating sa bed, gustong-gusto nyo pa nga ang binibigyan kayo ng direksyon? At bakit kamo? Dahil borobo din kayo sa pagTUMBOK ng daan papunta dun at minsan umaasa na lang kayo sa binibigay namin na DIREKSYON. Kaya ano ang pinagsasabi mong bobo ang mga babae sa direksyon?

    Bobo pala ha! Di na lang ako magku-kwento pa at baka ano pa masabi ko, mabisto ka pa. Lol!

  3. @chonapie, agree ka ba sa akin? (umagre ka na lang. lol. ) weeeeee! chonapie, hamisyu!

  4. HINDI TO SHOUTBOX NINCOMPOOP!!!

  5. di mo ba naisip na di sya interested syo… nung nakita ka…

  6. naturn-off sa iyo tsong! baka tingin sa iyo rapist at excited na excited ka pa.

    pero true yang sinabi mo. pag ako nagda-drive, landmark ang basehan ko sa pupuntuhan ko hindi yung eksaktong direksyon na, turn left, turn right to B Street..hay naku di ko sya type. kaya ayun sabi ng asawa ko poor daw ang sense of direction ko.

  7. baliw ang gumawa nitong web
    na to!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: