gusto ko maging loser…

medyo matagal tagal na rin ako huling gumawa ng entry sa blog na ito.. halos malimutan ko na may blog pala ako na dapat pakainin…siguro ay medyo naiba rin ang ihip ng hangin kaya bihira narin ako magkaroon ng pagkakataon na makapagblog.. ang dating M-W-F ay di nasunod at nawala sa iskedyul.. dumami ang trabaho… recession pa naman ngayon kayat kelangan doble ang kayod…

at di ko rin kayo masisi kung bat nagkaroon naman ako ngayon ng paskil… (oo kinopya ko lang yan sa pilit na ginawang tagalog ng wordpress).. pero nagtataka ako kung ano ang kahulugan ng mga tinagalog na katumbas ng mga salitang nakikita ko sa dasbord? tulad ng dahon.. (leaf?) mga kabit ( affair?) kalihiman (secrets?)Β  at ang pinakatamatindi sa lahat.. BLOG ESTADISTIKA!!! (wala akong maisip na katumbas nyan sa wikang ingles) kaya wag nyo narin ako sisihin kung bakit medyo tinamad na ako mag blog.. dahil 40% ng dasbord ay di ko maintindihan…

mabalik tayo… kaya ako nabalik sa pagsusulat ay dahil wala akong magawa sa bahay.. kakagaling lang natin sa isang mahabang linggonghuli (long weekend) at sa mga kadahilanang di ko maaring sabihin sa inyo, ay ako napilitang mapasailalim na isang parang bilanggo sa tahanan (house arrest)…. aktwali, di naman ako naisalulupa (grounded) ngunit subalit, sabihin nalang natin na kelangan ay di ako lumayo at lumabas sa siyudad ng kinalalagyan ko (sa kyusi) dahil may isang nangangailangan ng aking serbisyo.. (ang amo kong si bill gates)…

so kung ikaw ay nakakulong.. wala kang magawa kungdi mag muni muni, mag isip, maglaro, at manood ng TV.. at yan nga ang ginawa ko..

at meron akong isang kinatuwaang palabas base sa katotohanan (reality based show).. at iyan ay ang THE BIGGEST LOSER

natuwa ako dahil sa bukod sa matataba ang mga kasali dito, ang kanilang layunin ay magpapapayat… nagkataon na tuloy tuloy ang mga palabas na ipinalabas sa kable, kaya nasubaybayan ko ang mga palabas…

ganito ang pakay ng palabas..

kumuha ng 16 na ubod ng tabang tao (obese) at gawing paligsahan ang pagpapapayat..Β  kung sino man ay ang may pinakamalaking ipinayat.. ay syang magwawagi ng 12.5 milyon pesos (250,000 dolyar)… tae.. di ka magtataka kung bakit lahat sila ay pursigidong magpapayat.. sa isang linggo.. halos 5-10 kilos ang ipinapayat nila.. kakaibang aliw! pumayat ka na.. yayaman ka pa..

naalala ko tuloy yung mga panahon na may nakipagpustahan sa akin na kapag ako pumayat ay tatakbo syang hubot hubad sa baywalk… ano na ang nangyari dun? wala.. wala dahil walang isang salita ang talunan.. hanggang ngayon ay pilit parin nyang pinipilit na di ako pumayat at di ako nanalo, ngunit kayong mga mambabasa na ang naging husgado at huwes… at sa inyong mga komento, siya naman ang talo diba?

yoko na.. siguradong eepal na naman si talunan.. magpipilit maging abogado….. panawagan lang.. WAGKANA…

mabalik tayo sa palabas…

ganito ang mga naging resulta ng mga kontestant….

ayan ay mistulang mga sampol palang ng pagpapapayat nila.. at sa halagang 12 milyon… magagawa ko rin yan…

ngunit ang katotohanan nyan.. walang nag hahandog sa akin ng 12 milyon.. pero yan parin ang aking gustong marating…

ako ngayon ay balik sa 100 kilos.. (220 lbs) at nais kong bumaba ng 200 bago pa man din matapos ang abril… at sa mayo, susubukan kong maging 180…

kaya ko kaya ito? ( gusto kong makipagpustahan dahil ako ay kompetitive in nature… disqualified na pala yung di tumakbo nung nakaraan…)

akoy naghahanap ng kapusta… marahil ilathala nyo lang sa komento ang mga handog nyo, at kung magustuhan ko, ay pag usapan natin…

pera? cellphone? boracay hotel GC? sagana tayo dyan… name it!!

seryoso ako!Β  I CHALLENGE ANYONE!!!

Advertisements

7 Tugon to “gusto ko maging loser…”

  1. pooksasapot? hehehe

    mali p daw ako sa sulatroniko!!! waw πŸ˜€

    pabilisan, palakihan ng ilu lose pde? deal?

  2. bilang isang 245-pounder na noypi, matagal ko na ring iniispatan yang “the biggest loser” show na yan. sayang at hindi pa sumisipa yung drive ko na magpapayat — hanggang pag-quit pa lang sa yosi ang kinaya ko 😦

    still, goodluck sa plano mo, pareng def πŸ™‚

  3. @ taroogs: uy… 25 lbs lang pala ang lamang mo sa akin.. ok yan.. onga pala.. muntik na akong mahulog sa upuan ko nung itext sa akin ni pareng selvo ang difference nyong dalawa ni james jimenez (comelec spokesperson) nung napagkamalan kong ikaw yun:

    SELVO: mukang mongoloid yung si james, si taroogs mukhang rhino…

    @mine: deal, how many lbs? bawal ang magpamasectomy ha

  4. bwahahahaha! rhino pala ha?! asan na ba yung lokong panyero kong yun…

  5. huwaw. i would’ve liked to bet with you. kaya lang, alam ko ang fighting spirit mo. baka matalo lang ako, kaya i-good luck na lang kita sa goal mong pumayat. πŸ˜‰

  6. date with Vice Ganda???? o kahit kiss nalang… hehehe

  7. Bernadette Says:

    Hello,

    Baka makatulong ako. Hindi ko alam kung ano yung reasons ng weight gain mo, pero ako kasi (sabi ng Nutrition Coach ko), hindi naman ako malakas kumain – kanyalang napakabagal ng metabolism ko tapos tamad pa ako mag exercise.

    Dati akong 150lbs. Tapos may nag-invite sakin sa isang Weight Loss Challenge – yung Nutrition Coach ko ngayon. Yung mechanics ng game eh ganto: para sumali sa challenge, magbabayad ka ng P150/session; 4 sessions a month; 1 month yung challenge. Every session ang dami nilang information na bibigay sayo regarding our daily diet, metabolism, weight loss, etc. para makatulong sayo. Grabe! Ang dami namin nun!

    Yung pinakamaraming mabawas na weight, mananalo ng P10,000. Hindi ako yung nanalo ng P10,000, pero panalo na din ako, dahil 15lbs ang nabawas sakin! 135lbs nalang ako! Ang goal ko is 127lbs! πŸ™‚

    Hirap na hirap ako dati pero ang pinakamalaking tulong sakin na magpursige, yung commitment ko to the weight loss challenge.

    Hindi ko alam kung kelan yung sunod na challenge, but you can contact my nutrition coach at 09153893952. His name’s Andreo and he’s really nice. Laging nagfofollow-up and madali kausap. Magaling na coach. Tanong mo nalang kung kelan yung sunod na weight loss challenge – sabihin mo rinefer kita. Hehe..

    Anyway, good luck sa endeavors mo.

    – Bernadette

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: