Imbak para sa Abril, 2009

ang pinaka laspag na dahilan ng mga babae sa buong mundo..

Posted in kung ano ano lang... on Abril 28, 2009 by defpotec

…kamakailan habang may ka chat ay bigla akong namura sa init ng talakayan.. ako ay nagulat…

ako: paksyet…

kachat: paksyet ka rin..

ako: minura kita???

kachat: (segue sa ibang topic)

ako: minura kita? ha ha ha??

kachat: (balat kalabaw… makapal!)

ako: hanap ka ng kausap mo… di kita minura ha…

makaraan ang ilang araw na deadma.. (isang linggo ata) nakatanggap na ako ng text magmula sa ka chat ko na yun…

textnikachat: pasensya ka na kung namura kita… sorry na.. may pms lang ako nun…

anakngptiongputpitongputingtupa! PMS na naman ang isinisi…! hayup! bilib talaga ako sa mga pwedeng idahilan ng mga babae.. sa dami ng pwede mong idahilan o irason.. PMS lang ang pinakamadali… sa tingin ko basta sabihin ng babae na PMS ang reason.. wala ng magagawa ang mundo kungdi dapat intindihin yun.. ay may pumapangalawa pa pala.. ang disminerya.. (o yun narin yun?)

isipin natin kung san pa ang ibang gamit ng PMS sa pang araw araw na kabuhayan..

sa isang iskwelahan:

guro: Ms Rubio, late ka na naman?

ms. rubio:  sorry po ma’am PMS..

guro: ah i see.. youre excused…

sa trabaho: (na madalas mangyari sa akin)

worker: (via text) sir, di po ako makapasok.. naghihilab ang tyan ko..

bossing: bakit? buntis ka ba?

worker: hinde po, PMS po…

bossing: …..

sa bahay:

maam: inday, paki ligpit na ang pinagkainan…

inday: aguy aguy…. mam, di ku pu kaya….. naga sakit ini gid aking gang puson…

maam: hala, magkakaroon ka ba? di bale ipaligpit nalang natin sa aking dalaga…

sally: (ang anak na dalaga)… but mom!!!???

maam: sige na hija, kawawa si inday.. tulungan mo sya…

sally: (biglang tumupi) ouch mom, im gonna have my period soon, i think i have PMS!!!

maam: oh! JUNNNIIIOOOORRRRRRRR!!!!!

magsyota sa motel:

lalake: hon, ligo ka na…

babae: yoko nga… masakit puson ko.. di ko feel…magkakaroon ako… aray… ano ba!!!

lalake: sige na hon….. bat last month ok lang naman sayo??

babae: e tarantado ka pala e, last month may period na ako nung niyari mo ako, iba to ngayon… PMS to.. so FCUK OFF!!!

lalake: ……

o diba, napakakonti palang ng scenario na yan sa pang araw araw na kabuhayan.. pero napansin nyo na dami ng pwedeng idahilan, bakit eto pa ang laging ginagamit?? dahil para narin yan inilgay sa bawat saligang batas ng bansa sa mundo na kapag may PMS ang babae, ay siya ang masusunod at hindi kayo..

naisip ko lang… bat di nalang nila lagyan ng PMS leave ang bawat babae kada buwan sa trabaho.. para di na nila magagamit ang emergency leave, or sick leave, or vacation leave, or ang maternity leave or ang bereavement leave… otomatik  nalang may 3-5 days leave every month.. tutal ganun din.. ke bigyan mo o hinde.. gagamitin din yan..

ano ba talaga ang PMS… pinilit na itong talakayin at sagutin ng siyensya… (parang pasyensya ang tunog) ngunit marami parin ang naguguluhan.. kung kayo ay lalake.. wag nyo nang pilit pang intindihin.. basta pag sinabi ng babae na PMS sya.. parang yun na ang ticket nya para abusuhin kayo at i bully.. wala ng tanong tanong.. pero kung ikaw ay may pagka war freak at  gusto  nyo ng giyerang lalaban sa kalidad ng milf vs govt troops.. ay awayin nyo sya habang nag PPMS sya.. tiyak ko hindi kayo mabibigo.. at para naman sa babae… hinay hinay lang sa pag gamit ng PMS na yan… alam naman naming mga lalake na 80% ay hindi naman totoo na may PMS, kungdi gusto nyo lang masunod ang gusto nyo.. pero pinagbibigyan lang namin kayo…di naman kami mga tanga.. pero tandaan nyo,… pag napuno kami.. baka gumawa kami ng katumbas ng PMS nyo.. na magpapaubaya sa amin manbabae, mag inom, mang bully at magpalipad ng missle sa north korea papuntang ere ng japan….

at ang taong makakaimbento ng katumbas ng PMS na to ay tiyak na mananalo ng nobel prize.

sana man lang may nutritional value ang pagiging PMS ng babae, or may mga approved therapeutic claims.. imagine nyo nalang.. kung pagkatapos ng isang bugnutin na PMS na yan, ay nagiging rabbit horny ang babae, e di sana di ako umaangal ngayon sa PMS..at milyong milyong lalake ang matutuwa sa PMS…

example:

sa bus:

gf: hon akapin mo ako.. takpan mo ako ng jacket…

bf: bakit hon?

gf: kakatapos ko lang ng PMS (sabay ngiting mainit pa sa kumukulong kape)

bf: (SCOREEEE!!!)

sa bahay:

wife: (text sa asawa) come home early.. i have a surprise

hubby: but hon, im OT today…

wife: have you forgotten? I had PMS couple of days ago, sige ka, youll miss the fun

hubby: andito na ako sa car, pauwi na hon…

sa north korea:

pres kim il jung:  at the count of 10, pipindutin ko na tong button na to na mag papasabog ng USA at japan!! 10..9..8…7..6..5…

chick ni kij: honey… samahan mo muna ako sa cr.. mamaya na yan….

pkij: but honey…kelangan ko ipakita kay barack at kay emperor na isa tayong bully..

chick: pero sweethear.. post PMS ko ngayon… and i need some serious lovin’… i want your missle inside me..

pkij: oh shet.. IKANSELA ANG WW3!!  wag ako istorbohin ng 3 araw!!!

o diba.. sana ganun nalang ang naidudulot ng PMS, at baka mas matuwa pa ng todo ang mga lalake sa mundo at i welcome ang PMS na yan.. di nga malayo na magkaroon ng national PMS world day or PMS week or PMS hour.. (kung san mabibigyan nila ng competetion ang valemtimes day na yan)..

sana lang…

Advertisements

gigil ni bill….

Posted in kung ano ano lang..., the road to perdition on Abril 21, 2009 by defpotec

palibhasa sya’y na brokeback.. kaya extra alipin ngayon si defpotec…

kanina lamang ay nadagdagan ng bagong job description ang trabaho ko.. isa na akong waiter/butler/ordertaker/ at server…

mabait naman si bill, pero kung di nyo sya kilala.. siguradong mangangatog at manlalabot kayo kapag nakita nyo syang magalit..

bill: order ka ng 18 bento box (11:15am)

def: yes sir

bill: pa rush mo.. dali…

def: yes sir..

umorder ako ng 18 bento box…

(after 15 mins.. )

bill: san na ang bento? (as if fastfood ang bento box)

def: sir ginagawa pa po..

bill: dalian, ipa follow up…

dali dali kong finollow up yung bento box na 18 na order ni bill….

(after 5 mins)

bill: ASAN NA??

def: sir ginagawa parin po…

bill: antagal naman!!  ang bilis lang ng bento box a ( siguro gutom na)

(after 10 mins)

bill: asan na bento box? @#%@%!!! ang tagal!!! %!%!!^#$@^&%^$#!!! asan na waiter??

tumawag na ako sa telepono

nakita ni bill ang isang waiter na wala naman kinalaman sa order nila….
bill: ^@#$%@#%!! ang bagal bagal ng bento box, kanina ko pa inorder.. dapat pag sabi kong i serve ng 11:30, 11:00 andyan na!! $@#$@!!! follow up mo!!

waiter: (nagulat at walang magawa) opo sir ayan na po..

buti nalang biglang dumating ang 18 bento box, in 30 mins…

sabon si waiter.. kami naman ni bodyguard tawa lang ng tawa… pano nga naman mamamagic ang bento box e 11:15 na sya nag order, e di naman yun instant mami para 3 mins lang andyan na…

tawanan kami ng tawanan ni bodyguard…

.. nangbiglang pumasok si bill at nahuli kaming tumatawa….. (PATAY!!)

bill: DEF!!! ANONG TAWA TAWA MO DYAN!!??

def: er…

bill: TARA KAIN NA TAYO!!!

o diba? kala ko itatapon na ako sa kangkungan yun pala iimbitahin lang ako kumain.. sabi sa inyo mabait tong si bill e.. wag nyo lang gugutumin…

salad..

Posted in the road to perdition on Abril 17, 2009 by defpotec

para to sa isang so called ‘friend’ ko na akala mong concerned na concerned sa aking pagpapapayat at suportang suporta sa aking new diet..

may pa tuna tuna pa sya.. at mag breakfast daw para light ang dinner..

gagawan pa daw ako ng tossed salad kung malapit lang sya….

gaganda daw at seseksi daw ako…. basta kalimutan ko na yung deal na tatakbo sya ng hubothubad sa baywalk…. (never!)

lagyan ko daw ng konting carrots, pipino, at konting keso… at mahal daw ang prepacked salad sa grocery…

ok na sana ang lahat… pero nalimutan mo ang pinakaimportanteng paalala sa lahat…

WAG MAGLALAGAY NG GULAY SA FREEZER!!!

..ngayon, para akong ngumunguya ng malunggay salad…

FAILED!

ang araw na napakahaba…

Posted in 1 on Abril 14, 2009 by defpotec

labingdalawang milyong kelangan pagusapan..

apat na raang milyong kelangan kilatisin…

anim na meeting…

tatlong supplier ang nakaskedule….

pero sa isang tawag lang ng boss kong si bill gates.. napabiyahe ako ng kyusi sa isang sirang sasakyang malapit na mag oberheat sa init ng araw at sa trapik ng panahon…

para lang umupo at makipagkwentuhan sa kanya at samahan sya kumain ng agahan…

para samahan syang uminom ng tsaa at ngumuya ng mansanas… at subaybayan syang lumipat ng ibang kwarto para makipag usap sa 2 pang taong mas may halaga ang topic kesa sa akin..

liban sa mga pangyayaring yan… ako binigyan nya ng pahintulot umiwi sa upisina para makapagtrabaho..

pero wag ka.. bago ko man umpisahan ang 412 milyong reason kung bakit di ako nakakapagblog at makipagkita sa 3 supplier na kelangan ipakita ang cleavage nila para kausapin ko sila… may pumasok na text sa cp ko.. galing sa katulong ng asawanibillgates#5:

” sir def gud am p, d2 p ako s ofc nyo may ipagawa sna si mam, yng ipod nya p ipa delete nya p yung hnd nya gus2 n songs thk u”

412milyon na pahina ng paperworks ang kelangan ko gawin ngayon .. isang kotseng malapit na kumatok ang makina at sumabog dahil sa overheat at tagas ng tubig na kelangan ko pang ihatid sa talyer…… 4 na meeting na di ko inatendan.. at 3 pares na malulusog na suso ang ipinaresked ko.. para lang bumalik ng opisina.

para magdelete ng songs sa ipod ni mam..

i love my job. i love bill gates and company..

welcome back def..

ano pang binabasa nyo dyan? madami pa akong idedelete na kanta!!

direksyon…

Posted in badbreath on Abril 8, 2009 by defpotec

tanong: bat di pwede mag maneho ang babae???

sagot: dahil bobo sila sa direksyon at mga lugar…

at bago mag react ang mga babae.. ipapaalala ko lang na di ako nag gegeneralize… di rin ako galit sa babae… actually mahal ko ang babae… mahilig ako sa babae…. pero sa totoo lang…. pag ang babae ang pinamaneho mo.. parang sinabi mo narin na maglagay ka ng deadly weapon sa likuran ng manibela…

sa tingin ko ang babae ay di talaga pwedeng mag maneho… dyan nalang sila sa passenger seat at sila ay aking pagsisilbihan at i drdrive san man nila gustong pumunta…

pangyayari kanina lamang:

babaeng maganda na balak ko sanang pormahan: (sa text)def… san ka ba? andito na ako di ko makita yang lugar nyo..

(dali dali kong tinawagan para hindi na sya mahirapan at maka pag paimpress ako sa kanya)…

def: nakikita mo yung mcdo sa kanan? kaliwa ka dun…

binibini: ok? tapos?

def: derecho lang hanggan makita mo ang village gate..

bb: ok dito na ako sa gate..

def: unang kanto kaliwa… tapos dire direcho lang..

bb: ok dito na ako… kumaliwa na… direcho lang?

def: oo.. pero di ko na ibaba to, hintayin ko na makita kita para di ka na maligaw.. medyo magkakulay kami ng gates…

bb: ok… thanks ha…

(yess!! pogi points!!!)..

def: ayan na nakikita na kita.. bat ang bagal mo??

bb: san ba? baka lumagpas ako e..

def: hindi yan…. (na excite na ako) DERECHO PA! DERECHO PA!!!

bb:…..

def: sige DERECHO PA!! DERECHO PA!! DERECHO PA!! DERE DERECHO PA!!!!

.

.

.

.

… imbes na bumaba sya at nag spend time with me.. gumawa nalang sya ng dahilan na may pupuntahan pa sya… hanap daw sya ng nanay nya.. or na stroke daw aso nila…

TOTAL TIME NA KASAMA KO SYA: 3 mins..

TOTAL TIME KAUSAP KO SYA SA CP BAGO KO NABANGGIT ANG KATAGANG IKAPAPALPAK NG BUHAY KO: 11:20 seconds

TOTAL TIME NA INABOT KO BAGO KO NAGETS KUNG ANO PAGKAKAMALI KO: 3 HOURS

gusto ko maging loser…

Posted in contesxt, the road to perdition on Abril 7, 2009 by defpotec

medyo matagal tagal na rin ako huling gumawa ng entry sa blog na ito.. halos malimutan ko na may blog pala ako na dapat pakainin…siguro ay medyo naiba rin ang ihip ng hangin kaya bihira narin ako magkaroon ng pagkakataon na makapagblog.. ang dating M-W-F ay di nasunod at nawala sa iskedyul.. dumami ang trabaho… recession pa naman ngayon kayat kelangan doble ang kayod…

at di ko rin kayo masisi kung bat nagkaroon naman ako ngayon ng paskil… (oo kinopya ko lang yan sa pilit na ginawang tagalog ng wordpress).. pero nagtataka ako kung ano ang kahulugan ng mga tinagalog na katumbas ng mga salitang nakikita ko sa dasbord? tulad ng dahon.. (leaf?) mga kabit ( affair?) kalihiman (secrets?)  at ang pinakatamatindi sa lahat.. BLOG ESTADISTIKA!!! (wala akong maisip na katumbas nyan sa wikang ingles) kaya wag nyo narin ako sisihin kung bakit medyo tinamad na ako mag blog.. dahil 40% ng dasbord ay di ko maintindihan…

mabalik tayo… kaya ako nabalik sa pagsusulat ay dahil wala akong magawa sa bahay.. kakagaling lang natin sa isang mahabang linggonghuli (long weekend) at sa mga kadahilanang di ko maaring sabihin sa inyo, ay ako napilitang mapasailalim na isang parang bilanggo sa tahanan (house arrest)…. aktwali, di naman ako naisalulupa (grounded) ngunit subalit, sabihin nalang natin na kelangan ay di ako lumayo at lumabas sa siyudad ng kinalalagyan ko (sa kyusi) dahil may isang nangangailangan ng aking serbisyo.. (ang amo kong si bill gates)…

so kung ikaw ay nakakulong.. wala kang magawa kungdi mag muni muni, mag isip, maglaro, at manood ng TV.. at yan nga ang ginawa ko..

at meron akong isang kinatuwaang palabas base sa katotohanan (reality based show).. at iyan ay ang THE BIGGEST LOSER

natuwa ako dahil sa bukod sa matataba ang mga kasali dito, ang kanilang layunin ay magpapapayat… nagkataon na tuloy tuloy ang mga palabas na ipinalabas sa kable, kaya nasubaybayan ko ang mga palabas…

ganito ang pakay ng palabas..

kumuha ng 16 na ubod ng tabang tao (obese) at gawing paligsahan ang pagpapapayat..  kung sino man ay ang may pinakamalaking ipinayat.. ay syang magwawagi ng 12.5 milyon pesos (250,000 dolyar)… tae.. di ka magtataka kung bakit lahat sila ay pursigidong magpapayat.. sa isang linggo.. halos 5-10 kilos ang ipinapayat nila.. kakaibang aliw! pumayat ka na.. yayaman ka pa..

naalala ko tuloy yung mga panahon na may nakipagpustahan sa akin na kapag ako pumayat ay tatakbo syang hubot hubad sa baywalk… ano na ang nangyari dun? wala.. wala dahil walang isang salita ang talunan.. hanggang ngayon ay pilit parin nyang pinipilit na di ako pumayat at di ako nanalo, ngunit kayong mga mambabasa na ang naging husgado at huwes… at sa inyong mga komento, siya naman ang talo diba?

yoko na.. siguradong eepal na naman si talunan.. magpipilit maging abogado….. panawagan lang.. WAGKANA…

mabalik tayo sa palabas…

ganito ang mga naging resulta ng mga kontestant….

ayan ay mistulang mga sampol palang ng pagpapapayat nila.. at sa halagang 12 milyon… magagawa ko rin yan…

ngunit ang katotohanan nyan.. walang nag hahandog sa akin ng 12 milyon.. pero yan parin ang aking gustong marating…

ako ngayon ay balik sa 100 kilos.. (220 lbs) at nais kong bumaba ng 200 bago pa man din matapos ang abril… at sa mayo, susubukan kong maging 180…

kaya ko kaya ito? ( gusto kong makipagpustahan dahil ako ay kompetitive in nature… disqualified na pala yung di tumakbo nung nakaraan…)

akoy naghahanap ng kapusta… marahil ilathala nyo lang sa komento ang mga handog nyo, at kung magustuhan ko, ay pag usapan natin…

pera? cellphone? boracay hotel GC? sagana tayo dyan… name it!!

seryoso ako!  I CHALLENGE ANYONE!!!