eef day own lee new….

marahil marami sa inyo ang nakakakilala sa mahal kong boss na si bill gates… at sa mga hindi pa nakakakilala, backread nalang…

si bill gates ay ang aking boss.. medyo sikat na controbersyal, pero kung kilala nyo sa totoong buhay.. aysus.. napakasimpleng tao..

napakabait… napaka down to earth… talagang kahanga hanga.. at isa pa kaya idol ko si bill…

napakatulis sa chicks… pero maiba tayo..

isa sa mga dahilan kaya tuwang tuwa ako kay bill ay dahil sa kanyang pagiging sponta.. spawntey… spontein…. pabigla bigla… noong pasko ng 2008… pinatawag nya ako sa kanyang pribadong opisina… akala ko noon ay aabutan na ako ng bonus.. ngunit di pala…. nagpakwento lang kung ano ang current events at ano ang local chismis noong panahong iyon..

nagkataon naisipan kong ipaalam sa kanya na christmas party ng departamento namin noong gabing yun… at sakaling baka gusto nya mag donate kakaunting pampasaya sa staff…

aba… laking gulat ko nalang ng sabihin nyang.. SIGE!! ANO GUSTO MO?? PLANE TICKET?? TRIP TO USA??

nagulat ako… anaknampating… 6 lang kami sa departamento, ang akala nya siguro 600 kami.. kaya maayos kong sinabi sa kanya na hindi naman kasi para sa raffle yun, mas ikatutuwa ng mga staff kung everybody happy… hindi yung isa lang… atsaka.. mahirap pag kinuha ko ang offer nyang trip to anywhere ticket.. siguradong kukulangin ako ng staff… atsaka sakit sa ulo pa kumuha ng bisa… atsaka good for 1 lang yun.. ano naman ikakasaya nun? so nag suggest ako na imbes na bigyan nya ng isang malaking premyo, ay ihati nya nalang.. pero syempre ako narin gumawa ng paraan… ang sabi ko ay ok na ang tig iisa silang kahon ng goodies… (mga pabigay ni bill sa mga executive staffs at vp nya tuwing joint christmas party ng corporasyon).. estimate ko around worth 2-3t din ang nilalaman.. ewan ko lang kung tama o mali…  pero ayun.. pumayag naman sya…

so bitbit ang apat na kahon.. (mala balikbayan box ang laki nun).. handa ako at masaya akong pupunta ng christmas party na may dalang bala.. ng bigla nya akong tinawag muli…

bigyan ko daw ng bonus ang mga staff ko… dahil magaling din sila mag trabaho tulad ko.. (naks!! pumindot ng dvd)…

magkano?

tig 10k..

muntik na akong himatayin…  anak ng pating.. buti pa sila may tig 10k… samantalang ako… wala..

pero syempre.. dahil sa nagmamagandang loob ako… inadvisan ko si bill na sobra sobra ang 10k para sa kanila.. dahil baka umasa na taon taon ay aabutan nya ng 10k…

sabi nya ako na daw bahala…

sabi ko kahit tig 2.5k lang pwede na…

natawa sya. pero ok na rin daw…

naghintay ako…

nagtaka sya kung anong hinihintay ko..

sabi ko  yung pangbonus nya….

abonohan ko nalang daw muna.. (ayus!!) isipin mo san ako kukuha ng 40k kung sakaling tig 10k sila… buti nalang natawaran ko..

di ko alam kung matutuwa ako or hindi… pero masaya narin ako… kahit abonado..

nagparty kami ng gabing yun.. masaya ang staff ko,

lalo silang natuwa nung isa isa ko sa kanila inabot ang tig iisang kahon na bigay ni bill…

(if they only knew)

at ang kicker ay nung inabot ko sa kanila isa isa ang envelop na may lamang tig 2.5k..

(if they only knew…)

mabuti nalang hindi nila alam ang storya kung paano natawaran ang bonus nila.. pero alam naman nila na mahal ko silang lahat… at ang totoo nyan..

di pa ako binabayaran ni bill!!

Advertisements

9 Tugon to “eef day own lee new….”

  1. grabe!!! 10k!!! tiyak bubogbogin ka ng mga staff mo sa tinanggihan mong grasya!!!

    hahahaha!!!

  2. ano na lang kaya magiging reaksyon nila pag nalaman nilang 10k dapat yon.. hmmm

  3. isusumbong kita sa mga staff mo! hahaha! joke lang pre. singilin mo na si bill pre baka makalimutan nya…

  4. aba’y singilin mo na si bill. matulis pala sa chicks si bill? sabagay, someone as rich as him nga siguro. pero di ba may keidaran na rin sya? up to now matinik pa rin? o yung sinasabi mo e nung mejo kabataan nya? hehe. kung ang sa staff mo e box of goodies at 2.5K, ano naman natanggap mo?

  5. pwede ba akong mag apply sa departtamento mo? hehehe

  6. pam pampams Says:

    Hi kay sir Bill! 😀

  7. sus e ikaw pala kuripot e.

  8. Pede ba ko mag apply sa department mo?Natanggal kasi ako sa trabaho e.thanks in advance,cool blog…

  9. […] Nways, may suite room si Moo sa workplace nya. Ang shushal di ba? Ikaw ba naman ang mag-trabaho kay Bill Gates. […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: