too- ohh -ohh – nine!!

(paunawa: ang titolo ng entry na to ay sya mismong narinig ko habang inaaano ko yung isang ano… at ang rating nya sa akin ay yung numero sa huli…)

ayus… sa tagal kong nagbakasyon, andaming pagbabago ang nangyari sa akin… at andaming pagbabago ang nangyari sa mundo ng blog..

eto na naman at bago na naman ang layout ng wp… inaamin ko, isa sa mga dahilan na tinamad akong mag update ng entry ay dahil sa napakalalim ng tagalog ng wp dashboard… parang di lang talaga mahuli ang panlasa ko.. parang yung mga kantang nasa wikang ingles na pinilit tagalugin… nakakabaliw… nakaka walang gana…

“di ka na mababasa ng ulan, di ka na mababasa ng ulan.. di na, di na, hindi, hindi…”

parang yan dba.. ang ayos ayos ng umbrella ni rihanna.. biglang magkakaroon ng tagalog version… minsan naisip ko, sana naman binigyan ako ng choice ng wp na piliin kung tagalized version ang layout na gusto ko or ingles…pero hinde e, talagang tagalog e…

sino ba naman gaganahan king ang makikita mo nun ay:

MGA DAHON – WTF is this? punongkahoy?

MGA KABIT – sa totoo lang nakakakunsenya… di ko tuloy makwento dito yung fubu kong may asawa dahil sa katagang ito…

at least ngayon… medyo mas tanggap na ng sikmura ko ang bagong layout ng wp.. at least ginawang semi taglish na ang wp na background… di na masyadong malalim… sana naman kasi di na nila binago..

ang isa pa sa mga dahilan kaya ako nagbakasyon ay dahil meron akong misyon… ang misyon ko.. ay kung may darating sa isang araw na 0 ang hits ng blog kong ito.. bigo ako.. so eto, nagsusulat na naman ako..

tama na ang paliliwanag.. alam ko namang di kayo interesado..

pwes, balik tayo sa mga dahilan bat naisipang kong bumalik…

natatandaan nyo pa ang mcdonals french fries na aking itinago sa isang lalagyan ng bottled water? musta na kaya sya? pwes… dun sa mga hindi nakakaalam, balikan nyo ang mga entries ko ng nakaraang may 2008…

https://defpotec.wordpress.com/2008/05/22/mahilig-ba-kayo-sa-fries/

https://defpotec.wordpress.com/2008/06/26/the-fountain-of-youth/

https://defpotec.wordpress.com/2008/07/29/kumusta-naman-si-pareng-fries/

at kung nabasa nyo na iyan.. pwede.. hayaan nyo akong bigyan siya ng isang VIP introduction:
LADIES AND GENTLEMEN… PLEASE WELCOME…. THE NON-BIODEGRADEABLE FRIES!!

halos walong buwan na ang nakakalilipas, at ang nangyari lang sa kanya ay medyo pumayat sya ng kaunti.. ewan ko ba.. nakakaka amaze diba?

so sa mga mahihilig sa fries… order pa tayo…

yummy!

Advertisements

6 Tugon to “too- ohh -ohh – nine!!”

  1. na-miss ka namin def. sana tuloy tuloy na ulet ang pagsusulat mo. namiss ko na rin si swami,ang lovenuts at kung ano-ano pa. para pala pumayat, magkulong lang sa bote ng mineral water. kaso mo hindi naman pagpapa-payat ang problema ko. dahil payatot na ako. hehe

  2. Welcome back Def!!!

  3. dude! glad to read your posts again.

  4. @antuken: salamas… wag ka mag alala.. pag ikaw nabuntis.. tuluy tuloy na yan.. tataba ka rin.. magkakak tyan…. at magkaka…. gatas…

    @joh: hi.. asl? single and ready to mingle?

    @pollo: salamas dude… di ko akalain may tao pa pala dito..

  5. “ayus… sa tagal kong nagbakasyon, andaming pagbabago ang nangyari sa akin… at andaming pagbabago ang nangyari sa mundo ng blog…”

    —— UU NGA! NAGKA-HOME THEATER KA LANG AY NAGBAGO KA NA.

  6. yeyyy kuya def!!!

    nag update din hihih..

    gang 8 months lang? sana paabutin mo pa ng isang taon 😆

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: