baka sakali..

may isang baka na naglalakad.. nag iisa.. nalulungkot..

ang bakang ito..itawag natin sya sa pangalang baka..

sa kanyang paglakbay.. naghahanap sya ng kanyang silbi sa buhay…

tamad na tamad na sya.. at since uso ang melamine ngayon.. di rin mabenta ang gatas nya…

sa kanyang paglakbay.. nakita nya si baboy…

“baboy, baboy…” ani ni baka, “musta naman ang raket mo??”

“eto mahina rin,” sagot ni baboy, “magmula ng naging health freak ang mga tao, di na masyado mabenta ang sitsaron ko at lechon…”

“ako rin e.. tinatalo na tayo ng kalaban nating gulay…” sabi ni baka…, “so ano na gagawin natin?”

“ewan ko.. pero samahan nalang kita maglakad..” payo ni baboy..

at silang dalawa ay naglakad….

habang naglalakad, nakita nila si leon…

“HRRUUUMMPPPHHH… at san kayo pupunta?” bulyaw ng haring leon….

“oh mahal na hari.. magmula ng humina ang ekonomiya, ay humina narin ang negosyo namin.. salamat sa programa ni GMA at nararamdaman mo rin ba ang pag asenso?? tanong ni baka.

“HAHAHA!! magmula ng tinulungan ako ni daga… wala nang rumespeto sa akin.. kaya wala na rin kumikilala sa akin… kelangan siguro gumawa ako ng bagong pelikula.. ang lion king 3!!” sabi ni leon.. .” subalit wala ring producer ang gustong tumulong sa akin…wala na akong hanapbuhay…”

“kung ganun leon, sumama ka sa amin at maghanap tayo ng ating pagkakakitaan…” sabi ni baboy..

at silang tatlo ay naglakad.. papuntang siyudad… sa kanilang paglalakad.. nakita nila si daga…

“eeek eeek !! patawarin mo na po ako leon!!!” ang pakiusap ni daga… “chismis lang naman ang alamat ng leon at daga.. gawa gawa lang ng mga writers yun na gusto tayong pag awayin… ikaw talaga ang bida… mas malaki ang kita ng lion king 1 vs ratatouille!!”

“ongaaaaaaaaaaaaaaaa” hirit ni baka….

“o sya sya.. hmpft!! sumama ka sa amin.. at tulungan mo kami maghanap ng bagong raket”… sabi ni leon..

at naglakad silang 4… at ng malapit na sila sa siyudad.. nakita nila si aso at si tigre nagtatalo..

“PUSA KA!!” sigaw ni aso!!

“E BAT DI MO AKO MA BULLY NGAYON??” sagot ni tigre

” E ANG LAKI MO E!!! BASTA PUSA KA!!!! ”  hirit ni aso..

“BULLY KA!!!” resbak ni tigre…

“HINDE, ASO AKO!!!!” comeback ni aso..

“SHADAPAKAP!!!” sigaw ni haring leon, “.. imbes na mag away kayo.. sumama kayo sa aming 4 at magisip tayo ng raket para narin kumita!!”

“e ano naman gagawin natin?” tanon ni daga…

“bahala na…” sagot ni baboy…

“e kung kumanta nalang tayo??” sabi ni tigre…

kumita na yon… di na yan patok sa takilya…” sabi ni aso..

” e kung mag martial arts nalang tayo??” sabi ni baboy….

“e kumita narin yun.. kung fu panda pa nga ang title…” sabi ni daga..

“alam ko na!! SUMAYAW NALANG TAYO ALA EB BABES AND WOWOWEE GIRLS!!”.. sabi ni baka…

“tama!! PWEDE!! Wala pang nakakagawa nun!!” sabi ni baboy!!

“I AGREE!!!” sabi ni aso…

“PWES!! TAYO AY MAG PRAKTIS!!..” sabi ni leon!!

makaraan ang ilang araw…

at yun nga.. lahat sila ay sumayaw.. pero di ko sila mabiling lahat,… kaya ang binili ko ay ang best dancer…

Advertisements

8 Tugon to “baka sakali..”

  1. Sobrang ASTIG ng entry na ‘to!
    Talo ang libro ni Robert Ludlum sa mga twist and turn of events!
    Siksik, liglig at nag-uumapaw sa ganda ang istorya!
    Nakakapangilabot!
    Kagimbal-gimbal!
    Nakaka-thrill!
    Nakakamangha ang plot!
    Punong-puno ng moral lesson!
    Sino makakapagsabing wala kakwenta-kwenta ‘to?

  2. Nyahahaha! Natawa ako sa istorya! At hangkyut nilang sumayaw! *LOLz*

  3. hindi naman pang eb babes saka pang wowowee girls yung sayaw nila e… niloloko mo ko hmpf!

    xiao!

  4. nyahahahaha. kwawang hayop… kamustahin naman ang alamat ng gubat…

  5. ang cute nung dance step ng baka! hahaha.

  6. linglingbells Says:

    naks! kung makayugyog ng katawan yung mga hayop e kala mo katapusan na ng mundo! wahahaha!

  7. hehe siguro yung baka yung pinili mo> ang cute ah!

  8. bakit nag mukhang tanga ang tigre?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: