Imbak para sa Oktubre, 2008

babalik ka rin…

Posted in kung ano ano lang... with tags on Oktubre 22, 2008 by defpotec

v

Advertisements

baka sakali..

Posted in broadband only, kung ano ano lang... with tags on Oktubre 10, 2008 by defpotec

may isang baka na naglalakad.. nag iisa.. nalulungkot..

ang bakang ito..itawag natin sya sa pangalang baka..

sa kanyang paglakbay.. naghahanap sya ng kanyang silbi sa buhay…

tamad na tamad na sya.. at since uso ang melamine ngayon.. di rin mabenta ang gatas nya…

sa kanyang paglakbay.. nakita nya si baboy…

“baboy, baboy…” ani ni baka, “musta naman ang raket mo??”

“eto mahina rin,” sagot ni baboy, “magmula ng naging health freak ang mga tao, di na masyado mabenta ang sitsaron ko at lechon…”

“ako rin e.. tinatalo na tayo ng kalaban nating gulay…” sabi ni baka…, “so ano na gagawin natin?”

“ewan ko.. pero samahan nalang kita maglakad..” payo ni baboy..

at silang dalawa ay naglakad….

habang naglalakad, nakita nila si leon…

“HRRUUUMMPPPHHH… at san kayo pupunta?” bulyaw ng haring leon….

“oh mahal na hari.. magmula ng humina ang ekonomiya, ay humina narin ang negosyo namin.. salamat sa programa ni GMA at nararamdaman mo rin ba ang pag asenso?? tanong ni baka.

“HAHAHA!! magmula ng tinulungan ako ni daga… wala nang rumespeto sa akin.. kaya wala na rin kumikilala sa akin… kelangan siguro gumawa ako ng bagong pelikula.. ang lion king 3!!” sabi ni leon.. .” subalit wala ring producer ang gustong tumulong sa akin…wala na akong hanapbuhay…”

“kung ganun leon, sumama ka sa amin at maghanap tayo ng ating pagkakakitaan…” sabi ni baboy..

at silang tatlo ay naglakad.. papuntang siyudad… sa kanilang paglalakad.. nakita nila si daga…

“eeek eeek !! patawarin mo na po ako leon!!!” ang pakiusap ni daga… “chismis lang naman ang alamat ng leon at daga.. gawa gawa lang ng mga writers yun na gusto tayong pag awayin… ikaw talaga ang bida… mas malaki ang kita ng lion king 1 vs ratatouille!!”

“ongaaaaaaaaaaaaaaaa” hirit ni baka….

“o sya sya.. hmpft!! sumama ka sa amin.. at tulungan mo kami maghanap ng bagong raket”… sabi ni leon..

at naglakad silang 4… at ng malapit na sila sa siyudad.. nakita nila si aso at si tigre nagtatalo..

“PUSA KA!!” sigaw ni aso!!

“E BAT DI MO AKO MA BULLY NGAYON??” sagot ni tigre

” E ANG LAKI MO E!!! BASTA PUSA KA!!!! ”  hirit ni aso..

“BULLY KA!!!” resbak ni tigre…

“HINDE, ASO AKO!!!!” comeback ni aso..

“SHADAPAKAP!!!” sigaw ni haring leon, “.. imbes na mag away kayo.. sumama kayo sa aming 4 at magisip tayo ng raket para narin kumita!!”

“e ano naman gagawin natin?” tanon ni daga…

“bahala na…” sagot ni baboy…

“e kung kumanta nalang tayo??” sabi ni tigre…

kumita na yon… di na yan patok sa takilya…” sabi ni aso..

” e kung mag martial arts nalang tayo??” sabi ni baboy….

“e kumita narin yun.. kung fu panda pa nga ang title…” sabi ni daga..

“alam ko na!! SUMAYAW NALANG TAYO ALA EB BABES AND WOWOWEE GIRLS!!”.. sabi ni baka…

“tama!! PWEDE!! Wala pang nakakagawa nun!!” sabi ni baboy!!

“I AGREE!!!” sabi ni aso…

“PWES!! TAYO AY MAG PRAKTIS!!..” sabi ni leon!!

makaraan ang ilang araw…

at yun nga.. lahat sila ay sumayaw.. pero di ko sila mabiling lahat,… kaya ang binili ko ay ang best dancer…

babalik ka rin….

Posted in kung ano ano lang... with tags on Oktubre 8, 2008 by defpotec

natatandaan ko pa, noong una kitang nakilala… nakita kita sa isang lugar na napakaraming tao.. pero kahit na ikay napapaligiran ng maraming tao, di ka natabunan sa aking mga mata…

nakita kita…pinagmasdan… kakaiba ang dating mo…

baguhan ka pa nun, pero napakalaki ng iyong potential… kakaiba ang halimuyak na ipinamamahagi mo sa mga taong pumapaligid sayo… yung iba ay di ka napansin.. yung iba ay tiningnan ka lamang ng bahagya..

ngunit ako si DEFPOTEC.. at kahit na malabo ang aking mga mata.. kakaiba ang aking paningin…

alam kong di mo napansin nun kung pano ko diniskartehan para mayaya kita sa aking lugar.. pero naglakas loob ako, lumapit sa isang tao, tinuro kita ng di mo nalalaman.. ngumiti sya..  natuwa naman ako.. alam kong tama ang aking napili.. alam kong di kita pagsisisihan..

ikinatutuwa ko na wala kang kaarte arte nun… hinila ka ng kausap ko.. at inilapit sa akin.. tandang tanda ko pa ang amuy ng pabango mo nun.. at kakaibang init at kiliti ang naramdaman ko sa may bandang tiyan ko…

di na ako nagpaligoy ligoy pa…. habang kinakabahan ako, dali dali kitang nilabas sa mataong lugar at isinakay kita sa sasakyan ko…  kakaibang takot ang naramdaman ko, ngunit kakaibang excitement din ang dulot mo.. isinama kita agad sa isang lugar na madilim, malamig at tahimik… na punong puno kapag balentimes day…

tandang tanda ko ang pangaral sa akin ng mga barkada ko.. na hwag na hwag mababaliw sa mga tulad mo.. pero di ko alam kung anong klaseng gayuma ang meron ka.. nakuha mo ako sa tingin…

at andun tayo sa kwarto.. dali dali kong tinanggal ang damit ko.. nag iinit ako nun.. at mabilis pa sa alas singko kung tinanggal ang mga saplot mo….

sandali…. di ko sasayangin ang pagkakataong to.. hahayaan ko munang namnamin ang itsura mo bago kita tikman… aamuyin ko muna ang halimuyak mong kanina ko pang naamoy sa sasakyan.. at binigyan ko ang sarili ko ng 5 minuto para pagmasdan ka.. wala kang ka imik imik nun..

dahan dahan dumampi ang aking labi sa iyo… ramdam ko ang iyong init nun.. napapikit ako at napahinga ng malalim.. syet.. matagal tagal ko nang di nagawa to… nilabas ko ang dila at syang dumampi sa katawan mo… at parang mga paputok sa mall of asia ang tumililing sa utak ko sa mga panahong yon…

kakaiba ang iyong amuy.. kakaiba rin ang sarap mo… aaminin ko na di ako tumagal ng 4 na minuto.. natapos ako agad… at yun ay syang ikinalungkot ko… binitin ko lang ang sarili ko….

lumipas ang isang linggo nang muli kitang pinasyalan sa kinaroroonan mo.. muling kitang kinuha, at sa paguulit ng pagkakataon.. di na ako masyadong nahiya… at nung mga panahong yon.. akoy handa… di na ako muling magpapabitin… handa ako .. multiple rounds ang labanan…

kakaibang sarap ang naramdaman ko nung inulit natin ang pangyayari… sa unang pagkakataon ng aking buhay.. umulit ako.. at ikaw lang ang nagpatunay sa akin na “familiarity breeds confidence”… sayo lamang ako umulit at di ako nanghinayang… minsan akong nakatatlo sayo.. pero di ka nagbago… ganun parin ikaw kaiinit sa akin.. ganun mo parin ako pinaligaya…

hanggang sa isang gabi.. laking gulat ko nalang ng pinuntahan kita para magparaos ako.. at wala ka na…. lumingon lingon ako kung maraming ibang tao.. baka di ka lang available nung mga panahon na yon… naghintay ako… isang oras.. dalawa… at naisipan kong balikan ka nalang kinabukasan..

ngunit ako’y bigo…  tuluyan kang nawala ng di nagpapaalam.. hinanap kita, nagtanong ako kung san ka napunta… nagtanong kung kelan ka babalik.. walang makapagsabi at makatingin sa akin ng derecho sa mata at makapagbigay ng derechong sagot sa mga tanong ko…

nais ko maghurumentado at magwala…

aaminin ko… sa sobra kong miss sayo.. naghanap ako ng kadamay.. yung mga nakatikim rin sayo… at di ko man matanggal ang selos na nararamdaman sa dibdib ko ay.. nilunok ko ang aking pride.. tinanong kung ganun karin ba sa kanila… ang sagot nila ay oo.. kaya sila rin ay nasilaw sayo at ika’y binalik balikan at hinahanap hanap…nalungkot ako.. ngunit mas mabuti na ang may karamay… mas madami kami, ay mas malakas ang pagkakataon na makita ka… compare notes kumbaga…

hanggan sa inabot ng buwan… dahan dahan kang umalis sa sistema ko.. may mga gabing hinanap ko ang init na binibigay mo.. ang kasarapan na walang sinuman ang makakapagbigay tulad mo… sinubukan kong kumuha ng iba.. pero wala silang sinabi sa ipinamahagi mo sa buhay ko…

natuto kong magdasal.. kahit na alam ko ng mali ang ginagawa ko.. pero ganun nalang ang hawak mo sa akin… aaminin ko.. hindi ako madaling magmahal… pero pag ako ay nagmahal.. todo todo..

minsan naisip ko kung dapat nga ba akong magmahal sa isang tulad mo… panandaliang aliw… laman tiyan… siguro kasalanan ko narin kung bat hinayaan ko ang puso ko na umibig sayo… tao lang rin ako..

ayaw kong isiping akoy niloko mo lamang… mahigit isang taon na ang nakalilipas.. pero di ka parin tuluyang nawala sa aking isipan at puso… alam kong di ka ganun klase.. yung mangiiwan lang na walang paalam.. marahil nagkaproblema lang sa inyo kaya kelangan mong umalis ng biglaan… naiintindihan ko…

at kagabi… naisipan ko lang dumaan dun sa lugar na kung san kita unang nasilayan… reminicing the past kumbaga…  nag iisip ng mga nakaraan.. pangiti ngiti mag isa.. sumisilip sa ibang pwedeng kapalit mo…

AT…

nagulat ako nang para kitang nakita sa gilid ng mata ko.. pumikit ako at inisip na kung itoy panaginip lamang, ay wag na sana akong magising.. pagdilat ko ng mata ko… hinanap ko kung asan ka.. AT AYUN KA NGA!

muntik na akong atakihin sa puso ng malaman kong bumalik ka na nga.. gusto kitang murahin nun… pero hindi na.. dali dali kitang nilapitan.. ewan ko kung natatandaan mo pa ako.. pero ginawa ko ang ating dating ritwal.. dinala kita sa tahimik at malamig na kwarto…. di ka parin nagbabago.. ganun parin ang kulay ng kutis mo.. ganun ka parin kabango…. andami kong tanong.. na hindi mo sinagot.. dinaan mo lang ako sa deadma… san ka napunta.. bat mo ako iniwan.. anong nangyari sayo.. at bat naisipan mong bumalik… lahat ng yon ay di mo sinagot.. basta lang ikaw nagparamdam ng init mo…

at naulit ang dati nating gawain.. ngunit di na ako uli handa.. kaya naka isang round lang tayo….

wala sa schedule ko ang dapat na mangyari kahapon.. dahil may basketball ako sa gabi.. ngunit pinagbigyan ko narin sarili ko at siningit ka… pasensya na.. bitin ka, bitin ako.. pero ngayon ipinangangako ko… 2 round tayo …

namiss kita… salamat at muli kang bumalik.. sana di ka na mawala..

mabuhay ang jollibee crispy bangus belly!!

talong song…

Posted in broadband only, kung ano ano lang... with tags on Oktubre 5, 2008 by defpotec

na last song syndrome ako dito… kanta!!!