blue blue skies..

pagpaumanhin at medyo ako ay naabala lang sa madaming ibang bagay noong nakaraang linggo.. kaya alam kong napakarami kong utang… at wag kayong maniwala sa chismis na patay na ang blog na ito.. di naman ako naniniwala sa patay na blog.. natutulog lang..

maiba tayo..

ang pinagkakaabalahan ko kung nakaraan, bukod sa trabaho at mga trabahong walang kinalaman sa trabaho ko, ay ang aking pagpapaayos ng kwarto.. aaminin ko na medyo nasaktan at dinibdib ko ang komento ng isa kong idol nung nakaraan.. kaya’t kahit ilang gabi ko rin pinagpuyatan at di tinulugan ang pagreresearch kung ano ang dapat kong gawin sa kwarto ko imbes na sunugin ko sya…

gusto ko talaga ang blue skies.. nung akoy nagpunta sa macau at nakapasok sa isang hotel.. napatingala ako at natuwa sa blue skies motif/theme ng hotel.. para kang nasa outdoor…pero ang totoo nyan ay nasa loob ka parin ng hotel. gandang ganda ako at narerelax ako sa design na yon..

pinlano kong yan ang ipapintura sa magiging regressed ceiling ng kwarto ko.. pero wagka.. sangkatutak na kontra ang inabot ko… kesyo baduy daw, etc etc… kumbaga, pakiramdam ko ay para akong si GMA na pilit pinagreresign..

gayunpaman, di naman ako mahirap kausap.. nag resign din ako.. nag research muli… at natuwa naman ako sa plaplanuhin kong heavenly skies version 2.

imbes na blue skies ang ceiling ko, naisipang kong gawin nalang night skies.. at sana ganito ang ikalabasan nya…

pasensya nalang.. kaya rin ako di masyadong maka post… at dun sa mga nagtataka.. wala itong kinalaman sa pink na paborito kong kula.. fyi… paborito ko ang pink ngayon.. lalo na sa mga dalaga..

Advertisements

7 Tugon to “blue blue skies..”

  1. Huy! Yan na lang muna, hahaha!

    Ingat po.

  2. katrina pedregosa Says:

    Blue Skies… biskwit naiisip ko… xenxa na gutom lang… hehehe
    But good idea though, pero i hope ganyan nga kalabasan… good luck!

  3. kuya moo, i like night skies too. minsan ko na rin yan nakita sa isang resto dito at natandaan ko na sinabi ko sa sarili ko na sana meron ganun ang kisame ng kuwarto ko. 😦

    at dun may isang korner ng room na yan, maglagay ka ng mini bar! mas cool. 😆

  4. at teka, baka di mo pala matapos ang movie senglot ka na tsk.

  5. ganda naman ng langit…

  6. ganda nga!
    sana pwede yung tulad sa great hall sa hogwarts, nag-iiba yung ceiling base sa langit sa labas. ahaha..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: