Imbak para sa Setyembre, 2008

hay.. ang hirap..

Posted in kung ano ano lang... with tags , , , on Setyembre 25, 2008 by defpotec

DISCLAIMER: hindi ako chauvanist.. i love women.. mahilig ako sa babae.. pero ang susunod na post ay isa sa mga ayaw ko sa babae..

buntis si jaya

oo, sya ang aking kasama dito sa trabaho..siya yung jaya na natuto nyo nang mahalin.. aking inapi sa inyong mga mata.. pero ang totoo nyan ay pinagsasabihan ko lang sya..

natandaan ko mahigit 2 taon ang nakaraan.. nung unang interbyu nya…pinagsabihan ko sya na nag dadalawang isip ako pag babae ang kukunin kong staff.. dahil ang babae, madaming ka ek ekan sa buhay.. andyan yung aabsent dahil may sakit ang anak, mag aabsent dahil mag eenrol ng anak, mag aabsent dahil duduguin, mag aabsent dahil dinudugo, mag aabsent dahil hindi maganda ang pagka gupit ng parlor sa kanya, mag aabsent dahil namamaga ang ingrown sa paa at nainfect dahil sa palpak na pedicurista… andyan pa yung absent dahil may sakit ang sarili, sa totoo lang..  kung ikaw ay babae..di ka maubusan ng dahilan sa absent at late…


pwede tayong gumawa ng libro para i compile ang mga excuses.. ay meron na palang nakaisip nito..

at ngayon naman.. absent dahil buntis, dahil mahina ang kapit ng bata.. dahil mababa ang matress..

e natandaan ko pa sabi nya noon… di daw sya mabubuntis.. dahil di na nya kasama ang aswang nya sa bahay;…. at kung kayo ang asawa at makita nyo si jaya.. hay.. naniniwala narin ako sa second coming or sa virgin birth kung sakaling magkainteres kayo na buntisin sya.. dahil sa totoo lang.. kahit walompung bote ng redhorse or tequila pa ang inumin ko.. di ko magagawan pag isipan sya ng bastos… as in.. umaatras pabalik sa kweba si “elmo”.. dun magtatago.. until the coast is clear..

so ayun… buntis na nga si jaya at 2 linggo nang di pumapasok.. at kami naman ay hirap na hirap dito sa opisina dahil sunod sunod ang tawag at problema.. pero ok lang yan.. natuwa parin ako maski paano kay jaya dahil maski naka leave sya, pumupunta sya dito sa opisina pag kelangan na..

pero.. hanggang ngayon nagtataka ako.. sino ang ama?

pero sigurado akong hindi AKO!

Advertisements

ang susunod na laruan ko

Posted in broadband only, laruan with tags , , on Setyembre 24, 2008 by defpotec

eto ang susunod na bibilhin kong game sa nintendo wii ko… di dahil na mukang ok ang laro, pero grabe nakakaaliw ang kanyang marketing…

salamat joystiq

retireable?

Posted in kung ano ano lang... with tags , on Setyembre 23, 2008 by defpotec

pano nyo malalaman kung nararapat na kayong magretiro or magpahinga na sa trabaho? dito sa opisina, may isang server/butler ang boss kong si bill gates… napansin ko lang, parang medyo tinatamad na si manong server.. medyo natutuliro na.. medyo iika ika na.. bumagal na rin ang pagserbisyo nya, at minsan, para na syang mayor dom at inuutos nalang ang trabaho nya sa iba… medyo humihina narin ang memorya.. dinadaan nalang sa tawa..

eto ang isang pangyayari kahapon lamang.. umiinom ako ng tubig nun at sa dalawang magkaparehong sitwasyon, muntikan na akong mawalan ng poise at maibuga ang tubig sa ilong ko…

bisita ni boss: butler, pahinge nga ng copy.. (tinuro yung mga papeles sa ibabaw ng mesa)

butler: ok sir…

(after 5 minutes, bumalik si butler, dala dala ang coffee…)

bisita ni boss: (medyo natatawa) hindi coffee butler, COPY.. KOPYA…. 3 piraso

butler: ay ganun ba sir.. sorry po.. pasensya na po… (ngisi)

(after 5 minutes, bumalik si butler… dala dala 3 balot ng HOPIA…)

kayo na ang humusga kung retireable na ba sya…

to cebu and back.. at isang friendster account..

Posted in kung ano ano lang... with tags , , on Setyembre 19, 2008 by defpotec

masarap ang may Public Relations Officer.. PRO… wag sanang ipaghahalo sa GRO.. pero oo masarap din ang GRO..

anyways.. di ko sana ikukuwento sa inyo ang trip ko sa cebu.. pero ayon sa kasabihan natin sa pilipino.. “kung sino ang pumiyok, sya ang umutot.”… may pumiyok na dito.. kaya yan ang pruweba na sya ang umutot..

dito sa trip sa cebu.. natuwa ako.. madami ako muling nakilalang mga tagahanga ng boss kong si bill gates.. meron syang happening dito.. at kung kayo ay nagtataka kung ano ang role ko.. well.. ako ang tinatawag na official entourage… (ehn, tow, raj ang basa dyan.. hindi encourage).. tagapalakpak… taga assist at taga… wala.. tagabuhat….

natuwa rin naman ako.. dahil meron akong nakikilalang mga bagong tao.. tulad ni gov padaca ng isabela.. madami dami akong narinig na mga kwentong kakainspire tungkol sa buhay nya.. parang sya si franlin delano roosevelt.. anyways… ayun..

sabi ni moo,  papicture daw ako with gov padaca.. e di ko naman talaga ugaling dumikit sa mga governor, mga senador, at mga pulitiko.. ewan ko ba.. allergic lang talaga ako sa mga politicians..

pero exception to the rule tong si gov. padaca.. kasi parang tingin ko di sya corrupt at trapo.. kahanga hanga nga naman.. kaya ayun.. pinayagan ko na syang magpapicture kasama ako.. nag request nalang ako na magpapicture sa kanya..

gusto ko sanang painan si moo dahil alam kong di sya maniniwalang nagpapicture ako.. pero lahat naman tayo alam na wala syang isang salitype.. yung baywalk nga na tatakbo ng hubot hubad, pinilit nang kalimutan.. kaya sige lang.. sayang lang pagod ko:

kaninang 8am:

def: may pic kami ni padaca

maru: di ako naniniwala

def: di nga… meron kaming kuha together, at binigay pa nya sa akin friendster nya para ma add ko sya..

maru: lalo mo akong binibigyan ng dahilan na di ako maniniwala..

def: e kung meron?

maru: ts*pain kita (what a filthy mouth this maru – jon cabron)

def: di ako naniniwala (lols i swear, im such a great comeback artist)

maru: e pag nagawa ko yan ano consequence??

def: ayaw ko nyan, ikaw lang makikinabang dyan…

… so ayun, i therefore conclude na duwag tong si maru.. dahil di nya kayang mag bigay ng isang matinong consequence kung di naipakita ko sa kanya ang pic namin ni padaca at friendster.. either that, or gusto nya talaga akong matikman.. na hinding hindi mangyayari.. anyways.. just to prove my case na di ako isang BS na “tatakbo sa baywalk ng hubo’t hubad kung pumayat si xxx..”

so eto ang pic namin ni gov. padaca

at sa friendster account nya…

natuwa ako dito.. i mean.. san ka pa makakatitang isang governor tapos may nakalagay na friendster account sa biz card nya.. diba kakatuwa? only in the philippines! with all due respect, at least si gov, talagang friendly.

PS. para sa mga doubters na nagsasabing photoshop lang mga yan.. DI PO YAN PHOTOSHOP… DI PO AKO MARUNONG NG PHOTOSHOP.. MSPAINT PO YAN!

blue blue skies..

Posted in kung ano ano lang... on Setyembre 17, 2008 by defpotec

pagpaumanhin at medyo ako ay naabala lang sa madaming ibang bagay noong nakaraang linggo.. kaya alam kong napakarami kong utang… at wag kayong maniwala sa chismis na patay na ang blog na ito.. di naman ako naniniwala sa patay na blog.. natutulog lang..

maiba tayo..

ang pinagkakaabalahan ko kung nakaraan, bukod sa trabaho at mga trabahong walang kinalaman sa trabaho ko, ay ang aking pagpapaayos ng kwarto.. aaminin ko na medyo nasaktan at dinibdib ko ang komento ng isa kong idol nung nakaraan.. kaya’t kahit ilang gabi ko rin pinagpuyatan at di tinulugan ang pagreresearch kung ano ang dapat kong gawin sa kwarto ko imbes na sunugin ko sya…

gusto ko talaga ang blue skies.. nung akoy nagpunta sa macau at nakapasok sa isang hotel.. napatingala ako at natuwa sa blue skies motif/theme ng hotel.. para kang nasa outdoor…pero ang totoo nyan ay nasa loob ka parin ng hotel. gandang ganda ako at narerelax ako sa design na yon..

pinlano kong yan ang ipapintura sa magiging regressed ceiling ng kwarto ko.. pero wagka.. sangkatutak na kontra ang inabot ko… kesyo baduy daw, etc etc… kumbaga, pakiramdam ko ay para akong si GMA na pilit pinagreresign..

gayunpaman, di naman ako mahirap kausap.. nag resign din ako.. nag research muli… at natuwa naman ako sa plaplanuhin kong heavenly skies version 2.

imbes na blue skies ang ceiling ko, naisipang kong gawin nalang night skies.. at sana ganito ang ikalabasan nya…

pasensya nalang.. kaya rin ako di masyadong maka post… at dun sa mga nagtataka.. wala itong kinalaman sa pink na paborito kong kula.. fyi… paborito ko ang pink ngayon.. lalo na sa mga dalaga..

favorite color…

Posted in kung ano ano lang... with tags on Setyembre 15, 2008 by defpotec

dahil nag busybusyhan ako last week… may narealize ako…

magmula ngayon.. pink is my favorite color… no less..

bahala na kayo kung anong anong papasok sa isip nyo

barako…

Posted in kung ano ano lang... with tags on Setyembre 9, 2008 by defpotec

pagpaumanhin.. may tinatapos lang… babalik rin agad agad.

nagmamahal…

def..