bat di mawala ang gyera sa mindanao?

welcome back sa akin.. sa mga nakamiss sa akin…salamat… sa mga naghanap sa akin… andito na ako muli… sa mga nakaisip sa akin… pekyu.. dahil masakit pa dila ko.. at sa mga umabang sa aking pagbabalik dahil lang sa pasalubong… magbasa kayo….

kahapon sa opisina, ay nakatanggap ako ng isang tawag sa isang karakter na kataka taka… baka abutin pa ako ng 300 pahina kung ito’y iisa isahin kong ikuwento.. kaya kayo nalang ang mag re-enact sa inyong mga kukute kung ano ang nangyari…

CALLER: good morning, may i speak to Mr. Rick D. Ashowle?

Prick D. Ashowle: sino to?

CALLER: ahhh si Rick na ba to?

PDA: its Prick… who’s this?

CALLER: ahhh Prick.. oo good morning, ako si GENERAL blah blah Alindog .. taga AFP ako.. kasi may project ang AFP ek ek.. regarding ganito ganyan… e naisip ko lang, baka pwedeng humingi ng support Prick, hihingi sana ako ng tulong sayo..??

PDA: (wow…first name basis agad.. nagpapakaclose?).. ah general..anong project ba yan? at anong klaseng tulong ang kelangan nyo? (translation: get to the point buttface!)

GEN ng AFP: ahh kasi may mga ticket kami.. baka pwedeng mag allot ako sa iyo ng 4… tulong mo narin… in return padadalhan kita ng business card ko at baka makatulong yan sayo…

PDA: (WTF LIGAF BBQ!!) 4? teka general, ano ba yan project project na yan.. pwede bang email mo nalang sa akin?

GEN ng AFP:  ahhh kasi sira ang computer namin (baka para dun ang project) pwedeng fax nalang Prick? ahhh ok naman tong project na to.. may mga advertisment at sponsor.. pwede mong ilagay ang name mo..

PDA: ah ganun ba general? e kasi wala naman akong ilalagay sa sponsors page.. kung gusto mo i refer kita sa Public Relations Department… alam ko sila nakikipag deal sa mga ganyang sponsorship.. di ko kasi hawak yan ..

GEN ng AFP: eh Prick.. parang personal na tulong mo na rin.. kahit walang sponsorship… baka pwedeng personal mo nalang.. supporta sa AFP..

PDA: naku general… patawag nalang sa PR namin.. mas makakatulong yan sa inyo… (TRANSLATION: ASA KA PA NA MAGOGOGOYO MO AKO)

GEN ng AFP: ah ganun ba, o sige tawagan ko nalang ang PR nyo.. <click!>

PDA: fuch you very much general, your welcome narin!

DEAR GENERAL: eto lang masasabi ko.. kung totoong General ka man, kung mas inaasikaso mo nalang ang giyera sa mindanao at milf, e di sana mas nakakatulong ka pa sa bansa natin.. yung modus operandi mo na magbenta ng ticket ticket na yan, ay nagawa na yan ng bumbero, pulis, baranggay at iba pa.. kumita na yan (altho di sa akin at never sa akin). di ka na nahiya na umabot ka ng general, tapos ang tanging gagawin mo lang ay manglimos at magbenta ng ticket, sana di ka nalang naging general ng AFP.. at habang naghihirap ang mga bata mo sa mindanao, dito ka nag sasales blitz sa telepono para makabenta ng retirement fund mo..isa kang kahihiyan sa AFP…gamitin mo naman ang intelligence ng military hindi sa pang background check ng mga tahimik na tao, kungdi sa mga terorista… at andito narin tayo usapang intelligence.. sana naman gamitin mo ang konting intelligence sa sarili mo ng makadagdag sayo..  general ka pa man din.. mahiya ka naman..

ngayon, kung ikaw ay di naman totoong general ng AFP… eto lang masasabi ko.. tigil tigilan mo na ang pag gamit ng pangalan ng ating hukbong sandatahan para mang swindle ng pera sa mamamamayan..  mamamayan lang ako.. hindi ako mayayaman.. magkaiba ang dalawa… mahiya ka rin at sinisira mo ang pangalan ng AFP.. habang isinalay nila ang buhay nila at ipinagtatangol ang mga kebigan kong nasa mindanao..ay siya namang ikinaliligalig mo at ginagamit ang pangalan nila sa iyong pambili ng luho..

general, kung sino ka man, maaksidente ka sana at ang lahat na naiswindle mo sa mga natakot mo at napabili mo ng ticket na yan ay mapunta sa pagpapagamot mo at pagpapatahi ng kung ano man ang naputol sa iyo dahil sa aksidente na yan.. general, di ka kelangan ng pilipinas.. maitapon ka sana sa mindanao, at dun, marahil subukan mo bentahan ng ticket ang MILF at tingnan natin kung hindi bala ng m-16 ang ipambayad sayo.. or deposit man lang..

PS. at isa pa.. ITS MR. PRICK D. ASHOWLE! and not Prick.. di tayo close para i-first name basis mo ako.. at mas lalo tayong di close para humingi ka sa akin ng pera… kung ang mga ka close ko nga… katakot takot na iyak bago mabahagian ng PASALUBONG… ikaw pa?

EXTORT THE FART IN MY ASS…SCUM!

Advertisements

4 Tugon to “bat di mawala ang gyera sa mindanao?”

  1. “…in return padadalhan kita ng business card ko at baka makatulong yan sayo….”

    langya! kelan pa naging makapangyarihan ang business card? pwede na bang ipambayad ang business card sa mga restaurant o shopping mall?

    tsk! big time ni Prick ha, heneral na ang kumukutong.

  2. wow… ayos na ayos ah. hahaha! lufet naman nung tumawag na yun… nyahahaha!

  3. ayon sa aking nakalap na intelihensya, malaking bagay ang isang calling card ng mataas na tao sa mga ganitong sitwasyon:
    1. pwedeng gawing panakot sa umaarestong pulis.
    2. hindi ka matitiketan ng mmda traffic aide (trust me on this).
    3. pwedeng gawing gate pass upang makaiwas sa mahabang pila.
    at marami pang iba…
    yun nga lang, dapat sa mataas na tao talaga yun para huwag punitin at isampal sa mukha ang calling card. lols!

  4. iba talaga dating kapag general ano, hmpf – baka si general cleaning lang yan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: