Imbak para sa Hulyo, 2008

the ultimate form of flattery…..

Posted in badbreath, kung ano ano lang... with tags , , , on Hulyo 31, 2008 by defpotec

i heard it was good…

it’s worth it…..

you better go watch it…

palakpakan…..

this week…

Posted in kung ano ano lang... with tags on Hulyo 30, 2008 by defpotec

abangan…..

kumusta naman si pareng fries?

Posted in kung ano ano lang..., mythbastard, the road to perdition with tags on Hulyo 29, 2008 by defpotec

dun sa mga nag aabang kung ano na ang nangyari sa french fries ng mcdo na pinost ko noon dito? at ang follow up na nangyari sa kanya dito….

eto na sya ngayon… kumustahin natin sya…

JULY 29, 2008:

sa ngayon ay medyo parang nagkaroon ng konting pagsesebo.. ibig sabihin kaya ay nagumpisa na ang kanyang decomposing process.. pero kung iisipin mo.. ika 2 buwan na nya to.. bat di parin sya inaamag?

so kahit anong pilit ko.. di ko maipakita ang quality ng fries dito sa pic.. so mas mabuti pang iabante sya at i close up..

at sa wakas.. nakuha ko rin ang close up shots nya.. kitang kita nyo naman.. wala man lang ka ebidensya ng pagbubulok at pagkakaroon ng amag.. kakaiba!!

sa susunod na di nyo uubusin ang fries nyo sa mcdo.. tandaan.. itapon sya ng maayos sa “DI NABUBULOK” na basurahan… kasama nya ang barkada nyang si styrofoam, styropore, at si plastic bag..

di pa tapos ang experimento…. abangan pa…

a public service announcement…

Posted in kung ano ano lang..., the road to perdition with tags on Hulyo 28, 2008 by defpotec

ewan ko lang ha.. pero ito ata ang balak ng ating gobyerno na ilagay sa packaging ng mga sigarilyo para bumaba ang bilang ng mga namamatay dahil sa pag yosi

ayus diba!! LALAmunan palang.. ulam na..

pero alam nyo ba.. na hindi na yan ang nangungunang dahilan ng ikinamamatay ng tao?

ang totoo nyan ay.. ang obesity ay ang leading number 1 na pamatay tao sa mundo ngayon…

heart failure, stroke, multiple organ malfunction, kidney failure at iba pa.. dun daw nakukuha yan sa obesity e.. kumbaga.. dahil sa katakawan ng tao at sa fats.. ito na ang nangungunang dahilan kaya namamatay tayo..

so to be fair.. dapat rin naman siguro lagyan ng mga warnings ang mga pagkain na mataas ang cholesterol at fat content diba? so ibig sabihin goodbye mcdo, jollibee at junk foods na?

naiimagine ko lang…pano ang itsura ng pagkain pag may disclaimer na to?

ex. nasa labels ng fast food

1. WARNING..TOO MUCH BURGERS MAY CAUSE THIS:

2.  WARNING: OBESITY CAN LEAD TO DEATH.. AND IF THATS OK, WAIT TILL YOU BODY BECOMES LIKE THIS..

at kung di parin kayo naapektuhan sa mga warnings na yan.. at peborit nyo parin ang jabi. . tulad ko… eto kaya gaganahan ka pa?

.. WARNING!!! MAY CAUSE THIS!!

ewan ko lang ha.. pero sa totoo lang.. sana fair ang gobyerno… kung lalagyan nila lahat ng warning labels ang lahat ng nakakasama at nakamamatay.. sana wag nilang i limit sa iisang sector.. lahatin nila..

gayahin nila to… lahat nalang nilalagyan ng label…

dear officemate…

Posted in kung ano ano lang... with tags on Hulyo 18, 2008 by defpotec

tahimik ang buhay ko…. dami ko ng trabaho… andyan pa yung masyadong sensitive na alaga kong pet… at etc etc…

pero ang ganda mo.. sa araw araw na ginawa ng Diyos… para kang isang bulaklak na nag blobloom.. nung una ay di pa kita masyado napapansin, at sabi ko sa kasama ko sa opisina ay di ka naman ganun kaganda…

pero nag iba ka na ngayon… kitang kita ko….

mga mata mo ay parang gustong gusto mo akong imbitahin at magkulong tayo sa isang maliit na cubicle ng 10minutes…

lalong tumatagal.. lalo mong nagiging hawig si Christine Hermosa nung sariwa pa sya..

para kang nagdadalaga…

ang bango mo siguro..

ang tamis mo siguro…

lahat ng bundok… aakyatin ko..

dagat ay lalanguyin ko…

butas ng karayom… pipilitin kong palakihin para magkasya ako..

mapasaakin ka lang..

mahal na kita..

pero please.. next time… wag mo naman ipakita ang kuleksyon ng tatay mo… nakaka turn off  e..

unti unting napupundi…

Posted in broadband only, kung ano ano lang... with tags on Hulyo 16, 2008 by defpotec

dahil panibagong assignment na naman ako… at ito’y dagdag… panibagong adjustment na naman ang gagawin ko… minsan sa katapusan ng araw.. pagod na ang utak ko.. pero gusto ko pa mag exercise.. pero iba ang mental drain…. minsan physical drain is better…

isabay pa ang pagloko ng email server sa opisina…

isabay pa ang walang katapusang mating..

at isabay ang ulan ni helen… (pero gusto ko sya, malamig kasi)

kaya ganito ang pakiramdam ko ngayon… sana ganito kadali ang kasagutan…

sa wakas…

Posted in kung ano ano lang... with tags on Hulyo 15, 2008 by defpotec

bata pa ako.. ay pangarap ko na magkaroon ng isang importanteng trabaho.. yung fulfilling.. yung di nakakabato.. yung nagkakaroon ng madaming ka interact araw araw… araw araw pinagdadasal ko.. na sana makamit ko ang ambisyon ko..

nag aral ako ng kolehiyo.. nagsumikap.. salamat itay at inay.. at di nyo ako pinabayaan…

matagal ko nang hinihintay to.. matagal ko nang hinihintay na marating ko ang posisyong ito.. matagal na matagal na…

nais kong makatulong… san man ako mapunta, gusto ko may bitbit akong bakal.. yung kaya kong pahintuin ang mga sasakyan at patawirin ang mga matatandang babae at bata…kasama na dun ang magagandang dalaga syempre..

gusto ko yung kapag may masasamang elemento sa syudad.. sa akin nakasasalay ang pagtanggol sa mamamayan….

kung may holdapan, sa akin sila hihingi ng tulong…

kapag may alert level, sa akin sila makakakuha ng peace of mind…

sinubukan kong pumasok sa PMA… pero malayo ito sa bahay namin..

natatandaan ko noong 2004 pa.. holloween party.. sa sobrang gusto ko makuha ang trabahong ito, yan ang ginamit kong character sa holloween….

pinilit kong di magkaroon ng tiyan…. para di nila isipin na lahat ng tulad ko ay malaki ang tyan.. gusto ko maging role model…

ngayon, isa na akong kagalang galang… madami na rin ang aasa sa akin.. di na ako ikakahiya ng magulang ko.. natupad din ang pangarap ko….

kaninang umaga, ay eto ang nakuha kong memo galing sa opisina ni bill…

ISA NA AKONG SIKYU!!! WIIIIHEEEEE!!!!!! BURGER BURGER!!!

PS. at sa mga ayaw maniwalang yan ang holloween costume ko…

at eto pa

yes.. isa na akong JAGUAR!!!!….

GUARJA…GUARJA…GUARJA…