ran ran ran…

natataandaan nyo pa ba ang paikot ikot na asaran na kumakalat sa dito sa tagalog wordpress? kung hindi, eto ang gist in a gist.

1. Tumaba ako…

2. nagdieta..

3. may nagsabi sa akin na di na daw ako papayat..

4. nagbitaw sya ng isang kakaibang side comment na may gagawin sya pag pumayat ako….

5. kinagat ko ang dare nya…

6. ang problema sa kanya, di nya ako binigyan ng timeframe, kumbaga.. open ended ang dare.. so kung sakaling magka cancer ako at pumayat ng parang isang malnourished na ethiopian, bago man ako mamatay sana may isa syang salita.

7. ngayon,, kayo na ang humusga kung kelangan na ba syang patakbuhin…

di naman sa nagmamayabang, pero syempre kung nakita nyo ang katawan ko dati (circa 2004), at kung paano ako lumobo, kahit naman kayo matatawa at di kayo matatakot na ipusta ang kaluluwa nyo sa demonyo dahil sa totoo lang, parang mission impossible na mangyari na sumeksi ako muli…

tabain talaga ako, ang waisline ko noong 8 years old ako (38in), ay mas malaki pa sa waistline ko ngayon..kamakailan, nakita ko ang mga pants ko nung bata pa ako, nagtrip at sinubukan kong sukatin.. aba, nagkasya, yung nga lang, medyo naging parang exag na michael jackson ako sa bitin ang pants, at medyo hindi ata kasya sa legs ko… nundaless, may idea na kayo na candidate ako for obesity…

kahapon habang nagsisipilyo sa bahay ay may nakita akong kakaibang hugis na ikinatuwa ko… at walang kinalaman yun sa malababaeng boobs na meron ako.. actually medyo halfway parin ako sa goal ko,.. ang target ko ay 190. kasalukuyang nasa 205lbs ako ngayon, nag umpisa yan sa 220lbs.

dito nyo mamomonitor kung ano ang pangyayari na nangyari (labo) sa akin… kung san ako nag umpisa, kung san ako papunta…

sa ngayon, sa inyo ko na ipapaubaya kung kelangan na nga ba nya tumakbo.. ang boses ng mamamayan ang masusunod, hindi ako.. ang boto nyo ang pakikinggan, at hindi akin….paki comment nalang kung kelangan na bang ihanda ni moo ang kanyang sneakers at tatakbo na sya sa baywalk ng hubad, ayon sa pramis nya… kung sakaling mas lamang ang boto na wag pa muna syang tumakbo, then pagbubutihan ko lalo ang pag ensayo hanngang sa umabot ako ng 190lbs, at magpapapa poll ako muli… ayaw ko na syang kulitin at asarin, dahil baka bumuhos na naman ang luha nya sa inis… kayo nalang nag mag kumbinse na talo na sya sa aming pustahan, dahil sa tingin ko, kahit sing payat ko na si palito, ay hinding hindi aamin ang talunang ito na sya ay natalo..

let the mob rule!! your vote/comments count!

**PS. ang mga puti puti sa salamin ay hindi yung puti puting malalagkit na nasa isip nyo..

Advertisements

21 Tugon to “ran ran ran…”

  1. koreanmine Says:

    ahh sayang, sinira mo imahinasyon ko sa puti puti na yan! Lols 😆

    ahhmm, pde bang samantalahin ang pagtakbo na yan habang nasa maynila ang tatakbo? LOls 😆

  2. ang boto ko… RAN FORREST RAN!!!! ….. naeexcite na ako… eka may forest nga ba o kalbo ito gaya nung ke mine?

  3. hehehehe!!!!

    pwede …… 🙂

  4. Patakbuhin na!! 🙂

  5. sabay na lang kayo takbo! ahahaha!

  6. walang duda, dalawa lang yan.. may babaeng tatakbo ng hubo o may babaeng hahaba ang ilong..

    ps
    natutuwa naman ako sa kamay mong nakababa (kanan) parang nag aano.
    .. naisip ko lang naman.

  7. linglingbells Says:

    pwede na.. 😀

  8. hmmnn… palagay ko konting papayat pa… although, mejo beefy na ang arms… hehehe… humihinga ka ba nyan?

  9. @mine: grabe ka.. sobra ka na… yaan mo, padalhan kita.. galing sa aso ko…

    @slevo: hmmmm kalbo ba kay mine?confirmed?

    @chaden; menggay; ging; kiko: salamas sa pagboto… pwede pa pala kayo uling bumoto… walang limit!

    @jon: kasalungat kayo ng pinagpapantasyahan ng tatakbo…gusto nya yung kaliwang kamay ko, ang tataba daw ng mga daliri.. tsk tsk

    @linglingbells: sama ka?

    @antuken: alam mo feel na feel ko ang kilig ng comment mo… grabe, para akong corned beef sa pagka describe mo ng arms.. atsaka muka bang blue ang muka ko para di huminga? nakita mo tyan ko? may donut monay pa diba? so kakampi ka na muna kay maru?.. gabi na a.. di ka pa ba inaantok?

  10. @mine: grabe ka.. sobra ka na… yaan mo, padalhan kita.. galing sa aso ko…

    @slevo: hmmmm kalbo ba kay mine?confirmed?

    @chaden; menggay; ging; kiko: salamas sa pagboto… pwede pa pala kayo uling bumoto… walang limit!

    @jon: kasalungat kayo ng pinagpapantasyahan ng tatakbo…gusto nya yung kaliwang kamay ko, ang tataba daw ng mga daliri.. tsk tsk

    @linglingbells: sama ka?

    @antuken: alam mo feel na feel ko ang kilig ng comment mo… grabe, para akong corned beef sa pagka describe mo ng arms.. atsaka muka bang blue ang muka ko para di huminga? nakita mo tyan ko? may donut monay pa diba? so kakampi ka na muna kay maru?.. gabi na a.. di ka pa ba inaantok?

  11. koreanmine Says:

    honga! agaw eksena pala ang midol finger! ang taba at ang haba!

    di ko agad napansin,hays, akoy sadyang walang muwang 😳

  12. wow, macho fafa… may kukuha ba ng video habang natakbo si ms maru para naman masaksihan namin, hehe.

  13. naknamfefe! natuto lang mag photoshop eh nagmayabang naaa!!! hahaha! yan ba yung pinagpuyatan mo nung isang gabi? dami mo nagoyo a. sakay na sakay sila sa pic mo na yan.

    imperness, laki na ng improvement ng skill mo to photoshop pics. hindi halatang may dagdag-bawas ang pic mo.

    eh kung i-post ko kaya dito yung orig na kuha mo jan? watdoyutink?

    wala probs sa akin ang NAKED RUN ko. kaso sana yung walang dayaan!

  14. nga pala, naka-insure ba yang middle finger mo? balak ko sana kumuha ng insurance plan para jan. kelangan mapangalagaan yan, jan ka lang babawi eh.

  15. @moo: tsk tsk tsk.. humahaba ang ilong mo.. tama si jon cabron…

    @all: patay na tayo.. nag in denial na.. yaan nyo.. kung umiwas parin to sa takbo, mas kumbinsing ang ilalagay ko.. video.. tena, tingnan natin kung ma accuse pa ng putashat….

  16. alin ang mas mahaba at mataba yung ilong ni maru o daliri ni def? mas mataba ke mine pramis…

  17. hahaha. hindi pa naman ako inaantok kahapon nung nag-comment ako. galing ako sa tulog nun…

    kaya kita natanong kung humihinga ka, yung itsura kse ng tiyan mo ganyan din itsura ng tiyan ko kapag di humihinga… hahaha… mukhang mapapasubo talaga si sexy ah… 😉

  18. nyahahahaha!!!
    wala lang. nakakatuwa. hahaha.
    nakikisawsaw lang ako. hohoho :3

  19. […] ngayon.. at ewan ko lang pero pakiramdam ko tinataguan ako at baka sakaling ipaalala ko sa kanya ang pagkatalo nya at mapabili pa sya ng running shoes ng wala sa panahon… di lang nya alam na matagal ko na […]

  20. […] naalala ko tuloy yung mga panahon na may nakipagpustahan sa akin na kapag ako pumayat ay tatakbo sya…… ano na ang nangyari dun? wala.. wala dahil walang isang salita ang talunan.. hanggang ngayon ay pilit parin nyang pinipilit na di ako pumayat at di ako nanalo, ngunit kayong mga mambabasa na ang naging husgado at huwes… at sa inyong mga komento, siya naman ang talo diba? […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: