mah – sa – gee…

sa mga nag alala at nakaalala sa akin nung akoy nawawala… salamat at mahal din kita…

galing ako sa outside assignment last weekend.. kinelangan kong umalalay at magpa alilang muli sa aking pinakamamahal na boss, kasama ang kanyang first family at friends na tansta ko ay nasa bilang na 140pax.. imagine mo lahat yun ay bossing mo, kelangan pagsilbihan at alalayan, tulungan, makipagngitian at etc… ok naman, dahil masarap ang ganung trabaho.. pero ang sumira dun ay yung dalawang asawa ng VIP guests ni bossing na kung umasta ay akala mo kung sino silang mga sosyal na may pera at mga prima donna sa mga lahat na madonna…

pero yaan na natin sila at matanda na sila.. di naman aabot ng ilang taon ay kukunin narin sila ni Lord, kaya ipapapabahala ko nalang sila sa Kanya.. amen…

san nga ba ako napunta?.. dun sa binabansagang “asia’s sin city”, or “asia’s las vegas”…. so bago kami lumipat nung may 1, ay minabuti kong tumawag sa isang kredible na friend ko:

def: pare, anong activities dun?

friend: hmm.. panay casino, sugal, etc…

def: e di naman ako nagsusugal e, ano pa??

friend: hmmmm.. babae… i mean, parang legal ang prostitution dun, sobrang sexy, iba iba ang races, hot and cold bj..etc…

def: e di naman ako nagbabayad para maka score e… ano pa?

friend: wala.. ganun lang…

def: e ano na gagawin ko? di naman ako nagsusugal, di rin ako nagbabayad sa seks…?

friend: pakamatay ka nalang…

napaisip isip ako …. onga naman, when in rome, do as the romans do..pero mukang di ko talaga kaya e, around 6k daw ang rate ng chukchakan dun kung iconvert mo sa peso.. parang….. parang.. gusto ko nalang hawakan sa kaliwang kamay ang 6k at magpakaraos sa kanang kamay, pagkataos ng malagkit na sandali, at least hawak ko pa ang 6k…(may pambili pa ako ng shoepatos na nike)..

maiba tayo.. grabe ang ganda ng tinirahan namin.. as in.. ngayon lang ako na starstruck sa isang lugar.. at sa mga nakakakilala sa akin, kilala nila akong bihira ma starstruck… grabe…. imagine nyo nalang, parang isang tatlong mall of asia ang lugar na tinirahan namin.. nahilo hilo ako.. 4 ang lobby ng hotel… sagana sa casino (na wala naman kwenta dahil di ako nagsusugal).. sagana sa shopping (na wala din kwenta dahil ala akong pera)… at sagana sa bebot…

daming OFW (legal) dun, mga sikyu, staff, servers, salesladies… kaya naman kahit mawala wala ako sa loob ng hotel, ay ok lang.. ituturo ka nila sa tamang landas..

isang gabi, habang naglalakad ako sa casino floor, may lumapit na isang zhang zi yi lookalike:

zzy: ma sa ji…

def:?? (napatingin at natulala sa ganda at kinis)

zzy: ma sa ji…

def: (naglakad ng mabilis paalis)

sa totoo lang, natakot ako, di ko alam kung inaalok ako ng kontrabandong gamot, o ano..biglang nag flashback sa aking isipan ang paalala ng aking nanay…. “kung di mo alam ang inaalok sayowag mong tanggapin”….

dali dali akong naghanap ng pinoy na jaguar…

def: guard guard, may babae inaalok ata ko ng bagong drugs!!??

guardia: bakit ser? ano sabi?

def: ma – sa -ji daw e…

guard: (natatawa) ah sir, ok lang po yan.. inaalok kayo ng massage.. e di kasi nila kayang bigkasin yun kaya “ma sa ji” nalang ang pagkabigkas nila…

def: ah ganun ba!!?? (PAKSHET!! BIHIRA SA BUHAY NG ISANG TAO ANG MA ALOK NG MA SA JI NG ISANG ZHANG ZIYI!!)

dali dali kong binalikan at hinanap si zhang zi yi.. kaya lang.. yun na nga.. the moment has passed.. wala na si zhang, malang may iba na syang mina ma sa ji.. at ako.. naisip ko na ngang magpakamatay nalang tulad na sabi ng aking reliable friend….

itutuloy…..

Advertisements

10 Tugon to “mah – sa – gee…”

  1. koreanmine Says:

    at empre, dahil npka walang wenta mo talaga ka txt , imbes na sabihin mo na lang kung alin yung sin city of asia dahil alam mong wala akong dsl para i search eh di mo talaga sasabihin di ba??

    at wish ko lang nagising ka sana at naistorbo sa tulog ng txt ko na sayo ang tamang sagot ng madaling araw !!!! 😛 Lols

    di na ako nagigising sa toot toot ng telepono, sa toot toot nalang ako ng tao nagigising kung malakas ang ungol at maingay ang alindog ng kama…. ay onga pala.. nagigising din ako sa mga calls….

  2. linglingbells Says:

    massage naman pala hindi drugs ang inaalok.. sayang yun ah.. hehe!


    onga e, kaya next time, kung may lumapit sayo at alukin ka ng massage, sana wag mong tanggihan ang sayang…

    (miss miss… ma – sa – jee?? )

  3. […] ko sana sabihin na kc nagbakasyon ako sa HK o kaya sa disneyland o kaya sa sin city of asia or pde din dahil sa nag around d world ako, kaso ang tutut nyan eh naputulan lang ako ng DSL ! […]

  4. ahahahaha asust… 🙂

  5. wow, first family… pulitiko ba yan? ahehe

  6. @foo: hinde, kasi may second, third, fourth et al family e… the more the manyer ang motto

  7. pareng def, baka may ka-partner siyang look-alike naman ni Gong Li! di mo hinintay? 🙂

  8. @taroogs: preng toogs, wala e, panay Hung Hang lang yung mga natira…

  9. wow, sana man lang nagpost ka ng pic ng hotel na nakapagpa-starstruck sa yo.

    sayang naman yung massage… when we were there dati, yun ang na-enjoy ko. sobra. tipong makakatulog ka sa sarap.

  10. waaaah bakit di mo ko sinama? para ako na lang yung nag ma sa ji sayo lols

    xiao!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: