karnabal…

bat ang hilig natin sa sideshow/freakshow…

natatandaan nyo pa ba ang paborito nyong attraction sa karnabal? hindi yung dunk the bading ha… kungdi ang mga freak show na kilala nating:

1. zumatutal- ang taong ahas, na anak sa labas ni zuma

2. si inchikenyo- ang taong kumakain ng buhay na manok

3. bentong – ang taong 3 ang paa

5. exnumerika – ang babaeng di marunong magbilang..

o diba nakakamiss. pero eto ang nakakatawa…

kahapon ay nakatanggap ako ng concerned email from efren.. isa sya sa mga nakakasaksi ng araw araw kong pagpapapawis para lang maka experience for once ang mga bloggers ng isang kakaibang sideshow.. naiisip ko narin angΒ  magiging impak at ikababagsak ng ekonomiya at panibagong krisis malaking kaguluhan na maidudulot nito.. dahil may tatakbo na sa baywalk ng hubot hubad…

di naman ako isang taong walang puso, kaya kabilang sa jogging ko ng every T-TH- S sa baywalk, ay minabuti ko naring i scout ang tatakbuhan ng talunan kong kapustahan….

3 kilometro ang haba ng PICC papuntang LUNETA… at sa haba ng 3 kilometrong yon, ay may 2 CR, 1 swimmingan sa manila bay malapit sa US embassy, di mabilang ng nagbebenta ng buko, c2, prutas, atbp, 3 parking lot, 4 na stoplight, at sandamukal na early risers/joggers/bikers/ at kaunting overnighters na may hangover pa, at saksakan ng dami ng taong nakapila para kumuha ng US BISA… so kung medyo mabilis bilis kang tumakbo, ang 3 kilometro na yon ay matatakbo mo in 30mins….goodlak

mabalik tayo sa email ni concerned efren:

ito ang bumulaga sa akin na muntik ko nang ikamatay ng sakit sa puso:


good pm’
may bibigay pala ko sayo para dagdag inspirasyon sa pagpapayat mo.
sana makatulong
heheh

at nakikita ko ang sarili ko na kabilang sa main attraction sa karnabal kung sakaling di ako pumayat….

5: def – ang taong walang leeg!!!

PERYA!!! PERYA!!!!

PS. 2005 or 2006 pa kinuha ang litratong ito Christmas time, andaming kainan nun, atsaka at least maganda ang camera ko…

Advertisements

17 Tugon to “karnabal…”

  1. linglingbells Says:

    ganda nga ng cam mo.. πŸ˜€

  2. koreanmine Says:

    ganda ng…braso! Lols

    planado na ang naked run :-s

  3. wow, macho fafa… sino kaya mananalo talaga sa laban na ito? hmmm…

  4. ang daming burbur! tsalap! take note: laki ng mga daliri. hmmm… wahaha! πŸ˜†

    braso pa lang – hita ko na. hays…

  5. maraming salamat, parang pumayat ng bahagya ang tingin ko sa sarili ko ngayon.

    ps
    ang ganda ng mga balahibo mo sa kamay.. nakakakiliti siguro yan.
    at sinasabi ko yan hindi sa baklang pamamaraan’

  6. wow ang puti mo saka ang lambot lambot mong tingnan hehehe

    xiao!

  7. @all:salamat sa inyong lahat… pero sana pag nakita nyo na ang ROCK HARD version ko.. wag sana kayong humanga… at take note, hindi VIAGRA or CIALIS ang iniinom kong gamot..

    LECHE!!

  8. errmm… ang laki nga.. ng braso! sarap kurutin at kagatin! sarap din i-wax ang mga buhok sa braso lols..

  9. at kelan naman namin makikita yang sinasabi mong ROCK HARD version mo ha?? bakit ba kasi ang cute cute mo parang kang tisoy na bear wahahah labyu na tuloy hmp!!

    xiao!

  10. […] na lagyan ng malisya ang post na itetch dahil labs ko talaga ang efren ko na […]

  11. Sana makita ko din ikaw pag payat ka na… ang tagal naman… hehehe

  12. wow bartday mo talaga?? hahah API BARTDAY!!!

    xiao!

  13. ganda nga poh ng cam niyo… nakakawala ng leeggg. san mo nabili??

  14. mukhang ang cute cute mo! hehehe

    @sexy maru – nice punch line ah. hehehe. pano na nga pag pumayat etong si def? hala!

  15. naku def, unti unti mo na bang inilalabas ang iyong pagka macho πŸ˜€ tama si brath, mas cute ka ngayon; pero kung may formula na magpapayat, sabihin mo sa akin na, ang naming naki-kabit na bilbil nung asa pinas ako e, hahha

  16. @all: ampft naman lahat… di ko alam kung sarkastiko kayo o ano….

    @brath: salamas hon sa pagbate mo sa berdei

    @antuken: abangan mo… malapit na syang tumakbo…

    @ kengkay: nasaniban ka na ata ng Hitlerism… swastikang sarkastika ka na rin… ang formula ng pagpapapayat… hmmmmm….. yaan mo, pag nalaman ko… sabihin ko agad sayo….

  17. papaview ka na ba nyan pag payat na? πŸ˜€

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: