meal for da day… day 2

ewan ko kung alin ang mas mauuna.. kung mas mauuna bang tamarin ako mag blog ng pagkain araw araw, or tamarin akong kumain ng sb diet araw araw..pagpasensyahan ang mga tawag ko sa mga pagkain.. ito ay dinedescribe ko lang as i see it..

BREAKFAST: time of meal 9:35am

tofu salad na mukang tuna spread – rating 3/5

mukang ok, smells ok, lasang tofu.. para sa tokwa lovers ma eenjoy nyo sya.. para sa mahihilig sa taho… pasado to as morning meal….at kung kayo ay utak taho, di nyo mapapansin na gawa sya sa taho.. shucks… nafefeel ko na ang pagpayat ko… pagpayat ng wallet ko.. habang kinakain ko ito ay tumatakbo sa isip ko kung magkano ang dapat i budget dito kada linggo… so far, 4k na ang aking inilabas… pag 5k/week sya.. = 20k per month.. tana!! para akong kumain ng halos 800 pesos a day..!! baka di ako tumagal…mag concede na kaya ako kay moo?? URUR!! ASA KA PA!!! KALA MO HA!!! NEVVVVVVVVVVVVVVVVVVER!!!!

mid morning snack: (taken 2:00pm)

grilled chicken breast in cabbage wrap – rating 4/5 stars

natuwa ako sa grilled chicken kasi kahit na breast part sya…. malaman sya at malasa… di pa masyadong tuyo…siguro babaeng manok ang ginamit dito kaya ganun ang lasa.. i mean… malinamnam naman talaga e… im beginning to enjoy the benefits of this diet.. san ka makakakitang papayat ka kahit di ka gutom.. yummy to.. cant wait for the lunch…

lunch: (taken 530pm)

fish and ensaladang tomato in lime juice – rating 5/5stars!! SUPERB!!!

mama mia!! panalong panalo ang fish na to.. malamang dahil una, di sya malansa.. pangalawa… sagana sya sa lasa… hayuf to the max…. yes yes yehey… panalo ang lime juice.. kulang na lang tequila at party na… sa totoo lang, dito lang ako nageenjoy sa diet na to…parang araw araw gourmet food ang kinakain ko… sulit sya sa totoo lang…kahit araw arawin ko na ito ang lunch ko… kakainin at kakainin ko to… this dish deserves a PEKP…. PERPEK SCORE!!

mid afternoon snack: (finished 540pm)

tomato and mozarella cheese in viniagrette salad – 4/5 stars

kung namatay sana ako at heaven to, ayaw ko nang mabuhay… shucks… sarap ng pahabol.. at dahil medyo small ang serving ng lunch ko, ay nagpaalam ako sa dietician ko kung pwede isunod ang snack sa lunch… ok naman daw so ayan… patok sa takilya.. sana di magbackfire at tumaba ako lalo dahil medyo oily yung vinegar dressing nya.. (olive oil naman daw)… gusto ko na sana tirahin yung dinner .. kaya lang mas mabuti nang maghintay mamaya after basketball….. abangan!!

dinner: (taken around 1:4pm the next day)

baked twin chicken breast in cheese and asian spice – 4/5 stars

pag uwi ko galing basketball kagabi ay di na ako nagutom, sa halip ay nagpahinga na ako at natulog, kaya the following morning ko na sya kinain around 1:45 kasabay ng day 3 ng sb diet ko na di ko pa nagagawan ng entry dahil sa dami ng trabaho.. malasa ang manok kahit white meat sya, pero di nya nakuha ang perpek score dahil medyo tuyo sya at di kasing juicy ng jollibee na 5/5 ang crispiness at yummyness.. pero overall, sarap narin kasi healthy na nga papasexihin ka pa..

ayan.. tinamatamad na ako gumawa ng description.. basta ill update this as i eat….. para real time.. come back nalang every now and then….

Advertisements

13 Tugon to “meal for da day… day 2”

  1. hanep, pareng def, buti ka pa pursigido mag-diet. disiplinado. ako, walang motivation sa ngayon eh… haaay. sarap ng mga ulam na yan a… nagutom ako bigla πŸ™‚

  2. sows! bulsa lang ang papayat diyan at mas lalong liliit lang ang …wag na nga lang at baka matuktukan ako. bwahaha!

  3. @taroogs: di naman pursigido.. experi mental lang… sana di tamarin yung chef ko…

    @moo: kung ako sayo, dapat nakaka 200m ka na sa jogging… lalalala….

  4. koreanmine Says:

    20k/mo. :O def, madami nagugutom sa pinas! waaaa :((

    πŸ˜€ don’t mind me, inggit lang talaga ako, malamang magbigti ako pag mas gumaan k pa kesa sakin!! huwaaaaaa

  5. expensive talaga ang SB diet def. yung friend ko na nag-SB instead of getting it sa le souffle, she made her own meals, yun nga lang no carbs talaga (sobrang laki ng ginive-up nya kse sooper pasta lover sya), mas mura. so if you want, ask your dietician na lang what to avoid and you can make your own meals…

    kaso mo, base sa mga oras mo ng pagkain, feeling ko, wala ka time to make your own meals… ang hirap ba talaga mag-work for bill gates? oi, magkaka-ulcer ka sa eating habit/sked mo… take your meals on time… eto naman eh advise lang. πŸ˜‰

    may timeframe ba ang bet nyo na to ni sexy maru? di ko matandaan eh… parang nae-excite naman ako makita ka mapayat… although, para saken mas pogipoints ang chubby. πŸ˜€

  6. 800 a day???? kung gagastos lang din ako ng ganyan araw araw, sisiguraduhin ko na na tataba ako ng todo! pero mukha masarap yan ah. penge leftovers nyahahaha!

  7. amf na diet yan hehehe kung ako magdiet ng ganyan papayat ako tiyak kasi ubos ang sweldo ko at wala na ako pambili ng yosi at kape. di ako uubra sa sb diet na yan…. tiyak magwewelga ang mga alaga ko sa tiyan at sisigaw ng… KANIN!!! KANIN!!! KANIN!!!

  8. @chona: walang timeframe… kaya nga aminado ako na tatakbo sya e.. bwahahhahahahah

    @az: di naman 800/day… baka mataas lang daw ang computation sa first week kasi kakabili palang ng mga condiments… yun daw magastos e, sana by next month, 200/day nalang..

    @slevo: ramdam ko na.. payat na ng aking wallet… hays… tatagal kaya? pero para sa ikatutuwa ng lahat! ako ang magsasakripisyo para matupad ang pangarap ng lahat na may tumakbo sa baywalk ng nakahubad.. conswelo ko nalang sa kanya yung pagpaputol ng ting…. drawing na yan

  9. torture to. nagugutom na nga ako at naghihintay ng lunch break, eh binabasa ko pa to.

    ngamngamngam!

  10. @iya: ako rin ewan ko kung bat nagugutom ako pag napapasyal ako sa blog mo.. at di lang yun…. nakakapaglaway pa…e kung alak at beer at iya ang makikita ko lagi.. talagang babaha ng laway dito sa desk ko…

  11. nyahahahaaa..ang mahal!!! papayat ka na..mamumulubi ka pa!

  12. buti na lang at mabilis ang metabolism ko at kahit anong lafang ang gawin ko eh hindi ako tumataba. i gain wait pero ilang pounds lang naman ang nadadagdag. pero mahirap pa din kung basta kain lang. dapat healthy foods pa rin para healthy. healthy lang hehehe.:) narecommend po kayo ni ate MARU sa akin kaya visit ko tong site nyo πŸ™‚

  13. southbeach ba ito kuya??

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: