..ang gaan gaan ng feeling….

monday night lang nung huli akong tumimbang ay 220-222 lbs ako.. dismayado.. sama ng loob… depression…

kung pwede lang sya magsalita malamang ganito ang kanyang sasabihin…

monday

Bathroom scale: TANG INA!! ETO KA NA NAMAN!!! PAHIHIRAPAN MO NA NAMAN AKONG MABUHAY.. . MAY NAKATATAK BANG ‘HEAVY DUTY BATHROOM SCALE’ SA KAHON KO? DAMMIT!!!

(tapak ako sa scale)

Bathroom scale: uhuuuuuuuuuu… *wheeezeeeee*… habol hininga…. *chokeeeeeeeeeee*.. 2… 220-222 lbs po …m..master…

ngunit kaninang umaga, ang laking gulat ko sa aking pag gising at tumayo ako sa isang naghihingalong bathroom weighing scale at tinimbang ang sarili….

tuesday

Bathroom scale: TANA!! WAG!! PATAWAD NA PO!!! ANO PO ANG NAGING KASALANAN KO PARA TAPAK TAPAKAN AKO NG SHREK NA TO KADA ARAW??? HELPPPPPPPPPPPPP!!

(tapak ako sa scale)

Bathroom scale: (hinga ng malalim)……. hmmmm.. tapos na ang buhay ko.. namatay na ako!! andito na ako sa bathroom scale heaven!! di na masikip ang dibdib ko!! di na ako nahihirapang huminga!! sa wakas… winakasan narin ang paghihirap ko!!… (sabay register ng timbang) ….2xx…. teka!! buhay pa ako!! nagreregister pa!!?? di pa ako patay!! its a MIRAKOL!!

ako rin ay muntik ng magulat sa nakita ko..

ABA ABA ABA!!! posible bang mag lose ng 8 lbs in 2 nights? hmmmm parang duda ako.. at the rate im going.. malamang, punerarya or ospital ang uwi ko nito.. pero.. kakaiba ang tuwang naramdaman ko.. im officially out of the 100 kg club…

naisip ko na baka nga sira na ang weighing scale ko.. o di pa ako gising.. kaya aking inulit…

anakanangpating!!! i gained 2 lbs in 3 minutes!!! may toyo nga to!!! 214 lbs ako agad??!! hmmm….

at sa huling pagkakataon…

ampucha naman talaga… son of a motherless goat!!! 210 naman ngayon.. lost 4 lbs in less than 1 minute!!

malaking problema to sa akin… mabuti nalang natandaan ko si ginang engracia.. (titser ko sa math nung grade 4)

214 + 210 / 2 = ???

212!! accurate nga si weighing scale!!

so eto ako ngayon… buhay na buhay….

dahil may tatakbong nakahubad sa baywalk… malapit na….

Advertisements

14 Tugon to “..ang gaan gaan ng feeling….”

  1. Ang bilis naman ng pagpayat mo! Baka naman may eating disorder ka na sa sobrang hangarin mong magpapayat…

    Di ka na ba kumakain at all (Anorexia)? Nagbibinge ka ba tapos pinasusuka mo ang sarili mo after (Bulimia)? Tapos pag nasuka ka na, kinakain mo uli yung sinuka mo (Kadirexia)? Aba! Konting ingat naman!

  2. ahaha sira yang scale mo,,., gusto mo hiramin mo yung hello kitty kong weighing scale, pero wag mo sisirain huh.

    xiao!

  3. problema ko din yan sa scale, hehe! friends kame pag nabawasan ako ng timbang pero parang gusto ko sha itapon pag nadagdagan ako. mas accurate ata yung sa mercury drug kaya lang you have to pay five pesos.

  4. uuy pa share naman ng sikret 😀 la bang score manipulation yan? bk nkabitin ka ha? Lols 😆 mwah

  5. pareng def… sabihin mo sakin ang sikreto mo sa pagpapapayat! wala kaming sariling bathroom scale pero pag nakiki-scale ako sa iba, nagbabantang mag-demanda! 240 lbs kasi akoh 😦

  6. wow!!!tagumpay hehehe

    kongratz kuya!!!!

    konti nalang hahaha!!!!

  7. panooo kuyyaa?? ppaannoo???

  8. uy, takbo ka pag andyan na kami ha, hehe. baka makitakbo rin sa yo si kengkoy, weeee

  9. ambigat mo pala… sabagay balita ko malaki kang tao, so okei lang siguro… mas cute pag mataba (hehehe) [sexy mama – tinutulungan kita, hehe]

    may mga alam ako tips para pumayat. tapos yung hyperthyroidism, sus, wag mo na pangarapin magkameron nun. nagkameron nun ang nanay ko and she really had a hard time. tapos in males, ang most common complication, naaapektuhan ang puso. kaya wag mo na i-wish magkaganun… 🙂

  10. langya! nagkakadayaan na! kunsabagay panaginip mo lang yan.

  11. sana totoo nga pumayat ka na mr def ahehe.. kaya mo yan 😀 .. may tag pala ako sayo, madali lang sya 🙂

  12. ang galing naman. i also need to lose weight. care to share your secret? hehe

  13. Nasiraan na ng bait yung scale. haha. ^_6

    paospital mo muna yan, naghihingalo na ng sobra eh. ^_6

    sana sa akin na lang napupunta yung nawawlang timbang mo, ng magkalaman-laman naman ako kahit konti. hehe..

    baleh ganto equation.

    whereas
    x=weight_of_defpotec;
    y=weight_of_earthlotus;

    y=x/2;

    yan! haha. ^_6

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: