badbreath 2008 edition

uma umaga, halos mapangiyak ngiyak ako sa kaka mumog ng mouthwash na papasa bilang asido… hanep sa sakit, kulang nalang pati dila mo ay matanggal kasama ang mikrobyo… siguro kalahati ng populasyon ng tastebuds ko ay namatay na dahil sa tindi ng bula ng mouthwash na ito…

kamakailan ay naubos ko sya sa wakas… (matinding accomplishment to) dahil concentrated, ang ratio nito ay 1:10. meaning sampung patak lang, ay kayang kaya nya pabulain ang bibig mo…. naisip ko nga gawin tong holloween spoof… lalagok ako ng pure concentrate at tingnan ko ang reaction ng mga tao kung nakita nilang mamumula ang mata kong maluha luha at bumubula ang bibig…siguradong tatalunin ko si linda blair ng exorcist..ay, di pala.. di ko kaya ang spider crawl at 360 ng leeg…

eniways.. kala ko makakatulong ito sa pag buti ng aking hininga, pero di pala.. last week (friday) sinubukan ko kung gagana pa ang badbreath ko na to.. ang biktima, sino pa kungdi si moo:

ang scheduled flight ni moo last week ay friday, 11:00 via cebu pac going to iligan…

altho di ko masyado na save ang text messages namin sa isa’t isa.. bigyan ko na kayo ng ideya kung ano ang nangyari..

10am

DEF: moo, alis ka na?

Moo: 11:00pa

D: ah ok, ingat sila sayo… sana di ka na muna umalis, mag isaw party tayo..

M: ngayon pa! kung kelan paalis na ako.. pwe!

D: e may trabaho ako e, bakit ba…

M: wala, ganyan ka naman, buti pa si Bill Gates, mas madaling mayaya, pero ang isang Defpotec Jones mahirap maimbita (drama mode)

D: e di mo naman sinabi na isau at bbq yun e, kala ko magsasadya ka pa, alam mo naman ako, easy to please..

M: che…

(dumating ang 11:00)

D: moo, babay… ingats sila..

M: moo, di pa kami nakakaalis, delayed ang flight namin, maulan daw sa cdo…

D: bwahhaahhaha, malamang ma cancel flight nyo nyan..

M: di yan moo.. delayed lang to… mamaya alis narin kami..

D: lets see…

(mga alas 2-3pm)

M: walangya ka, hanep ka talaga.. lakas ng panalangin mo… cancelled nga flight namin!!

D: tana… tindi talga ng bibig ko.. sorry ha, di ko naman akalain gagana pa e..

M: kasalanan mo lahat to e!! (as if kaya ko i control ang weather)

Evan almighty: (kapatid ni moo) cancel flight nila, lakas ng panalangin mo

D: o basta moo, sana sa sunday na ang alis mo, para bukas isau party na tayo…

M: leche mga taga CebPac,walang kwentang customer service….. (yada yada, rant rant, curse curse)

D: wat do you expect, piso ang binayaran mo e…

(cant remember anymore)

di rin natuloy isau party namin ni moo, kasi naka book sya ng sabado at natuloy ang flight nila.. pero naisip ko, matinding weapon of mass destruction pala tong bibig kong ito.. kaya dapat alagaan mabuti.. di lang pala dila ko ang may talent, pati bibig pala…

trivia: alam nyo ba na ang origin ng ‘bwakanang ina mo’ ay nanggaling sa ‘baho ng hininga mo’? mali trivia ko.. thanks to koreanmine… please read the factual trivia on the second comment….

i stand erected corrected!!

Advertisements

14 Tugon to “badbreath 2008 edition”

  1. Asus! Naalala ko tuloy ang pangyayaring yan eh gusto ko na sana kalimutan ang araw na yun. Noong pauwi na nga kami ng Cainta eh naka ubos ako ng isang KFC Zinger sa gutom at pagod eh dati rati hirap ako makaubos ng isang buo nun.
    Para akong na gang rape ng 7 duwende sa pagod dahil sa lintek na cancellation na yun.

  2. koreanmine Says:

    hehe bwakang ina mo eh inde po baho ng hininga mo yun Lols 😆
    bale ” Buwa ka ng ina mo” din, ibig sabihin daw, iniluwa = buwa
    body part din daw yung buwa, yung labasan 😀
    (sabi q lng po 😕 )

    ( sana sabihin mo din na yumaman ako 😀 para magkatotoo 😀 )

  3. naku naku naku, kawawa naman yun. haha. ^_^ di ko maimagine yung hitsura nun pauwi.. tyak, asar na asar yun.

    hahaii..

    amtindi pala ng hininga nyo, haha. ^_^ hmm. matry nga yan. (yung mouthwash ah) haha

  4. camilleeee Says:

    “….M: kasalanan mo lahat to e!! (as if kaya ko i control ang weather)

    Evan almighty: (kapatid ni moo) cancel flight nila, lakas ng panalangin mo…”

    anlakas mo pala sa itaas.

    pag nka-dyakpat ako ng tsekwa, pakita ko sa iyo para makuha ko komento mo 😉

    ay teka, link kita ha. sana ok lng. 😉

  5. cebupakenshetcific talaga yan! lolz.. kung badbreath ka, ako naman may balat sa pwet. nagdadala ako ng kamalasan sa mga tao nyahaha wanna try? 😛

  6. kung may ganyan ako lagi ko hihilingin na maconstipate ako.. masaya sana ang buhay’

    wanna try daw… lawls’

  7. haha. naco, kala ko ba PAL ang laging delayed ang flight? pati pala cebu pacific?
    buti na lang pala sa PAL ako nag-book (este magbo-book pa lang pala) ng nalalapit naming trip sa palawan. 🙂 sana lang, wag ma-delay. hehe

    kung ganun katindi bibig mo, panalangin mo rin na sana manalo ako sa lotto. hehehe.

  8. una ko rin namataan yang bwakananginangyan kay batjay ng kwentong tambay…ngyon lang ako naliwanagan.

    hmm..malay sa puwet? lols! ako may balat sa betlogs..swerte ba yun? haha!

  9. susme, kala ko sa cebu pacific ka nagpa book. ^^

  10. thanks sa pagpapaliwabag ng meaning ng “bwakanang ina mo”.

  11. hanu ba yun…ilag muna ako dito sa topic nato 😀

  12. mag dilang anghel ka sana.. i mean mag hiningang anghel ka sana?

    xiao!

  13. hahahah! Remember mo yung meron and wala? Astig ka talaga kuya! ahehehe.. susme.. wag nyo na pong sasabihin wala kahit meron kayong nakikita baka tuluyan na tong mawala.. wag naman sana.. 😛

  14. kuya, may tag po pala ako sa inyo.. 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: