impulsive…

sa mga nakakakilala sa akin, marahil alam nyo kung gano ko ka ayaw ang Christmas.. di naman sa kj ako, pero habang tumatanda ako, lalo kong nakikita na nawawala na ang true essence ng Christmas season.. pinasukan na ng commercialism at materialism… ewan ko ba, baka nasanay lang kasi ako na walang nakukuha noong bata pa ako… nasanay ako na walang pumapansin sa aming pamilya… na appreciate ko nun na kahit walang gipgibing, happy and contented na ako dahil kasama kami ng pamilya sa isang 2 room apartment doon sa paco, manila.

pero ngayon iba na.. di naman kami nagbago… siguro medyo guminhawa ng kaunti ang bahay, at medyo dumating lang sa panahon ng buhay na kelangan na naming lumitaw sa lungga.. kasama sa trabaho yan e, PR kuno.. syempre, katumbas ng mataas na posisyon (di ako, tatay ko) ay ang kaliwat kanang pagsisipsip ng ibat ibang empleyado, kumpanya, at mga taong dati rati ay ni anino ng tatay ko ay di nila pinapansin… naambunan narin ako syempre dahil anak ako ng tatay ko.. (parang ang pangit nun pakinggan a).. so mga sukling mga regalo, nakakatanggap din ako.. at yun ang ikinaiinisan ko…

napaka plastic ng pasko ngayon.. kaya lahat ng natanggap ko, idinodonate ko sa rafol, or ibinibigay sa kapwa staff.. pwera nalang mga personalized na gifts..(mga babaeng naka santa outfit na lalabas sa box).. ayaw na ayaw ko ng nakakatanggap ako ng gips, dahil napipilitan akong gumastos at bumili ng kapalit na gift… ayaw ko rin ng mga gifts na galing sa mga supplier at wannabe supplier… feeling ko kasi pag tinanggap mo yun, parang utan na loob mo na yun sa kanila para umabot sila sa sales quota nila… actually, gusto ko ng gift galing sa mga supplier, pero ang ginagawa ko dito, ay dinodonate ko sa mga raffle, or nagpaparaffle ako mismo sa mga kasamahan ko sa trabaho dito.. ginagawa ko ito para di ako tali sa kanila, walang utang na loob.. at di ako mahihiyang di sa kanila kumuha ng supplies.. at mapapansin mo na noong unang taon ko dito, sangkatutak na regalo ang natatanggap ko, pero ngayon, wala pang sampu.. hehehehe…mabuti nalang at andyan ang lafemme polvoron (ehem ehem.. now available all year round!… shameless plugging) yan ang nagsilbing life saver ko, ang aking giveaway….

maiba naman tayo… kung anong rants ko sa Christmas, iba naman pag new year.. masaya ako.. walang bigayan ng regalo.. panay greet lang.. mas ok to sa bulsa… kasama ko rin ang pamilya namin.. andun ako at nakakulong sa bahay.. at pag naiisip ko ang new year, ang naiisip ko ay new beginning, new resolutions to break, a new start… kaya pumasok ang pagiging impulsive ko…

oo nagpalit ako ng TV sa kwarto (mary jane not included).. alam ko na napaka no brainer dahil once a weekend lang ako umuuwi sa bahay..pero lately parang naadik ako sa pag setup ng isang mino home theatre sa kwarto… tuwang tuwa ang mga pamangkin ko, sila ang nakikinabang sa home theatre na yun..sa ps3, sa wii, atbp… nung weekend nanood kami ng Ratatouille…. ayun tuwang tuwa ang bayaw ko.. mas natuwa pa sya sa storya ng palabas kesa sa anak nya.. everyone can cook ika nga…

buti nalang nabenta ko rin yung old tv ko… at a good price.. sabagay good as new pa yun… bihirang bihira ko lang gamitin.. so everybody happy diba..

so, to all readers and bloggers…

Mary Jane Watson Christmas

and

Happy New TV Year..

happy ang lahat…

sana happy din ang wallet..

(pictures to follow this weekend)

im so friggin materialistic.. pakshet..

Advertisements

7 Tugon to “impulsive…”

  1. moo, papanood naman ng Transformers sa bagong tv mo. magyabang ka naman sa akin paminsan-minsan. sagot ko ang popcorn at cokes!

  2. koreanmine Says:

    ganun nga yata talaga, pag tumatanda mas nawawalan ng excytment ang pasko.
    pero nung una, kala ko, para sa mga tulad lang naming walang pera, kc kaka afreyd ang gastos ng pasko, pero dahil d2 sa post mo, narealyz ko na may iba rin palang dahilan kung bakit naiiba ang “dating” ng pasko sa tao, inde lang pala dahil sa gastos….

  3. te teka… supplier ako ng tubig, gusto mo libreng 5 gallons? ^^

  4. ang gara naman ng lcd tv na yan..sarap maglaro ng ps3 saka wii lalo na pag ganyan ang tv mo

  5. naks ang ganda ng tv! kainggit naman. sana ako din. meron ka na bang mortal kombat ng wii? everyday nilalaro ko kakaadik! hehe

  6. wow, panood, hehe.

  7. pre d ka nag-iisang impulsive buyer…

    PS. Mura na lang ngayon ang SAMSUNG flat TV, nagbaba na sila ng price…. bwahahahah

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: