Imbak para sa Enero, 2008

do you smell what BARACK is cookin???

Posted in broadband only, kung ano ano lang... with tags , , , , , , on Enero 28, 2008 by defpotec

di ako masyado mahilig sa pulitika, pero isa lang napansin ko habang nanonood ako ng tv last weekend..

as in kinilabutan ako nung narinig ko siyang magsalita, parang pinagbiyak na pinya..

eto si presidential wanabe, possibly first black pres “barack obama”.. pakinggan nyo ang boses at ang way of talking….

at eto naman ang kakambal nya si THE ROCK!!

o diba, malakas ang potential sulot factor ni barack kung kinuha lang nyang endorser si the rock… or pag magsalita syang parang the rock, malamang…. mas malakas ang hatak nya…

sino ang mananalo?

IF YOU SMELLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLL WHAT BARACK IS COOKING!!!!

Advertisements

sightings….

Posted in contesxt, kung ano ano lang..., pooparazzi with tags , , , , on Enero 23, 2008 by defpotec

inatake ako ng paparazzi fever…

nais ko sanang makasali sa pogispotting.com kaya lang mukang di prehas ang landas naming ng author ng blog na yun.. kaya bahala na… kung makikita nya ako, e di laking tuwa ko sa sarili ko…. kung di naman, e di dyeta pa… hanggang sa ma include..

gustuhin ko man gumawa ng kategoryang gandaspotting… parang di matanggap ng sikmura ko, kaya pooparazzi nalang…

DA WHO!!!

isa syang sikat na blogista..

ngunit di natin alam kung sya nga ba ito, dahil talong talo pa niya si britney spears kung magtago… (sabagay talung talu nya si britney sa kasikatan…)

hulaan nyo kung sino sya…

at ang makakatama ng hula ay tatamaan!!

sino syaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!??

A. MAMA MARY

B. MOTHER THERESA

C. SISTER ABBEY

D. FRAULEIN MARIA??

eto pa ang clue…

E. KAMATAYAN

F. GRIM REAPER

G. YAYA SISTER HOOD

H. WHOOPIE GOLDBERG

ano pa ba hinihintay nyo.. hula hula hoops!!

kikay..

Posted in kung ano ano lang..., mythbastard, the road to perdition with tags , , , , on Enero 23, 2008 by defpotec

di ko maintindihan kung bakit kelan tumanda na ako, atsaka pa kinailangan ko ang mga ito…

pero ayon sa aking napaka credible at incredible na beauty consultant… kelangan ko daw nito dahil kelangan ko alagaan ang aking balat at muka at etc.  shempre naniniwala ako sa kanya, dahil sya ang perfect example ng alaga sa kutis…. (sino man ang kumontra ay masusumpa ng badbreath ko at magkakaroon ng baktol at putok habambuhay)… kung inyong papansinin, di halatang 43 years old na sya, para syang 15… at sa size palang nya ay nakakaloko na ng maraming menyaks na mahihilig sa role playing at sa mga may pantasya sa barely legal at pedophilia….

di pala mura ang ganitong pagpapaganda… langya.. pero sige narin, pagbibigyan ko ng isang buwan ang test na ito.. kung totoong gaganda ang aking kutis, e di sige, isasama ko to sa araw araw na pagkain, pagtulog, pag gym, at pag bat..i ng magandang umaga sa mga tao sa paligid…

langyang buhay nga naman.. tumatandang pagastos to…

howell….

PS. sya nga pala,  for the sake of science…isinabay ko sa 1 month eksperiment angpag apply din ng moisturizer sa betl… aking mga lugar na di nasisikatan ng araw…. baka sakaling mabawasan ang kulubot nito.. kung di man maging epektib at maging babyface ang aking muka, at least kakaibang remembrance at supresa ang babati sa mga babaeng makakakita ng makinis na ahem…

mga pirata at ang aking quest para magkaroon ng superhero body…

Posted in kung ano ano lang..., laruan, the road to perdition with tags , , , , , , , , , on Enero 22, 2008 by defpotec

MENU FOR TODAY:

breakfast:

spicy dilis galing sa palawan

lunch:

oakmeal

dinner:

extra joss/lactose free skim milk

todo na to!! dalawa lang ang pwedeng mangyari sa akin.. either mag lose ako ng 10lbs this month, or mamatay na ako.. ganun din naman e… matapos ang detoxifying week ko.. (last week) natutong mag adjust ang aking sikmura… kahapon sa bahay wala nang jollibee jollibee na yan.. wala naring fast food.. natuto akong kumain ng tunay na pagkain… meal for the day yesterday: 500grams cold ham and 1 loaf of bread.. for the whole day!

malamang isip nyo na sobra parin ang kinakain ko.. pero ang plan ko kasi sa diet program ko ay strict diet 6x a week, and relax eat anything during sundays.. so pwede na diba? reward ko is sunday when i can get to eat anything….

syempre di naman ako magiging ganito ka motivated kung wala akong visual aids… so eto ang pansamantalang visual aid ko for this week..

oo, si spiderman… inspirasyon ko sa linggong nakaraan…

bukod sa gusto kong maging superhero, gusto ko rin magkaroon ng wrestler body… tulad ni batista..

ngunit wala si batista nung kinunan ko sa tv, kaya dun nalang tayo k Triple H

medyo madami dami akong weekend treat sa sarili ko… daming panonoorin atbp… napa panic buying…

sa mga superheroes si superman (chris reeve) ang paborito ko ….

ok talaga magkaroon ng superhero body… malamang bumagay sya sa superhero face ko (moo wag kokontra)..

so eto ako… nagpapakamatay sa gym…. di man lang bumawas timbang ko after 2 weeks… nafrustrate na ako.. kaya kahapon.. dito ako napunta..

patay ang figure… magmumukang sing laki ko ang meatball..

panawagan kay ginoong jon cabron….

Posted in 1, Blogroll, kung ano ano lang..., Prick D. Ashowle, the road to perdition with tags , , , , , , on Enero 17, 2008 by defpotec

dear sir jon,

kamakailan ay naging topic ang iyong kakaibang kundisyon sa blog. hindi ko naman iyon sinasadya upang gawan ng katatawananang iyong kundisyon, bagama’t gusto ko lang maunawaan ng lahat at maintindihan ang kaseryosohan ng iyong kundisyon.

ngunit kagabi, naramdaman ko ang araw araw mong nararamdaman…. nag umpisa to sa isang kulo… hangang sa loob ng 2 oras ay mahigit kumulang 4 na beses ako bumisita sa palikuran… hindi ko rin malaman kung parusa ba ito ng tadhana o may nag badbreath sa akin, ngunit ngayon ko lang naunawaan at naalala ang kaseryosohan ng dinadanas mo araw araw.

hanggang sa lumipat na ang sakit ng aking tiyan sa aking tumbong, ikaw ang aking laging nasa isip. kakaiba talaga ang mainit init na nararamdaman ng aking tumbong… para syang namamaga at binugbog ng mga tambay na sabog. ngayon kakaibang respeto na ang nararamdaman ko sa iyong pagkatao.

natatandaan ko 4 taon na ang nakalilipas noong akoy atakihin ng diarreah…. sa isang gabi, 17x ako labas pasok ng banyo at nagtutubig.. pakiramdam ko 10 lbs ang nawala sa akin…. pakiramdam ko rin, 10 bading ang nang rape sa akin… pero ayon sa siyensa, the human body cant remember pain and smell.. so nalimutan ko na kung gano kahirap ang sitwasyon ko nun.

isa pa pala ginoong jon… ayon sa interweb, meron tayong 35,000 sakit… ang hindi ko lang maintindihan ay, kung bakit sa dami ng sakit na alam ng sangkatauhan… LBM uli ang ginamit na dahilan ng aking colleague na si JAYA para hindi uli makapagreport sa trabaho… naalala ko na pinagbigyan ko sya noon dahil ang dahilan nya ay magdamagan daw syang gising at bumibyahe sa CR kaya di na nya kinayang pumasok.. pero ang gamitin ang parehas na dahilan at rason ng wala pang isang buwan ang nakalilipas ay parang nagkaroon ako ng duda. aaminin ko.. totoong mahirap magkaroon ng LBM, pero sa dami ng ibang sakit dyan, bat ganun uli ang kanyang dahilan? ito ba ay dahil sa epektib ang dahilan nya dati kaya yan ang ginamit nya uli? ito ba ay dahilan sa kakulangan nya ng creativity kaya inulit nalang nya ang dahilan?

nagtataka…

Prick D. Ashowle

kanina ay sinubukan kong mamigay ng barya sa pulubi… sa totoo lang, natuwa ako, susubukan ko rin sana sumakay ng bus at i offer ang upuan kung sakiling may matandang sumakay, kaya lang naisip ko na baka hanapin ako ng boss ko sa trabaho… kaya next time ko nalang susubukan yun.

badbreath 2008 edition

Posted in badbreath with tags , , , , , , on Enero 8, 2008 by defpotec

uma umaga, halos mapangiyak ngiyak ako sa kaka mumog ng mouthwash na papasa bilang asido… hanep sa sakit, kulang nalang pati dila mo ay matanggal kasama ang mikrobyo… siguro kalahati ng populasyon ng tastebuds ko ay namatay na dahil sa tindi ng bula ng mouthwash na ito…

kamakailan ay naubos ko sya sa wakas… (matinding accomplishment to) dahil concentrated, ang ratio nito ay 1:10. meaning sampung patak lang, ay kayang kaya nya pabulain ang bibig mo…. naisip ko nga gawin tong holloween spoof… lalagok ako ng pure concentrate at tingnan ko ang reaction ng mga tao kung nakita nilang mamumula ang mata kong maluha luha at bumubula ang bibig…siguradong tatalunin ko si linda blair ng exorcist..ay, di pala.. di ko kaya ang spider crawl at 360 ng leeg…

eniways.. kala ko makakatulong ito sa pag buti ng aking hininga, pero di pala.. last week (friday) sinubukan ko kung gagana pa ang badbreath ko na to.. ang biktima, sino pa kungdi si moo:

ang scheduled flight ni moo last week ay friday, 11:00 via cebu pac going to iligan…

altho di ko masyado na save ang text messages namin sa isa’t isa.. bigyan ko na kayo ng ideya kung ano ang nangyari..

10am

DEF: moo, alis ka na?

Moo: 11:00pa

D: ah ok, ingat sila sayo… sana di ka na muna umalis, mag isaw party tayo..

M: ngayon pa! kung kelan paalis na ako.. pwe!

D: e may trabaho ako e, bakit ba…

M: wala, ganyan ka naman, buti pa si Bill Gates, mas madaling mayaya, pero ang isang Defpotec Jones mahirap maimbita (drama mode)

D: e di mo naman sinabi na isau at bbq yun e, kala ko magsasadya ka pa, alam mo naman ako, easy to please..

M: che…

(dumating ang 11:00)

D: moo, babay… ingats sila..

M: moo, di pa kami nakakaalis, delayed ang flight namin, maulan daw sa cdo…

D: bwahhaahhaha, malamang ma cancel flight nyo nyan..

M: di yan moo.. delayed lang to… mamaya alis narin kami..

D: lets see…

(mga alas 2-3pm)

M: walangya ka, hanep ka talaga.. lakas ng panalangin mo… cancelled nga flight namin!!

D: tana… tindi talga ng bibig ko.. sorry ha, di ko naman akalain gagana pa e..

M: kasalanan mo lahat to e!! (as if kaya ko i control ang weather)

Evan almighty: (kapatid ni moo) cancel flight nila, lakas ng panalangin mo

D: o basta moo, sana sa sunday na ang alis mo, para bukas isau party na tayo…

M: leche mga taga CebPac,walang kwentang customer service….. (yada yada, rant rant, curse curse)

D: wat do you expect, piso ang binayaran mo e…

(cant remember anymore)

di rin natuloy isau party namin ni moo, kasi naka book sya ng sabado at natuloy ang flight nila.. pero naisip ko, matinding weapon of mass destruction pala tong bibig kong ito.. kaya dapat alagaan mabuti.. di lang pala dila ko ang may talent, pati bibig pala…

trivia: alam nyo ba na ang origin ng ‘bwakanang ina mo’ ay nanggaling sa ‘baho ng hininga mo’? mali trivia ko.. thanks to koreanmine… please read the factual trivia on the second comment….

i stand erected corrected!!

new years reVolution….

Posted in kung ano ano lang... with tags , on Enero 3, 2008 by defpotec

di ako mahilig sa mga resolution resolution na yan…mga kalokohan lang yan.. sa sarili ko, REVOLUTION ang tawag ko.. bakit? dahil ito ang mga koleksyon ng mga bagay na sinubukan kong gawin, ngunit di ko nagawa.. recycle kumbaga.. umiikot lang… kaya revolution…

1. di na ako iinom maglalasing

2. di na ako manonood ng mga scandals (bagsak)

3. di na ako kakain ng junkfood

4. mag gygym na ako regularly

5. kelangan kong mag lose ng 30 lbs in 3 months

6. di na ako mang aasar (bagsak)

7. di na ako titingin sa pwet ng mga babae sa gym kung sila’y naka thong or hinde (bagsak)

8. di na ako makikipag flirt (bagsak)

9. gagalingan ko ang pagflirt

10. magiging mapagbigay

11. magpapakabait

12. magblblog regularly

14. di na magiging superstitious (sorry di ko talaga kaya e…FAILED)

15. babati ng goodmorning kahit bad morning

16. susunod sa batas trapiko (bagsak.. nautusan ako ni Bill Gates na bumili ng isang importanteng gamit, napilitan akong gamitin ang auto ko kahit color coding)

17. di na tatakbuhan ang mmda

18. di na tatawanan ang pulis na malaki ang tyan…

19. … hanggat di pa lumiliit ang aking tyan..

20. di na mambibitin…

sa next blog na ang iba.. wala pa akong maisip e..