lost and found…

natatandaan nyo pa ba sya?

oo sya yung lakwatserang baka na ginawa ko.. actually ang kwento nyan ay isang araw, nag request si moo na gawan ko daw sya ng tag tag na yan, e di naman ako marunong sa ganun bagay, kaya o sige pinagbigyan ko na sya.. so isinilang ang kaisa isang tagging ko.. so iplinano ko kung ano ang purpose nya sa buhay.. di ko siya ginawa para lamang maging tapa, or roast beef.. naisip ko na.. iikutan nya sana ang blogosphere… lagi nating syang minomonitor nun kung asan na sya tumambay, nagdaan at tumambay muli… san sya nagpahinga at san sya ume…… ayun na yun..

so eto na ang promise ko sa inyo… ang play-by-play analysis ng paglakwatsa ni “Christmas Cow”

eto yung eksaktong rules and regulations nya nung ginawa ko sya:

ayan, paki click nalang yung picture for a better view kung tama ba ang nakalagay na tagging number…

rules:

dont tag me back, tag mo lang sa next in line sayo, and tell your downline to get 3 members to join the pyramid scheme tag just 1 person in his/her blogroll (which excludes the blogger already excluded in the list)… hopefully, whoever’s name is included in the list by dec 25 will get something from me… so make this tag go around..

TAGGED PEOPLE LIST:

1. defpotec – defpotec.wordpress.com – (nov 8 2007) dito nagumpisa si baka, isinilang, pinalaki.. ginawan ng rules… at binigyan ng pamasahe, nag BAKA sakali (pardon the pun!!! but its punny diba?) at ang una nyang pinuntahan ay si….

2. moo – maruism.com – (nov 8 2007) palibhasa baka maingay ang bakang ito, or marahil ayaw magpatalo ni moo sa padamihan ng dede, ay bigla nya itong itinakwil.. aktwali, sa kanya palang not following directions na, pero ok lang.. ibinago nya ito at bago nyo pa napansin, ay ipinabyahe na nya ang baka, na kumatok naman sa bahay ni…

3. jojie – jojitah.wordpress.com – (nov 8 din ata) nagkaproblema si jojitah sa blog nya, at konti nalang ang na recover ko tungkol sa post nya na ito.. kaya di ko kayo mabibigyan ng play by play at kung ano ang nangyari… eto lamang ang mga na recover ko sa tag sa kanya :

[…] Dahil lab ako ni goddess MARU, na lab ng kanyang MOO kung saan nagsimula ang nakakalokang tag na ito, na ewan ko kung anong trip at napagdiskatahan ang […]

pero madali namang lumipat at nakiBAKA ang baka kay…

4. selvo – joselgonzales.wordpress.com – (nov 9, 2007) dito ata nagpagabi si how how da cow… palibhasa baka naki chismis muna kay pareng selvo sa current events at sa kung ano ano lang… tinalo pa ni pareng selvo si boy abunda sa pag intriga, pero kahit malakas to mang intriga, matibay ang kanyang pag follow ng directions.. nung napansin nyang walang gatas si cow, itinuro nya to isa ibang direction, ang direction papunta kay….

5. kengkay – kengkay.wordpress.com – (nov 9, 2007 german time) nakupo! umabot sa germany ang bakang lakwatsera.. hanep.. bumisita sya kila mommy kengs at sa mga kengkinitas.. medyo nagpahiwatig si mommy kengs na ang bakang ito ay magdadala sa kanya ng gift.. pero following directions parin sya.. at palibhasa mageexpire na ang visa ni baka sa alemanya, at bago pa sya maging rouladen ay minabuti pang dineport sya ni mommy pauwi sa pinas kay…

6. jon cabron – joncabron.wordpress.com – (nov 9, 2007 manila time) ayan, balikbayan na ang paboritong baka natin.. at marahil natakot sya kay ginang cabron at baka gawin pa syang tapa ala carte, di na sya nagtagal at lumakbay muli papuntang….

7. azrael – azrael666.wordpress.com – (nov 9 parin 2007) amp.. umabot ng middle east ang baka.. pero dahil narin sa pagkinig ng hanep na mixes na pambayo ni dj daddy az. .medyo nakawindang windang ang pagkaintindi ng baka.. dito natin nakita na medyo naging iba ang outcome ng initial tag line.. yung ‘something’ ay naging ‘gift’ na..

Rules:

Follow these steps to get something from Defpotec. All those on the list by Dec. 25 can collect their gifts from moo-man himself the day after.”

 

santa cows is coming to town? not until the cow passes by…

8. jovi – jovi2hottie.wordpress.com – (nov 10, 2007) hindi naintindihan ni jovi ang purpose in life ng bakang ito… basta ang alam nya ay may matatanggap sya sa aking regalo pagdating ng 26 (wala naman akong sinulat na regalo a, ‘something’ lang sinulat ko) pero napansin natin na unti unti nang umiiba ang rules and regulations and content ng unang blog.. di natin masisisi si jovi, kasalanan tong lahat ni moo.. nang makapansin si cow na naghihintay si jovi ng gift, dali dali syang humakbang patungo kay..

9. iya – psychosomaticaddictinsane.wordpress.com – (nov 11, 2007) ol mcdonald had a farm… iya iya yo!! and in this farm she had a beef…. iya iya yo!! yesyesyo! lagot na.. dahil kay iya, di bale nang di rin nya maintindihan ang purpose ng bakang to, basta ang pagkaalam nya ay may regalo (daw) sya sa akin… wag lang karne norte..

quoted from iya’s entry:

“pinatulan ko na rin ang pagpapaikot ng bakang ito. ‘Yon at dahil gusto ko rin ng regalo from Defpotec.

Ano naman kaya ang gift n’ya sa amin? Oh lord, sana ‘wag pong corned beef.”

naloko na… pano nangyari na ang ‘something’ ay naging ‘gift’ at naging ‘regalo’?? moo!! kasalanan mo to! ngunit di pa nagtatapos.. palibhasa kuripot ang baka.. dali dali itong tumalon pabalik sa animal kingdom come, kung saan dito sya at home, sa bahay ni..

10. kiko – kikomatsing.wordpress.com – (nov 12, 2007) nagpahinga ang lakwatserang baka ng isang araw, marahil naging at home sya sa bahay ni kiko, welcome to the jungle ang theme song sa bahay kaya nagplano syang magtagal sana dito, ngunit matulis ang matsing… nakaamoy na magtatagal ang baka, kaya bago pa mandin abutin ng ikalawang araw, ay nagawa nyang utusan ang baka na maghanap ng pagkain bago nya pahihintulutang mag overstay.. at ano pa nga ba ang paborito ng mga matsing kundi ang…

11. banannie – banana4u.wordpress.com – (nov 13, 2007, abu dhabi) – at dito napasyal ang paboritong cow.. pero kung napansin nyo, may second revision ang tag ko, nagkaroon ng bagong kwento… ang sumusunod ay kinuha sa entry ni banannie:

“Pero narinig ko nakakaiba itong game na ito kase ang first 25 bloggers na makasama sa tag eh may christmas gift mula kay Kuya MOO! Yeheyyyy! Kuya MOO, so pano yan, para sigurado makakatanggap ako ng gift mula sa yo eh kelangan ipadala mo both sa Abu Dhabi at sa Pinas para sigurado na may gift ako, baka kase di ko maabutan sa UAE yung gift so magpadala ka rin sa Pinas in case na andun na ako. wahehehe.. Abangan ko yun ha, yung address ko pala pm ko na lang sa yo ha! lols.s.s..”

ayos sister banannie, kung sino man ang nagbalita sayo nyan, sisiguraduhin kong di na sya magkakakarir sa TV patrol o sa 24.. maling balita yan e, pero grabe, nagkaroon na ng first 25 tagged.. pano na to..

mabalik tayo sa baka.. nasa abu dhabi ngayon sya, pero since walang direct flight from abu dhabi to manila nung araw na yun, naisipan nalang i ship ni banannie si cow papuntang steakside stateside at dun nakita natin sya kay…

12. brath – brath.wordpress.com – (nov 13 2007, new jersey) akalain nyo nga naman, sa 5 araw ng paglakbay, halos maikot na ni baka ang buong mundo… pero grabe nga, isa na syang jet setter.. hanep pa sa orayt kung bumiyahe… ngayon kasalukuyang inaamoy ang hangin sa new jersey kung san nakikitira sya kay brath.. pero ano ang kapalit? basahin nyo:

“Di ko inaasahan ang tag na ito galing kay BANANIE. Pero dahil napag alaman ko na may matatanggap daw na regalo galing kay DEF kapag nakasali ka sa tag na ito e jo join na rin ako. Basta yung regalo ko padala mo dito sa jersey ha, hintayin ko yun. Magtatampororot ako pag wala akong gift.”

in 5 days and 12 persons, ibang iba na ang kwento.. nag umpisa sa papadalhan ko ng ‘something’ hanggang sa naging ‘gift’, hanggang sa first 25 tagged and nagkaroon pa ng tampuhan.. kasalanan mo to moo!.. hala…. sakay na baka!! uwi ka na dito…

13. malen – mynosebleed.com – (nov 13 2007) dito muna nagpahinga si baka.. ngunit di rin sya magtatagal dito, medyo di ata tama na habaan nya ang pagtambay dito dahil baka duguin ang kanyang ilong.. alam mo naman sa site na to, uso ang hemorrage… kaya bago pa man din sya tamaan ng kakaibang pagdurugo at pagkamalang may foot and mouth disease, dali dali syang lumipat papunta kay

14. jeangr3y – lettersfromthesoul.com – (nov 13, 2007) medyo busy itong taong ito kaya di nya napansin na may kumakatok palang baka sa pintuan nya, pinaghintay ng ata ng ilang oras.. pero ok lang.. matiyaga at sanay na si cow sa paghihintay.. pero nakakatuwa dito, walang mention ng gifts or anu man.. ok dba sa orayt..?? so pinapunta sya kay..

15. kath – richkath.wordpress.com – (R.I.P. dear cow) at dito huminto ang paglakwatsa nya. marahil habang gumagala ito papunta kila kath ay napagisahan ng mga taga la loma kung san dun nakatira si kath.. marahil di lamang lechon baboy ang specialty nila kungdi lechong baka din…. kawawang baka.. paalam..

gusto ko man sya hanapin noon ay di ko na tinangka, dahil sa takot kong baka mamaya, tig iisang kotse or trip to any destination na ang maging kalabasan ng tag kong ito.. kung inyong mapapansin, ang sinulat ko lamang ay ‘something’, hanggang sa naging “regalo”, “gift”, atbp.. mabuti nalang ay naging tapa/lechongbaka/beefstew/steak/bistek/cornedbeef narin tong baka na to, at di na nakalibot pa.. nakakatakot ang lost in translation… at mas nakakatakot kung totoong bibigyan ko kayo ng regalo.. ahmmm tag nalang pwede na dba? salamat sa mga sumubaybay at naghintay…

“icow ang aking… alaala…… ”

di totoong mamimigay ako ng gift.. kuro kuro lang yun.. something lang, at ang something na yun ay ito..

pero merry Christmas narin .. pasensya na sa konting handa

 

Advertisements

13 Tugon to “lost and found…”

  1. hahahahha

    wala palang regalo si swamiiiiiiii

    hehehehhehe
    advance meri xmas to you na lang!

  2. nyahaha! nalitson! amp! purnada ang mga regaloooooo! waah! 😦

  3. Hehehe! Nilitson na pala si cow, hihiwa na lang ako ng konti pang-ulam namin. 🙂

    Merry Christmas and Happy New Year!!

  4. yaiks kawawang cow 😦 belated merry christmas! 🙂

  5. kawawang cow, nalitson lang,,…..
    pahiwa na rin ako a, may tira pa ba?

    xiao!

  6. lolz… pasensya na po natambay at nawala sa circulasyon ang baka mo def… lol masarap naman ang kinahinatnan… sana lang walang tumaas ang presyon sa mga nakakain… Advance Happy New Year po! 🙂

  7. waaaahhhh!!!! walang give away!!!!

  8. hala kawawa naman ang baka na ito. bakit mo nilitson. 😦

  9. […] ko si Moo, Antuken, Ice, Jovi, Karmi, Johannes, Annie and […]

  10. huy masarap yan. magpapalitson ka kapag andyan kami sa pinas? una at huling kain ko ng litsong baka e nung late 80s pa e. sa piesta sa marilao bulacan. pwede na yan na lang regalo, hehehe.

  11. manigong bagong taon, yun baka ko ha

  12. happy new year mizter def!! 😀

  13. waaaaaa. ngaun lang ako nkapagbasa…huhuhhu ako pala may kasalanan kaya nahinto si cow…nyahahaha.sorry:-*

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: