kakaibang halo halo…

syempre ang kasunod ng post pag gutom ay …

PAGKAIN!

nakakain na ba kayo sa shabu shabu? hindi yun yung mga ipinagbabawal a gamot na binebenta ha.. ito yung pipili ka ng napakaraming hilaw, tapos i dudunk mo sa boiling hot soup..

ah medyo high pa kasi ako sa mga kinain ko kagabi… picture nalang ang mag eexplain kung ano ang shabu shabu…

step 1 : mamili ng ingredients…

step 2: ihanda uli ang ingredients

step 3: idunk sa kumukulong soup ang ingredients…

step 4: pag tingin mo ay ok na.. kanya kanyang kuha na!!

naaliw ako sa pagka simple ng pagkaing ito, medyo healthy din sya kasi walang oil at prito.. napadami ang kain ko kagabi, babay na muna sa diet, at malamang dito kami magparty sa friday.. (pinag iisipan pa)…

mga sari saring ingredients na pampasarap ang kasama sa soup, malasa sya, mix your own sauce.. at since kasama ko ay ang mga kebigan kong laking china, alam nyo naman bihasa silang gumamit ng chopstick..

maya maya…nang makainom ng konti..

kanya kanyang dunk ng pagkain sa soup.. kanya kanyang kuha…

pero tandaan, san galing ang chopstick.. dba sa bibig?

sarap.. di ko na inisip kung kani kaninong laway ang nakahalo sa soup… wala nang gumagamit ng strainer, kanya kanya na…

hay.. pasko naman..

uso naman ang exchange exchange na yan..

exchange gift… exchange laway…

kung dito kami magpaparty sa friday, sisiguraduhin kong babantayan ko ang soup… ang mag dunk ng chopstick na galing sa bibig nila, ibubuhos ko sa kanya ang kumukulong sabaw.

Advertisements

13 Tugon to “kakaibang halo halo…”

  1. kita talaga sa mukha kung sino ang adik sa shabu… shabu πŸ™‚ kainggit! mukhang takam na takam yung dalawa sa taas! hehehe

  2. @taroogs: onga e, mukang lahat na adik ganun ang face.. btw, googled images ko lang pala ang mga yan… di naman talaga sila ang mga kasama ko… pero masarap pala ang halo halong laway

  3. oo sarap yan! nung nagbirthday si lolo ko dyan kami kumain eh..pang adik talaga πŸ™‚

  4. masarap na shabu shabu yung sa thailand, as in pilahan talaga ng katakot takot… subukan mo, hehehe- pero at least may ganyan din sa pinas, dito sa alemanya, boring talaga, hmp.

  5. kami nagsh-shabu shabu sa bahay. pag tinatamad magluto ng mga ihahanda, ilabas ang mga hot pot (take note, mga)! bili lang ng mga gulay, meat, shrimp at kung ano anong klaseng balls (fish, squid, at sangkatutak na iba pa). my mom makes one heck of a good broth/soup.
    kami hindi gamit ang chopstick pagkuha at paglagay ng food sa soup. meron din kse binili ang mom ko na mga scooper/tongs para sa iba’t ibang uri ng food. so ang threat ng hepa at kung anik-anik, maiwasan!
    sama ko sa shabu-shabu mo!

  6. kami ang gamit namin sa ganyan, foil, tissue tsaka isang mahinang lighter’ pero iba ang pinag uusapan dito, kaya kalimutan nyo na yung sinabi ko…

  7. pucha! bigla yata akong nagutom! ang gandang tingnan and am sure ansarap nyan!

  8. merry christmas def. yung regalo kahit na sa pebrero na, hehehe

  9. Wishing you a wonderful Christmas Def! God bless you and your family always.

    Cheers,

    Ambo

  10. merry christmas defpotec!!!!!

  11. I hope you had the very Best Christmas and a Fantastic New Year!

  12. one of my fave is shabu- shabu
    we always eat sa hot pot in gloria maris gh.
    yum yum!

  13. natawa ako sa comment ni jon cabron. ang kulet!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: