wag mo akong subukan…

angry-man.jpg

ilang araw ko na napapansin…

panay tambay mo sa kabilang departamento…

70% ng oras andun ka.. 80% ng tawag mo, galing sa kanila hanap ka.. ako na ang nagiging secretarya mo.. pag nag usap kayo.. chickahan..tawanan.. harutan..

di ko alam kung anong business nila sayo… kung nangangailangan ba sila ng support or masarap ba ang pagkain dun…

pero sure ako di yan dahil sa ‘lalake’ dun.. kasi di ko naman alam kung lalake ba talaga yun…

mabait ako sa mabait.. pero tandaan mo, napupuno din ako…

hinahayaan ko lang kayo gawin gusto nyo.. mag chat, mag relax, maging cool, dahil yan lang rin ang ginagawa ko dahil naniniwala akong pag relaxed ang work environment, mas magiging productive tayong lahat..

pero sana naman marunong ka rin mag isip na may difference ang term na ‘support’ sa ‘tutorial’…

napuno na ako nung pag balik ko sa opisina ay nalaman kong andun ka uli… tinawagan na kita…

Prick D. Ashowle: andyan si Jaya?? (code name ko sa kanya)

Other line: sandali lang po..

PDA: Jaya, ano ba problema dyan?

Jaya: eh kasi sir yung logo natin hindi nila ma save, naghahang lagi sa pc, di marunong yung artist mag photoshop tinutulungan ko..

PDA: alam mo naming kulang tayo sa tao dito, pinupuntahan mo pa sila dyan para turuan? May nakasulat bang “PHOTOSHOP SUPPORT” sa labas ng departamento natin? Ilang araw ko na napapansin na lagi ka nalang andyan, yung mga trabaho natin dito na may deadline di naasikaso.. kung di sila marunong mag photoshop, problema nila yun, papasok sila sa isang trabahong di nila alam..mag aral sila.. may art department naman tayo, bat di sila dun magtanong? O baka naman gusto mo na lumipat dyan?

Jaya: (hikbi)

PDA: sabihin mo lang ha kung gusto mo lumipat dyan. (click)

bumaba si Jaya, nakasimangot, umiiyak.. sorry sya.. Prick D. Ashowle mode ako ngayon.. kahit na magbaha pa ng luha dito, di ka magiging best drama actress..

di ko sinasabing maging tulad mo ako… kasi eversince trabaho ko ang buhay ko… di ako nagbabakasyon, at kung magbakasyon man ako, nagtratrabaho parin ako..

3 taon na akong di pumupunta sa boracay, out of town ko this year 1 lang (pilit pa), out of the country ko this year 1 (official trip pa)… hindi sa wala akong mapuntahan or walang nagyayaya.. pero minabuti ko nalang na di lumayo sa place of work ko dahil sa kinakatakutan kong ‘support call’ pag nagkanda leche leche ang mga bagay sa opis. bigyan ko kayo ng scenario kung bakit di ako makabakasyon:

SCENE: DAY 1 on a 4 day 3 nights vacation in boracay

imagine nyo yan.. nasa boracay ako (hindi ako yung nasa itaas)…. nag susunbathe,, umiinom ng jonas fruit shake… eto ang minamata ko sa unahan ko…. biglang riring ang phone ko:

cellphone: Mr. Prick, yung monitor po dito sa opis, ayaw umandar…

Prick D. Ashowle: ganun ba? naka on ba ang cpu?

cellphone: opo on naman, pero yung monitor walang lumalabas..

PDA: may ilaw ba yung monitor?

cellphone: meron naman

PDA: nakakabit ba mga cable?

Cellphone: (nag check) opo

PDA: nag restart ka na?

Cellphone: opo

Sa oras na to, 2 lang ang mangyayari.. tatawagan ko sya muli in 5-10 mins… pag ganun parin ang sitwasyon, susugod ako sa opisina para lang ayusin ang sirang monitor.. mas di ko kakayanin mag enjoy sa nalalabing 3 araw kung ang utak ko ay nasa trabaho ko.

PDA: hello? Ok na?

Cellphone: ok na po.. hehehe

PDA: anong nangyari?

Cellphone: di po pala ito yung monitor na nakakabit sa CPU, yung kabilang monitor po..

PDA: ah ok..

Ganun kababaw na tawag lang, pero kaya na nyan sirain ang bakasyon ko.. kasi makukuha nya utak ko.. imbes na pagnanasahan ko ang mga dalagang naka 2 piece sa unahan ko, ang inaaburya ng utak ko ay yung 10pc PC setup na malayo sa harapan ko at di ko magalaw.. umaandar sa imagination ko ang mga scenario kung ano ang nangyayari, kung nasusunog na ba ang mga microchip, kung naputol ba ang mga connection kung nasusunog na baa ng opisina ko (sa totoo lang, nakakaputol ng erection ang kaputulan ng connection).. ewan ko, baka abnormal ako.. pwedeng OA, pero sa totoo lang, mabuti na yung OA. Sa lahat ng ayaw ko, yung binabalewala ang trabaho..

Nag vacation leave ka last 3 weeks ago.. di ka man lang nagsabing mag oout of town ka.. nung nagka problema, di mo masuportahan.. papunta kang bagiuo sabi mo, di ka makasugod sa opisina.. ako ang nagtrabaho ng trabaho mo… 4am ng umaga, ako ang nag eemail… habang ikaw, ewan ko kung totoong papunta ka ng bagiuo, o inaantok ka lang at tinatamad sumugod sa opisina..

After 3 days ng leave mo, nag text ka.. di ka makakapasok, humingi ka ng extra leave, kasi hinihika ka dahil sa byahe or sa pagod.. wala kang narinig sa akin. Itinago ko ang hirit ko..gusto kitang hiritan sana pero nangibabaw ang awa ko.. baka maging drama queen ka na e.

Ang sa akin lang… bat di ka inatake ng hika mo pag nag vavacation ka? O baka naman katam yan? Ewan ko.. basta bahala na .. hintayin mo nalang ako mapuno..

At nangyari na nga yan..

Tapos ngayon iyak ka ng iyak.. napagsabihan ka lang ng konti, iyak ka ng iyak.. ako guguilt tripin mo?!? Ni hindi pa kita pinagtaasan ng boses..ni hindi man lang kita binigyan ng memo or disciplinary notice..

Oo mahinahon ako magsalita, pero sorry ka, matalas din dila ko..

It only hurts when its real….atsaka.. masakit din ulo ko..

 

Advertisements

11 Tugon to “wag mo akong subukan…”

  1. pasensyosong bossing p din , pag uber talaga, uber na, kc umaabuso.. super dedicated u sa work. kainggit 😀

  2. wow naman.. super dedicated nga sa work…

    Nyway, add kita ulet sa blogroll ko.. 😀

  3. ano ba yang si jaya na yan, hmp. parang may kilala rin akong ganyan din… panay lang din ang tambay at chikahan at kainan sa departamento.. baka kasi may nagpupuslit ng eclairs galing sa chef’s table, hehehe.

  4. buti na lang di kita boss…LOL

    relax lang bossing!

  5. haha. parehong-pareho tayo! can’t tolerate laziness too!

  6. hehe! tama ka naman eh..pag babae talaga minsan konting masabihan lang iiyak na agad..sila naman ang mali..truth really hurts

  7. workaholic! baka maaga kang mamatay niyan!

  8. @all: in farness, malaki ang itinino ng trabaho ni jaya after nasabon.. lahat ng deadlines natapos.. di na sya lakwatsera… atsaka di naman ako boss e, nag bobobossbossan lang..

  9. […] ng sakit na alam ng sangkatauhan… LBM uli ang ginamit na dahilan ng aking colleague na si JAYA para hindi uli makapagreport sa trabaho… naalala ko na pinagbigyan ko sya noon dahil ang […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: