eyeswear…

bakit ba D E F P O T E C ang napili kong alyas sa mundo ng pag blblog?

sa mga di nakaka alam, ang D E F P O T E C ay ang ikaw 8 na nakasulat sa snellen eye chart… ang ibig sabihin nito, kung nababasa mo ang ika 8 linya habang ikaw ay nag papa chek up, 20-20 ang vision mo.. ngunit kung ikaw naman ay nagtitipid at gusto mo lang pumasa sa mga annual check up.. i memorize mo lang ang defpotec, pero syempre di mo pwedeng sabihin yan sa duktor na ang defpotec ang nasa line 8… dapat kunwari i spell out mo…

d…e…f….p….o….t….e…c…

magaling magaling magaling!!! pasado sa eye check up!

anyways.. di naman ito tungkol sa pag eksamin ng mata o tungkol sa kung gano kalabo ang mata ko..

ang entry na ito ay tungkol sa aking isang hilig… ang shades….

noong bata pa ako, akala mo ako’y si randy santiago sa dami ng shades ko.. pero since burara ako, di tumatatagal ang shades sa akin….

mga sinauna kong shades ay mga raybans…

1. ray-ban color changing aviators – mukang totoy pa ako nito, pauso kasi ni tom cruise nung movie nya na top gun… inaamin ko, gusto ko maging kamukha ni tom nun, pero nagmukha lang akong tisoy na bangaw sa laki ng aviator shades ko na yun..

2. ray-ban orbs – first trip ko sa bora, eto yung dala ko, isa sa pinaka swak sa mukha kong shades, ayun.. nawala din to sa bora.. dun palang sinabi ko na sa sarili ko na di na ako mag re reybans…

3. oakley XX metal Ti-02 – matapos ang ilang taon, nung lumabas ang xmen, nagandahan ako sa shades na suot ni cyclops… kaya ayun., bumalik ang interest ko.. tandang tanda ko pa 16thousand ang bili ko dun.. tuwang tuwa ako… kaso mo, may natuwa rin sa kanya… isang araw, naiwan ko to sa gym…. nung naalala ko at bumalik ako sa gym… parang bulang nawala… (may cataract na yung numenok nun)

4. oakley juliet X metal – eto naman ang pinambayad sa akin ng kebigan ko matapos ko gawin ang mga pinarating nyang mga playstation2… uso pa nun ang pag convert… kaya ayun…madali naman akong kausap, inoffset ko nalang sa shades nya ang pambayad.. kasama ko rin to sa 2nd trip ko papuntang boracay… di ko na sya winala…

5. oakley XX metal Ti-02 – hindi ko sya napulot or nakita muli,ngunit nung may nakita ako sa ebay na binebenta(10k) binili ko na syauli.. kaya ayun…. para akong merong gf na binalikan ako matapos ang 6 na taon.. sarap ng feeling… parang di ko na kelangan mag sex..

sa ngayon tapos na sana ang aking craving sa eyewear, pero meron akong nakitang shades kamakailan… di ko talaga pinalagpas… ibang klase sya… dual kumbaga.. pwede mong i flip yung shade part kung madilim na.. ang ikinaganda pa nito, wala akong kapareha masyado.. rare find ika nga.. kaya binili ko to agad agad…

ayaw ko kasing ipaalam masyado sa mga tao, baka gayahin ako.. kaya click nalang kayo dito, dito at dito

Advertisements

12 Tugon to “eyeswear…”

  1. ang gaganda ng line up ng choices…

    ang laki naman ng shift ng taste…

    pero bagay sya..

  2. ayus, prang hugh grant ng notting hill 😀

  3. pag yung latest shade mo ba ang suot ala x-ray vision? curios lang… 🙂

  4. nakita ko nga yang oakley juliet X metal mo na suot-suot mo dun sa pic sa bora.
    kanina madaling araw ko pa ‘to nabasa entry mo, nung nakita ko mga pics mo para akong naalimpungatan! ganda ng mga kuha…bagay na bagay!

  5. ..pero wala naman kinalaman yung manekin sa background dyan sa shades no? wala? k.

  6. nakow, pareng def… isa ito sa pinaka-matinding disappointments ng buhay ko — ang hindi makagamit ng matinong shades. me grado kasi mata ko (175/200)… hindi na ako umaabot sa “defpotec” section ng eye exam na unaided by artificial lenses 😦 sarap pa naman magsuot ng oakleys kapag kalbo. wehehehe

  7. ilang shade na rin nawala ko! yung oakley na paborito ko, nawala ko sa sinehan, maligalig kasi yung ka-date ko eh! nawala tuloy sa isip ko! 😦

  8. gusto ko yun dark shades para di halata kung san ka nakatingin hehe.. tapos pede ka pa magsideline.. pwesto ka lang sa sidewalk at maglagay ng baso sa harap hahah

  9. 16k nawala? ang saklap naman talaga ng kinahantungan ng eyewear mo…mainit sa mata yan..ayos sa eyetest ah ngyon ko lang napansin na dun galing ang name mo.

  10. malabo mata ko…
    during eye examination, the biggest E (top) is still blurry for me.
    and if i will be wearing a shades, its better if i have contact lenses on or may grado talaga ung shades… amf!

  11. it ka pala namin ha, humanda ka pagnasalaubong kita. lol

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: