assassin’s greed..

nakapag ayos ayos din ako ng kwarto ko nitong mahabang weekend… di na ako magpopost ng before and after shots.. kasi nakakahiya talaga ang before.. as in parang tinornado ang kwarto ko, yung after nalang ilalagay ko…. take note, ako lahat ang nag remodel rearrange ng kwarto ko, walang katulong, walang kasama.. ako lang…

kahit na isang beses lang ako umuwi sa bahay ko sa isang linggo, dito ko parin binubuhos ang buhay ko.. ewan ko ba.. ayaw ko kasi manood ng sine e, so ang sabi ko sa sarili ko, ang sine ang iuuwi ko sa amin..

ayan… medyo kinahiligan ko talaga ang dvd.. sa kanang bahagi, ay ang mga japeks, at sa kaliwang shelves ay ang mga origs.. mahilig ako sa origs lalo na kung blockbuster at yung mga nakakabitin na TV series… ang agila na nakikita nyo ay hindi tunay na agila… yan yung texas na alaga namin na tisoy CGI lang na agila yan sa larong “assassin’s creed“, ok yan game na yan.. pero mamaya na ang kwento ko tungkol dyan…

tamang tama bumigay ang lumang component ko, kaya ginamit ko ang aking bonus at nag set up ng home theatre.. bumili ako ng speakers na 5.1 surround.. mission 77 series.. kumpleto, kahit na wala na sa budget ko.. mabuti nalang, merong di ginagamit na receiver/amplifier na yamaha.. so pwede na pagtyagaan for now…

medyo di pa ako natuwa sa arrangement ko, kaya nag lagay pa ako ng mood light.. para pakyut..

balik tayo sa game… maganda ang tema (theme) ng game na ito.. sa panahong 1100-1200AD (panahon ng templars).. at ang lugar ay sa jerusalem, damascus, at acre.. so sa lawak ng game na ito at medyo mawawala ang kung wala akong mapa, e minabuti kong ilagay ang mapa sa pader..

actually, hindi yan mapa.. hinila ko na ang sagging (sorry banannie) wallpaper ko, and since nagkaroon ng mala map na design, inisip ko nalang gawan ng kwento.. pero next project ko pa yan, ipapa sound proof ko ang room ko.. susubukan ko gawin yun ng sarili, kaya lang sobra na sa pagtitipid yun kung ako pa ang gagawa nun..

wag nyo nalang pansinin yung tela na nakasabit sa window ko, pampadilim yan.. dati kasi akong night shit shift… kaya sa umaga ako tulog…

ayan ang ating bida, si Altair.. (alam ko dati dapat ang pangalan nya AZRAEL -totoo yan, no joke, ewan ko lang bat pinalitan ng mga developers sa huli.. baka di nila kinaya ang talent fee ng poging mamang yun).

ayan naman ang damascus or jerusalem sa game.. ang ganda diba? (wag nyo nalang pansinin si garfield ok?di ko matanggal tanggal kasi yan yung unang nilalaro ng pamangkin ko kapag pumapasyal sya sa kwarto)

….at yan ang title screen ng game.. at sa aking pagpapaalam, iiwanan ko kayo ng isang paalala kung bakit sa tingin ko ay ito ang magiging game of the year…. (hindi ko pa nararating ang stage na ito, pero siguradong vivideohan ko kapag nakarating ako dito)

panoorin nang malaman kung bakit nya nakuha ang boto ko!

Advertisements

8 Tugon to “assassin’s greed..”

  1. mukha ngang nakaka-adik yang laro na yan, pareng def… fans pa naman ako ng crusades. hanggang ngayon e walang sawa ko pa ding pinapanood yung kingdom of heaven 🙂

  2. Uy Inaadverise pa lang sa amin yang game na yan ah! Tsk! Talagang masyadong huli na dito, yung iphone nga daw sa april pa yata magiging available dito.

    Happy gaming! 🙂

  3. di ako maka relate, waaaahhh. ang alam ko lang jackstones eh 🙂

  4. wiiiiiiii, may CSI , Alias, House at simpsons 😀 sarap ransakin hehe
    at may gift in a box, ano kaya laman hehe (ay chismax aq 😀 )

  5. @taroogs: mukang kakaadik nga, sayang naabutan ako ng last minute…. next week nalang ang laro..

    @kiks: dinedelay ang iphone para tumaas ang presyo.. bad..

    @kkk: sorry kengs, yaan mo, next blog ko.. subukan ko ang piko, or tumbang preso…

    @koreanmine: yang gift in a box na yan circa 2005 pa ata.. mga gifts ko since 2005 di ko pa nabubuksan.. ewan ko…. ayaw ko na ng christmas.. gastos lang..

  6. nag ayos ka na sa lagay na yan ha? yung blinds mo, rainbow colored?…hmmmnn
    wala yata jan yung collections mo ng barbie dolls a. tinago mo?

  7. @moo: yung barbie dolls nasa loob na ng aparador.. ive totally outgrown my barbie days… atsaka re blinds, so tacky.. kay tinakpan ko muna habang hinihintay ko yung delivery ng baby pink colored blinds.. rainbow is sooo 70’s

  8. parang gusto kong lumusot sa laptap ko at ayusin yang kwarto mo hehehehe. inpernes maganda yang game na yan ha. ano na nga ba yan? lols. e kas naman ang ko lang transformers, mortal kombat, robotech, ssx blur, metroid at zelda hehehe. sa wii lang ako naglalaro.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: