patunayan mo nga!!

isa sa mga kinalolokohan kong show ngayon ay ang show sa discovery channel na MYTHBUSTERS… sa mga di nakakaalam o di pa napapanood ang show na to… ito ay tungkol sa 2 magkapatid na nakulong sa isang state penitentiary mala sayangtipikong nilalalang na ang tanging hangarin ay ang magpatunay or magberify kung totoo nga ba ang mga kasabihan, ang mga kuro kuro, or mga paniniwala or sa ingles….myth..

eto ang description ng myth sa dictionary.com:

myth [mith] Pronunciation KeyShow IPA Pronunciation –noun

1. a traditional or legendary story, usually concerning some being or hero or event, with or without a determinable basis of fact or a natural explanation, esp. one that is concerned with deities or demigods and explains some practice, rite, or phenomenon of nature.
2. stories or matter of this kind: realm of myth.
3. any invented story, idea, or concept: His account of the event is pure myth.
4. an imaginary or fictitious thing or person.
5. an unproved or false collective belief that is used to justify a social institution.

nakaka impress ang kanilang mga resulta at kung pano nila ito nararating…

so naisip isip ko, ano pa nga ba ang may pinakamaraming paniniwala kungdi ang mga pinoy!!?? so isa aalang alang ko ang aking kapakanan, para lamang patunayan ang mga sabi-sabi kung itoy totoo nga o hinde…

at kung totopakin, nais ko rin na mapatunayan, sa pamamagitan ng self test…at sayangtipikong mga paraan kung meron kayong mga kathang bagay na bumabagabag (bigkasin ng mabilis) sa inyo…

at since katawan ko at budget ko rin ang nakasalalay… pagbigyan nyo akong mamili ng mga eksperimentong susubukan….

myth #1: ang pubic hair or bulbol (bolbol sa mga bisaya) ay kumukulot dahil sa init na dala ng pagkatalukob ng ating patung patong na damit:

bukod sa madami akong buhok sa katawan (pero di naman tulad nyang nasa picture sa itaas-OVER!!), at dahil narin sa blog ni king dj logan, ay naisipan kong patunayan kung tutoo nga ito… marahil ay narinig nyong madalas ang joke na: kung gusto mo instant kulot sa buhok, magsuot ka ng panty sa ulo.. pwes, ngayon na ang panahon… patunayan nating kung tutoo nga o hinde…

habang nag iisip ako ng attack plan, naisip ko ang mgaarabo… at naisip ko na possible nga… dahil, may nakita na ba kayong arabo na di kulot/wavy ang buhok pag tinanggal nya ang turban nya? may tama ka!! naisip kong tanunging ang ating resident manghuhula at pinakamamahal na si swami, ngunit naisip ko, di naman sya arabo, bumbay sya… so out na sya sa eksperiment..

SWAMI: ayuf, i em indian yoo moron, bombay is a place!!

so on with the mythbusting…

preparation:

since wala naman masyadong props and gastos ang kelangan ko dito, naisip kong mag before and after shot lang…. eto ang kaliwang kamay ko sa umaga, bago ko balutin ng bandage dahil narin para maimmobilize ang aking kamay para sa mabilisang paggaling g aking kamay…

kung inyong mapapansin, medyo kinky ang hair ko sa braso (balbonic itetch) pero ok lang… derecho parin naman at wasto lang sya sa eksperimento…

binalot ko sya magmula 830am-730pm… di naman ganun kahigpit… yung tama lang na parang nakasuot ka ng panty…

eto ang kinalabasan pagtanggal ko ng bandage after 11 hrs..

o nakita nyo ba ang pinagkaiba? kulot na ang mga buhok ko sa kamay… sa itsurang parang nagkaroon pa ako ng pubes sa braso…

so sa madaling salita sa, maari na nating masagot ang katanungan na ito: bakit kulot ang bulbol? dahil di ito makahinga at kulob ito!!

KASAGUTAN: ang sagot sa kasabihang magpanty sa ulo para makatipid sa perm sa parlor: PLAUSIBLE (pwedeeeeeee!!)

MYTH # 2: ang DUCT tape ay sing bisa ngunit di sing mahal ng pagpapawax pagdating sa tanggalan ng buhok sa katawan:

sa dinami dami kong napanood na komedya, minsan di natin mapaniwala kung totoo bang ganun kadikit ang duct tape.. kung inyong napanood ang 40 year old virgin, malaman matatandaan nyo ang sakit at itsura ng mukha ni steve carell nung sya’y tinanggalan ng balahibo sa katawan… halos mapasigaw sya at mapasayaw…

at since wala akong panahon para sa waxxing waxxing treatment na yan, at wala din akong pera, naisip ko na wag nalang gawin to… pero ito ang pumasok sa isip ko..

si dalaga ay masayang nag papahinga sa kanyang bahay… wala si bf, nag abroad para sa isang convention… buong buo nya ang weekend, nagrerelaks, nang biglang may nagdoorbell…

DING DONG!!

dalaga: sino yan?? (naka mudpack pa at towel sa buhok… gusto siguro magpakulot)

boses: surpriseeeeeeeeeeeeeee honey!! im backkkkk!!!

dalaga: h-h-h-haaa?? naku!! sandali lang!! 5 minutes lang, im still in the shower!! (nagsinungasling! ang totoo nyan, yung buhok sa paa nya at bigote nya ay mas mahaba ba sa bf nya… isama mo na ang buhok sa kilikili, wala ka nang panahon para mag apply ng wax)

choose your destiny:

a. mag shave agad agad? e katakot takot na razor cuts ang makukuha mo nyan pag nagmadali ka… baka mapagkamalan pang night of the living dead ang mga sugat sa mukkha at katawan mo kung eto ang gawin mo

b. mag inarte na masama ang pakiramdam mo at pabalikin nalang si hon?? (bago nya isipin na bat ka naliligo kung masama ang katawan mo)

c. kunin ang duct tape, itape sa mga parteng bulbulin… hilain ng madalian at subukang wag sumigaw…

kaya ginawa ko to para sa inyong mga babaeng nahaharap sa ganitong sitwasyon….

preparation:

para sa eksperimentong ito, konti lang ang props na kinailangan ko… isang konting duct tape lamang… at ako…

b4nafter.jpg

dahan dahan kong tinapean ang maseselang bahagi ko ng katawan.. (nag ala porn sexy star ako)..

..naghintay ng ilang minuto…

sabay HATAK!!!!

di maintindihan ng nga nakarinig ng sigaw ko kung ako ba ay isang asong nauulol, or nag tatarzan-tarzanan…

at medyo napatalon din ako sa sakit…

RESULTA:

buti nalang na andyan parin ang nippols ko… pero ang masasabi ko is.. POTA ANG SAKIT NUN!!! pwede siyang gawing pang torture sa iraq! isa ito sa mga eksperiomentong iiwasan ko, pero in da name of sayans and the girls who are in a hurry… eto ang nakuha ko

pwede mo siguro itong ulit ulitin para clean shaven ka.. pero marahil luma narin ang duct tape ko at medyo matibay ang buhok ko, konti lang ang nabunt ko..

KASAGUTAN: PWEDE!!!!

Advertisements

14 Tugon to “patunayan mo nga!!”

  1. imagine the pain that we girls go through para maging silky smooth ang underarms?
    i used to pluck my underarm hair nung hs/college, kaya lang i noticed, mejo nagchi-chicken skin, tapos i saw a friend’s armpit, smooth talaga, shaving daw ginagawa nya. so switch to shaving din ako. kaya lang ang bilis mag-grow back. so i tried waxing. the first time was really terrible. ambaba ng tolerance ko for pain. powta, sobrang sakit pala. ang nakakatawa mo, sabi ni waxing girl: ma’am may asawa ka na?
    sagot ko: wala pa, pero malapit na
    waxing girl: balik ka dito, before you get married, bigyan ka namin ng bikini wax
    sagot ko: grabe, kilikili pa nga lang naiyak na ako eh, di ko pa nga malaman kung uulit ako, bikini wax pa kaya? di ko ata kaya.
    i eventually found a salon na hindi masakit mag-wax. ang masaklap mo, the girl who does the waxing, resigned na. di pa naman ganun kasakit pag-wax nya. tsk tsk.

  2. masakit pag di regular ang pagwawax, pagregular na masasanay ka na at di na masakit masyado.

  3. buti ako walang ganyang problema… yun nga lang kapag malamig na dito minsan di ko na madalas makita kilikili ko, hehehe

  4. ang sakit nyan! hindi talaga pumasok sa isip ko ang mag pa-wax, lab ko ang mga buhok ko sa katawan 😀

  5. wala din ako masyadong problema pag dating sa ganyan,, buti na lang! yes!

    pero in the fair of ness, super balbonic itong si def, nakaka kilita ka siguro hihihihih

    xiao!

  6. @antuken: sana kinuha mo ang number nya, para kung nag resign siya, may home serbis ka pa

    @banana: onga, tapos sarap pa pag nag rorole playing kayo… ay teka, wax ba sabi mo? kala ko sex…

    @kkk: naku, pag winter siguro ang hahaba ng bushy bushy nyo…

    @angelbert: ako din, mahal ko buhok ko sa katawan, pero this is all in the name of sayans

    @brath: mukhang nakilita ka ng husto ah.. picture palang yan ah!

  7. moo, pwede ko bang hingin ang mga dumikit na buhok sa tape? wala lang…parang gusto ko sya ipasunog. bwahahaha!

  8. wahahahaha! kaya pala ni minsan ay di sinubok ni kuya germs na mag self-exfoliate! pareng Def, epekto ba itong experiment na ito ng pagkainip mo sa pag-galing ng iyong kamay? 🙂

  9. amm di q maxado ma gets kung anong body part yung may duct tape 😀

  10. Kuya Moo:
    “onga, tapos sarap pa pag nag rorole playing kayo… ay teka, wax ba sabi mo? kala ko sex…”

    Masarap naman talaga pag may role playing after ng wax. Nakakatanggal ng sakit, lalo na pagmakinis na ang pepe.. Parang baby, sarap.

    You tried that? Sa utin? Winax mo?

    Niyahaha!

    *shet ep na*

  11. @anniepie: lols! lols! lols! may PMS ka ano? ayos hormones mo a.

    @mine: sa singit yan dun sa ibaba. nakikita mo ba yung mahabang makintab na brown sa tabi ng duct tape? yan yung nasa pagitan ng hita.

  12. lalong kumirot ang ano ko kay banana.. yung tipong makirot na masarap sa pakiramdam’

    def next time try mo naman sa pilikmata..

  13. Mega experiment pa talaga si def, bravo! Di ko pa natry magpawax, iniisip ko pa kasi kung ano papaalis ko hehehe. Baka yung suggestion ni Jon ang paalis ko 😀

  14. yay..apanood ko sa unang celebrity edition ng PBB yung si John prats nag pa wax bilang sacrifice nya.. Grabe parang ang sakit nga.. What more pa kaya kung sa ano yon.. waawwwcch…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: