sex, lies, and videogames…..

isang addiction na di ko talaga maialis sa aking buhay ay ang sex videogames.. magmula bata pa at bago pa man ako natutong pumindot ng letra sa keyboard, ay naglalaro na ako ng joystick…(hindi yung joystick na nasa madumi nyong utak, 13 na ako nung natutunang laruin yun)… unang kita ko palang ng atari 2600, or colecovision ata yun.. basta first videogame ko.. pinball.

mga 6 years old ako nun.. 2 oras ko nilaro ng nilaro ang game… natatandaan ko pa, paddle ang gamit namin ng kuya ko.. (isa din syang video game junkie) … ang game na yun ay pag mamayari ng ex PBA player and now UAAP comissioner Ed Cordero. kung paano ko sya nakilala, ay sa ibang entry ko nalang ikwekwento, pero salamat sa kanya, pinakilala nya ako sa buhay ng videogames.

atari 2600, family computer, sega mega drive, sega cd, sega 32x, superfamicom, playstation 1, segasaturn, sega dreamcast, nintendo 64, 3DO, sega game gear, nintendo gamecube…. eto lang ang mga natatandaan kong mga consoles na meron ko noon, may they rest in peace..

at ngayon, ano naman meron ko? xbox, playstation 2, ps3, xbox360, wii, nintendo ds lite, psp…..

dahil sa mga yan, nauubos ang oras ko at panahon…

for comparative purposes, eto ang mga screenshots ng starwars na game na nalaro ko.. take note of the improvement:

atari2600: star wars: the empire strikes back


woohoo!! pink skies, isang ATAT walker na mukang titi ang ulo at isang spaceship na kulay fenk lavender na korteng baril… ewan ko pano ko to nasikmura..

family computer:star wars


blue caves, isang luke skywaler na walang mata at 3 famicom ang nasira dahil sa kakasundot at kakaground sa controller port 2 para maka continue.. (pero isa sa unang games na natapos ko)

nintendo gamecube: rogue leader: rogue squadron 2


ayan, paganda na ng paganda ang graphics…. medyo lumalapit na sa movie counterpart ang graphics..

xbox: star wars kotor (knights of the old republic)


eto ang isa sa pinaka ok na starwars title na nalaro ko..

ang galing diba.. nakikita nyo ang unti unting pag improve ng quality… in 25 years time.. from lego bricks graphics to cutting edge CGI… sino ba naman ang di maaliw..

so nung saturday, nagshopping ako sa fave kong datablitz,naghanap kung anong bagong game.. sabi ng saleslady may starwars na daw para sa ps3… syempre tuwang tuwa ako, walang tingin tingin… binili… nagmamadaling umuwi… isinalang ang game…. eto ang lumitaw sa screen ko…

HA? di ako makapaniwala.. 30 years of research and development of technology in video games…. from blocky pixelated graphics to cutting edge CGI… mauuwi lang din pala sa lego blocks ang isa sa pinaka magandang movie saga na ginawang game sa isa sa pinaka powerful na machine sa balat ng lupa ngayon!! alangya!!

(nariring ko tuloy na pinagtatawanan ako ng mamang to habang humihinga sya ng malalim)

pero nilaro ko narin, fan din naman ako ng lego e.. not bad ha.. cute pacute ang dating…

ayun, para akong timang na naglalaro ng lego at videogames.. pero pwede narin… not bad..

at sa aking pagpapaalam, eto ang next na inaabanagan kong game.. pag lumabaas to, bibilhin ko rin to…

Advertisements

6 Tugon to “sex, lies, and videogames…..”

  1. teka inaliw mo kami sa kwento eh.. nasan na yung sex and lies? puro naman video games eh. hehehe the absence of sex is the lie ba? joke pogi. sugapa din ako sa video game at nasundan ko din yang atari hanggang family computer hanggang ps1. kaso di ko na afford ang iba pa hehehe kaya balik ako sa tumble bugs ๐Ÿ˜€

  2. hanggang tennis lang ako sa game and watch e.

    tsaka galaga, lode runner at battle city sa nintendo family computer.

    yung joystick na natutunan mo nung 13 ka(…un lang yata ang ‘sex’ part na nasa title, pareng selv’s), 17 ko na nadiskubre yun(…’lie?’ heheh)

  3. wala bang TETRIS? sa lahat ng games yun lang ang pumasa sa pihikan kong panlasa. from level 1 to 4 lang ako kasi pag umabot na sa level 5, binibitiwan ko na kasi malakas na ang kabog nyan ng dibdib ko. nenerbyos na ako nun kaya stop na ako. bakit ko nga ba papahirapan ang sarili ko?

    ay meron pa pala akong gusto na video game..yung ZUMA. ๐Ÿ˜€

  4. naaalala ko pa, nagpapabili ako sa tatay ko dati nung octopus na game n watch,, sabi nya sakin sige ibibili kita, pag naging first honor ka sa skul, kelan ko lang narealized nung may anak na ko na ang katumbas pala nung sinabi nya ay ” pasensya ka na anak, mahirap lang tayo di natin kayang bumili nyan” demet’

  5. hahaha, naalala ko yun atari namen nun elementary days…nakakatuwa…ang galing ng technology no

    madalas sumakit ang right hand ko nun dahil sa joystick na yan

    hahahaha, parang tetris lang yung atari dati ahahahhahaha

  6. @selvo: totoo yan, magastos nga ang vidgames.. buti nalang andaming pirata, pero sa ngayon. wala pang pirata sa ps3.. wahhh.. tungkol naman sa sex… its all a lie, so may videogames nalang..

    @chaden: late bloomer ka pala…

    @moo: hilig mo talaga sa kalbong green na hunk na may 2 sawa sa leeg

    @jon: hahanapin ko yung octopus ko, bigay ko sayo.. para mafeel mo naman yung 1st honor mo…

    @maling: hmmm sakit right hand dahil sa joystick.. hmmmmmmmmmm

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: