burnout o blogout // a brush with a celebrity…

nakaka miss din pala kung wala ang boss mo, pero ngayon ang uwi nya galing ???…… ewan ko san ba naglakwatsa yun.. di naman sa umaangal ako, dahil behind parin naman ako sa mga deadlines ko… yun nga lang, minsan nakakarelaks din yung mautusan ka na gumawa ng ala mission impossible.. im sure alam ni jubi pano feeling nito… ang naiba lang nga, sya naiinis sa boss nya, ako naman, natutuwa..

lately parang tinatamad na ako mag post ng blog, kaya basa basa nalang ng ibang blogs.. nawalan na ako ng juices (yung creative, hindi yung putiputi), nawalan ng kwento..nawalan ng gana… yung swami episode 3 ko, nakasalang… ewan ko ba.. baka kelangan ko lang ng pahinga..

pero kahapon, nakita ko ang totoong joe d mango sa isang convention expo sa world trade (hindi sa new york, dito lang sa buendia) ..medyo kinabahan ako… ganda ng asawa nya, tisayin na chubby….. naktatinginan kami (ni joe, di ng asawa nya)…. eye to eye… eto ang pumasok sa kukute ko….

parang familiar sya ah…. kilala ko sya eh!!

siya din napatingin sa akin…isip nya siguro..

naku.. parang minumukaan ata ako nito.. kilala ako nito!!

tapos eto tumakbo sa isip ko….

ALAM KO NA!! SI JOE D’ MANGO TO!!

sabay tingin ko sa nameplate nya… di naman “joe d’ mango” ang nakasulat… kungdi Rolando S….

mental note ng name nya.. i check ko sa google later…

may mga 3 seconds kaming nagmumukhaan… di ko alam kung nakilala nya ako…

medyo kinabahan ako, medyo paiwas na pailag and ready (lito lapid mode).. baka sakaling umbagin ako dahil sa pag spoof ko sa kanyang show na lovenotes..at kahit na mas malaki ako sa kanya, mahirap makipag sapalaran ng iisa ang kamay…

naisip ko, muntik na nya akong maisahan, naka disguise sya ng real name nya.. pero naisip ko, ako din naman naka disguise… buti nalang di pa ako nag fu-full monty.. panay full moon lang… safe si jones.. kakatakot.. friday pa naman kahapon…

kelangan ata mag introduce ng mas madami pang karakter…kelangan linlangin….

Prick D. Ashowle, Swami, Jones, defpotec…. sino pa ba pwede kong isama…

next week merong bago.. promise…

next week may swami.. promise…

next week, susubukan kong mag dear jones.. promise….

next week andito na si bill gates.. promise…

next week, one hand jack parin ako.. promise…

pero ganda talaga ng asawa ni joe… lalo kong naging idol si joe… ganda ng boses nya..

sana gumaling narin kamay ko.. hirap may type e. daming typo…

umbagan! ABANGAN!!!

Advertisements

9 Tugon to “burnout o blogout // a brush with a celebrity…”

  1. promise? 😀

  2. @jojie: promise yan.. kung di ko natupad ang promise ko ay… ay…

  3. parang familiar sya ah…. kilala ko sya eh!!

    siya din napatingin sa akin…isip nya siguro..

    naku.. parang minumukaan ata ako nito.. kilala ako nito!!

    i like the mental exchanes…hhh

  4. swamishhhh — di ko pa napapadala ang aking part of the body. atsaka ka kapag kaya mo na syang hawakan ng dalawang kamay 🙂

  5. swami… di mo pa ko nahuhulaan talaga eh.. bigla ka kasing WALA.. yang tuloy lagi din akong naWAWALA… o ano? meron na?
    MERON…. hahahaha

  6. def…nagbabasa po ako ng blog mo…akala mo lang hindi…pero OO! hehehe 😀

  7. sino kaya susunod na huhulaan ni swami?

    xiao!

  8. @chaden: salamat… you should see how me and professor charles xavier make mental exchanges, i swear, that mutant is a perv!

    @kkk: donut worry, papagaling ako ng maigi

    @angel/kristine sendy: nung nag blog ako, gusto kong makaiwas sa stress ng multiple choice, pero mukang makakalbo ako sa inyong 2

    @brath: hulaan mo…

    @maling: sa friday…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: