my boss’ workplace…

di pa lumalamig ang topic ng aking ‘my workplace‘ blog entry ay nagkaroon ako ng materyal para sa monday edition ko… paano, bago ba naman umalis ang mahal kong boss ko na si Bill Gates, ipinatawag nya ako at ginoyo… sabi nya kelangan daw nya ng tulong ko, eto ang gist ng aming conversation: (re-enactment, not the actual lines)….

Bill Gates: Defpotec, kelangan ko ang iyong tulong….

Defpotec: (feeling importante) yes sir! ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo…

Bill Gates: halika dito tayo..

(dinala ako sa kanyang private office room na konti lang ang pwedeng pumasok… mga super important people lang ang may access dun)

BG: aalis kasi ako sa friday..(oct 26), uuwi ako ng tuesday… sana matapos mo ang ipapagawa ko…

def: (kinabahan…sa wakas eto na ang importanteng assignment na hinihintay ko!!!) yes sir?

BG: paki linis mo naman itong opisina ko…

def: (tumingin ng kaliwa at kanan…huminga ng malalim) ahmmmm ok sir.. no problem sir…

(andami pang instructions pero di ko na isusulat)

ayus.. diba? sabi ko nga.. be careful of wat you wish for…. it might just happen…. pero naknampating.. wala namang lost in translation ang wish ko ah.. di naman ako barok mag english, di rin naman encoded ang wish ko..

2nd time this year ko na lilinisin ang maliit na opisina nya… eto kasing si Bill, may pagka lahing tornado ata…usually 1 week lang, back to normal na ang opisina nya (magulo)… pero ganun talaga…

naisip ko kung sa kanya din ba ako na inspire… kung nakita nyo gaano kagulo ang workplace ko, malamang duduguin ang mata nyo dito..

eto nalang ang konting pampalubag loob na dumaan sa isip ko kaya medyo natuwa narin ako sa sitwasyon ko…

“kung ano ang puno, yun din ang bunga”

“great minds think alike…”

“i am following his footsteps…”

“you have the similarities..”

“you are destined to be like him…”

leche, tama na ang daydream!

samahan nyo ako mag treasure hunt!

ano, parang ang linis na ng workplace ko no?

 

Advertisements

20 Tugon to “my boss’ workplace…”

  1. grabe dep, hahaha. mas malinis pa pala kwarto ko sayo. LOL akala ko ako na ang pinakamakalat na nilalang sa balat ng tinalupan. Astig.

  2. eto ang one million dollar question: KAYA MO BANG LINISIN YAN AT AYUSIN? YUNG MAAYOS NA MAAYOS?

  3. Grabe.. hahaha Akala ko wala nang mas malala pa sa gulo ng kwarto ko… grabe.. talaga! hahahaha..

  4. how can anyone ever work in that mess? hehe.

  5. batuhan kita ng malalaking supot – ilagay lahat dun ang mga asa lapag at nasa lamesa, ibato sa basura. tapos agad ang iyong paglilinis…

  6. need help???grabe ang linis nyan ahhhh….

  7. def… pengeng isang telepono, isang libro at isang absolute hehehe mabawasan man lang yang naka kalat jaan

  8. @blue: madami pa naman mas madumi sa tulad natin… may mga taong grasa, mga taong di naliligo, mga di makaligo… susunod yan na ang susubukan ko..

    @moo: done… gusto mo ng 1% sa 1million korean won?

    @angel: ok lang ang magulo ang kwarto, mas masarap gumulong at mag taguan..

    @antuken: i think my boss cant work in an orderly place, problem is, nahahawa na ako unti unti

    @kkk: … tapos ipadala ko sayo sa germany? di kaya ma deport ka?

    @katherine: ganun talaga boss ko, may pag ka OC…

    @selvo: gustuhin ko man mamigay, that is not my property, gusto mo yung betadine nalang…:D

  9. comment na walang kinalaman sa entry:

    def, una sa lahat hindi ako intsik! alam ko medyo maputi ako at may pag ka chinita pero excuse me! 100% percent pinay to no!
    gusto mo patunayon ko sayo? lols,.,.,.,

    xiao!

  10. @brath: ngunit subalit brath.. ano ba tong binabanggit mong Xiao? san to nakikita? naalala ko ang Maynila, may mga Ped Xing sa kalsada.. akala ko ay unti unti nang sinasakop ng tsina ang pinas.. ongpin st.; t. pinpin; at ped xing…

  11. ang gulo ng kwarto. parang pinasok ng magnanakaw ampft!

  12. pareng def… sa ikalawang litrato… yung mga berde at pulang kahon na naka-bigkis at naka-patong sa book case… mga Buko Pie ba yun? Pabili! wehehehehe…. 🙂

  13. @djaz: mukang style nya yata yan.. tama ka! talino mo talaga.. sinong magnanakaw ba naman ang papasok sa isang lugar na pinagnakawan na? galing! kaya pala naiinlove sayo mga bebot!

    @taroogs: tikoy yan taroogs.. pang next year!

  14. i can be of help. tulungan kita maglinis, bayaran mo ako ng tikoy! haha 🙂

  15. hmmm pwede mag “wheres waldo” dyan ah o kaya finders keepers,
    antindi, kung si gng. cabron ang nanay ng boss mo masasaktan yan!

  16. Hayup, parang kwarto ko! lol

  17. @trish: ooba! ilang tikoy gusto mo?

    @jon: pwede din mag taguan, mag bahay bahayan at mag paya payatasan..

    @docX: naku… kaya pala matalino kang tao…

  18. […] D E F P O T E C welcome to the world of a corporate slave « my boss’ workplace… […]

  19. Yan din ang problema dito sa bahay. 😀 *pinagmalaki pa!*

    Actually, hindi ko problema yan kasi I CAN WORK kahit magulo. I can work kahit maingay. I can work kahit may distractions.

    It happens because dahil sapagkat kasi ang utak ng mga katulad nating ganyan ay tuloy-tuloy na gumagana. If I set my mind to do something lalo’t importante, the mess can wait.

    May suggestion ako to make use of that mess…or the future mess you’re going to have…Bago mo linisin, take the BEFORE picture….then magbago ka ng few items lang…mga 25….mga slight differences lang….tapos take ANOTHER PICTURE from the same angle. O di may pang SPOT THE DIFFERENCE material ka na. 😉

  20. ay di ko makita ung mga pics.. sayang naman

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: