Imbak para sa Oktubre, 2007

dumating na!!

Posted in kung ano ano lang... on Oktubre 31, 2007 by defpotec

sa wakas, na feel ko rin ang excitement at surprise na nararamdaman ko kapag nagpapadala ako ng gamit kay moo. grabe ang tuwa ko at galak ng mabuksan ko ang pinadala sa akin ng aking ka blog close friend na si kengkay.

dear mrs die hards…

salamat sa iyo ng madami… ikinatutuwa ko ang iyong pagiging out of your way para lamang ipadala ito sa akin… at tulad ng sinabi ko , di nga ako na charge ng customs… yey yey.. ang sumusunod ay ang drama ng aking pagkabukas ng package…

ayan syempre, para akong naghihingalo sa pagkabukas… excited e..

.

.

.

… syempre laking aliw at tuwa ko nung binuksan ko ang manila Umschlag…

pambihira! lagut nga ako sa mga little kengkays ni kengkays!! kelangan bumawi!!

.

.

.

at syempre, ang final pic… (hindi yan yung kakapalabas lang na transformers the movie.. yan yung cartoon version noong 1986 nung namatay si optimus prime!)

sarap talaga ng pakiramdam ko… para akong batang nakabili ng laruan..

salamat sayo kengkay ….. at napasaya mo ako… like i said, ayaw ko kasi ma tax.. sayang lang ang binabayaran ko, mapupunta lang sa mga garapal..

makakabawi din ako sayo promise.. pangit lang ang walang ganti!

bis folgendes Mal!!

bat kalbo si mr. clean…

Posted in kung ano ano lang..., the road to perdition with tags , , , , on Oktubre 31, 2007 by defpotec

watta hectic weekend.. long weekend nga.. pero sa mga umaantabay… eto na ang naging resulta sa aking paglilinis ng opisina ni bill gates..

before:

after:

before:

after:

before:

after:

before:

after:

o diba? may new name na ako… ang name ko ay.. MR. Clean! pero di pa ako kalbo ha?…pero kaunting ganitong trabaho pa, malaman hilain ko lahat ng natitirang buhok ko sa ulo…. no wonder kalbo si mr. clean

siguro mga 1 week lang.. balik na sa dati ang kalat sa private room ni bill…

wala akong magawa, pinaglihi siya kami sa turumpo….

gusto ko na munang mamahinga….

my boss’ workplace…

Posted in kung ano ano lang..., the road to perdition with tags , , , , , , , on Oktubre 29, 2007 by defpotec

di pa lumalamig ang topic ng aking ‘my workplace‘ blog entry ay nagkaroon ako ng materyal para sa monday edition ko… paano, bago ba naman umalis ang mahal kong boss ko na si Bill Gates, ipinatawag nya ako at ginoyo… sabi nya kelangan daw nya ng tulong ko, eto ang gist ng aming conversation: (re-enactment, not the actual lines)….

Bill Gates: Defpotec, kelangan ko ang iyong tulong….

Defpotec: (feeling importante) yes sir! ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo…

Bill Gates: halika dito tayo..

(dinala ako sa kanyang private office room na konti lang ang pwedeng pumasok… mga super important people lang ang may access dun)

BG: aalis kasi ako sa friday..(oct 26), uuwi ako ng tuesday… sana matapos mo ang ipapagawa ko…

def: (kinabahan…sa wakas eto na ang importanteng assignment na hinihintay ko!!!) yes sir?

BG: paki linis mo naman itong opisina ko…

def: (tumingin ng kaliwa at kanan…huminga ng malalim) ahmmmm ok sir.. no problem sir…

(andami pang instructions pero di ko na isusulat)

ayus.. diba? sabi ko nga.. be careful of wat you wish for…. it might just happen…. pero naknampating.. wala namang lost in translation ang wish ko ah.. di naman ako barok mag english, di rin naman encoded ang wish ko..

2nd time this year ko na lilinisin ang maliit na opisina nya… eto kasing si Bill, may pagka lahing tornado ata…usually 1 week lang, back to normal na ang opisina nya (magulo)… pero ganun talaga…

naisip ko kung sa kanya din ba ako na inspire… kung nakita nyo gaano kagulo ang workplace ko, malamang duduguin ang mata nyo dito..

eto nalang ang konting pampalubag loob na dumaan sa isip ko kaya medyo natuwa narin ako sa sitwasyon ko…

“kung ano ang puno, yun din ang bunga”

“great minds think alike…”

“i am following his footsteps…”

“you have the similarities..”

“you are destined to be like him…”

leche, tama na ang daydream!

samahan nyo ako mag treasure hunt!

ano, parang ang linis na ng workplace ko no?

 

swami featured palm #1

Posted in broadband only, swami with tags , , , , , , on Oktubre 26, 2007 by defpotec

megendeng eraw sa inyo….

ay wood layk to present too ol op yoo, da perst eber sender op da palm…

……..show me more of you.. and swami will tell you more of you….

please send in scanned pics of your hand/palms, foot, feet.. or kahit pictures of a body part…basta clear… and you might make it to the next episode of ‘SWAMI’ …

send it to defpotecjones@yahoo.com

ang aking workplace….

Posted in kung ano ano lang... with tags , , , , , , , , , , on Oktubre 25, 2007 by defpotec

tinag ako ni moo noon, usually di ako sumasagot sa mga tag tag na yan.. pero since wala din akong magawa, naisip ko why not? eto na ang chance ko para mapakita sa mundo mga basura ko.. please.. wag naman sana ako isumbong sa mmda…

ok ok, just kidding.. di naman yan yung rig ko (wish ko lang).. pero feeling ko mga 2 years from now, dyan din mapupunta rig ko…

anyways.. since madami din akong binubunot na mga katuahan, natural kelangan ko ng madaming opisina at madaming lamesa not to mention madaming PC.. so eto ang setup ko sa umaga.. (please, wag niyo na linisin, mas lalo kong di mahahanap ang aking mga gamit)

at sa aking pag uwi, para matapos ang mga di natapos na trabaho, kasama na dito ang mga kalokohan, production ng swami and lovenuts, mga voice overs at mga pahabol na last minute requests, eto ang rig ko sa tinutuluyan ko…

wag kayong mag alala, walang easter egg dyan.. pero sana nga naman, may treasure sa ilalim ng tambak na yan.. feel na feel ko pa naman mag treasure hunt… walang pintasan please.. for sure pretty soon sisipagin din ako mag linis nyan.. nafefeel ko na… pero kung wala kayong magawa, hanapin nyo nga picture ko, andyan lang yan…

mga bagay na di nyo napansin…

Posted in kung ano ano lang... with tags , , , on Oktubre 24, 2007 by defpotec

mahilig ako sa easter eggs…

eto ang description ng easter egg:

An Easter egg is an unexpected surprise, perhaps a message, an image, or a sound, hidden in a Web site or in an application program

  1. A dyed or decorated egg, traditionally associated with Easter.
  2. A hidden feature in computer software, a DVD, or a video game.

palibhasa natutuwa ako kasi yan yung mga bagay na di nakikita ng pangkaraniwang tao. mga intellehente lang ang nakakapansin nito at yung mga paranoid at mga conspiracist…. or theorist? basta yun na yun..

sa aking pag umpisa ng blog, naisip ko na nakakatuwa kung may isang seksing magandang babae na kapareha ko ang wavelength ng utak… (249mHz).. or yung bubusisiin lang ang mga entries ko para lang makahanap ng mga hidden ek ek na yan.. so along the way, nag plant ako ng mga easter eggs.. di ko narin mabilang mga easter eggs ko sa mga entries, basta andun lang sila…clue: pwedeng mga hidden messages sa picture, video, sa blog mismo, pwedeng nakatago nakalitaw, iba ang kulay.. basta treasure hunt kumbaga…

bakit kamo? gusto ko lang, kasi nakakatuwa diba… atsaka meron extra value ang entries… kumbaga, di mo lang alam, may mga hidden hidden ek ek pala mga entries ko.. so ang gagawin mo ngayon, isa isa mong uulitin, babasahin.. kikilatisin at oobserbahan mga entries ko.. anong maidudulot nun sa inyo? wala… makakatulog lang kayo na nalaman nyong nakuha nyo ang easter egg/hidden message.. anong maidudulot nun sa akin? wala… extra clicks lang…dagdag ng traffic..

anyways… eto, since nagpalit narin ako ng theme, eto narin ang paraan baka sakaling maging obvious ang ibang hidden eggs…

game! treasure hunt na!

the most exciting email i recently received…

Posted in kung ano ano lang... with tags , , , , on Oktubre 22, 2007 by defpotec

dear kengkay

salamat sa iyo at napakalaking tulong mo… you just made me reach a part of my dream.. oo alam kong mababaw, pero malaking bagay to sa akin.. babawi ako sayo… si swami, si jones, at lahat ng personaliting tago tago ng katauhan ko..

nagpapasalamat narin yung mga personaliting di pa nagpapakita..

alam ko medyo mahirap maintindihan ang email na yan, pero kung gusto nyo malaman kung ano yan, si kengkay nalang ang tanungin nyo, di lang sya isang bukod tanging ina, marunong din syang mag alemanyan.

kkk, sa kaunti kong natutunang deutche, eto lang masasabi ko sayo… salamat teacher babel:

viele danke Sie und Ihre Ausdauer, verdanke ich Ihnen meine Freude und Glück. können Ihre Kinder bis zu wachsen sind so wundervoll, wie Sie sind, und können Sie eine ewig Verbindung haben, die mit einem aufregenden Supersexualleben komplett ist.