anak, asan ka nung nag headbang ako…updated!!

nainggit ako sa mga kablog ko .. lahat sila may post tungkol sa anak nila, andyan si moo, az, banana, etc etc… ang topic ko sana ngayon ay tungkol sa aking mga anak, kaya lang may mas importanteng nangyari kanina, kaya isasantabi ko muna ang post re anaks…

isasanguni ko sana ito kay docX, kaya lang mas mabuti na munang i post ko dito ang aking mga tanong bago ako hihingi ng konsultasyon sa kanya…. pwede ko itong gawing ala lovenuts style, dog style este doc style or kahit anong style..

dear docX,

mahilig ako sa dinuguan… hindi yung kabuwanan bisita ng babae, altho hilig ko rin ang babae, pero wag lang yung dinudugo.. kadiri…

mabalik tayo sa dinuguan… ewan ko ba kung may sa dracula akong lahi or galing ako sa transylvania o anu… pero ang hilig ko talga sa dinuguan…kaya eto sana matulungan mo ako sa tanong ko..
question:

dinuguan2.jpg

1. ano ang nutritional value ng dinuguan?

2. masama ba ang kumain ng marami nito?

3. ano ang side effects if ever masama ito?

4. kung kumain ba ako ng marami nito, duduguin din ba ako?

5. normal ba na mag kulay dinuguan din ang ebak by product ko?

6. bat puto lagi ang katambal nya? di ba pwedeng sky flakes? (diet kasi ako), or krispy kreme?

siguro yan nalang muna ang tanong ko docX, at kung may idadagdag ako, ipahabol ko nalang..

breaktime muna…

whats on her mind??

eto na pala ang pahabol doc..

nasubukan nyo na bang napuwing ang tenga nyo? yung bang, pinasukan ng tubig ang tenga mo tapos hirap na hirap kang tanggalin yung tubig na yun…. pilitin mo man mag headbang, tumalon ng parang praning, or itagilid nyo ang ulo nyo ay napakahirap itong tanggalin.. yun yung kapag ikaw ay kumagat kagat, may naririnig kang echo..echo..echo..co..co… ay hindi pala echo.. reverb pala…

1. ano ang tawag sa medical condition na ito docX? (kung meron ngang tawag dito).

2. bukod sa headbang, ano ang iyong maipapayo na madaliang pagtanggal ng tubig sa tenga? wag na yung cotton buds, di ito epektib…

3. masama bang hayaan nalang ito at wag pansinin?

4. mapait din ba ang lasa ng tubig na ito pag lumabas na sya?

5. bukod sa swimmers/divers and rockers, sino pa ang madalas apektuhan nito?

my video after my break…

yan lamang po docX ang mga katanungan ko.. di ko naman inaasahan na masagot nyo kaagad lahat.. malaki pa nga ang pasasalamat ko kung pansinin nyo ang tanong kong ito… mabuhay ka doc.

sincerely,

Defpotec…

ps. wala naman talaga akong maipost na tungkol sa anak ko, wala naman kasi akong anak.

eto ang sagot nila…

report broken/non working videos at defpotecjones@yahoo.com  

Advertisements

23 Tugon to “anak, asan ka nung nag headbang ako…updated!!”

  1. moo, masarap ang dinuguan ng Goldilocks lalo na ngayong tag-ulan. 😀 natikman mo ba yung dinuguan nila?

    mga last week netong buwan magkakaroon din ako ng dinuguan…like mo? 😆 wala lang … jaz enkeys u wana know.

  2. wow! likod pa lang ulam na! 😛

  3. hmm ang ginagawa ko pag ganyan sa tubig ka mag headbang.. yung tenga mo lang ang nakalubog,, hmm halimbawa sa balde ng tubig.. gumagana sa kin yun’ try mo’

    parang gusto kita sabitan ng perang papel sa garter ng boxer mo..

  4. […] Filed under: Blogging — CareTaker @ 10:48 am Maraming salamat sa tanong ni Defpotec. Napag-utusan lamang ako na sagutin ang kaniyang tanong dahil si Isagani X ay medyo abala sa […]

  5. wish ko lang maintindihan pa ni def lahat ng naka sulat dito, sa tingin ko alog na utak nya..

  6. pucha ka def nyahahahaha! ngayon lang ako natawa ng ganito! ayus yung video ah lol. hinihintay ko matanggal ulo mo sa sobra headbang eh. ang tindi moooooooooo! lol

  7. nyahahaha! galeng galeng! encore! encore! 🙂

  8. isagani x, m.a. Says:

    Who would have imagined, dancer ka rin pala.

  9. mamatay na ka-officemates ko kakatawa. LOL!

  10. @moo – ayuf.. mamuy moo!
    @jovi – gusto mo dinuguang baby back ribs?
    @jon – dollars lang ang pwede isabit sa boxers ha.. mag split pa sana ako
    @red – di ko nga maintindihan eh.. sakit ng ulo ko..
    @az – intayin mo yung ginagawa kong sayaw sa mga astig na mixes mo
    @trishbabe – id love to do an encore, but i can do only one performance per night…
    @docX – ako man ay di ko rin ma imagine; kaya ako nagpakabangag..
    @ jojie – shucks, di ko rin alam anong kiti kiti ang laman ng dinuguan na kinain ko..

  11. sayang di ko mapanood.. langyang dial up to. tsk. tsk. sana may mag volunteer na i kwento yung video.

  12. @kuya tolitz
    niyahaha sayang di mo mapanood. hihihi…

    @kuya def
    waaaaaaa.. di ka ba nagka stiff neck after that? niyahaha!

  13. japorms851st Says:

    i’v read all your posts…

    bravo!!!

    keep it coming…

    keep me POSTED!!!

  14. isagani x, m.a. Says:

    I added you sa feed reader ko, minsan kasi na mimiss ko ang entry mo. Akala ko wala ka update, yun pala wala ka pala sa rss aggregator ko.

    done! ngayon lagi na kita mababasa.

  15. […] (sino pa nga ba?), Khonz (my favorite reader), Bonnie (kilala ko kung sino may crush sa iyo!), Defpotec (headbangers), at si Keysi (kailangan pa bang i memorize […]

  16. dear prof. def,

    sa palagay mo kaya may chinese/taiwanese version and dinuguan? paano kaya ang packaging nito? naiimagine mo ba ang nakasulat sa ingredients at nakalagay sa instructions paano ito kakainin? may side effects kayang nakalagay?

    … Bloody viand (animal extract) removes tireliness episode, taste verilly together with rice cake (no icing included).

    … gently bring spoon to mouth. open mouth hugely like hungrily.. swallowed after taste mouth with movement up and down motion…

  17. […] madami ang natuwa sa pag headbang ni def, ngunit nagkaroon din sya ng matinding stiff neck.. at sa kahulihan… nakatanggap pa […]

  18. […] (sino pa nga ba?), Khonz (my favorite reader), Bonnie (kilala ko kung sino may crush sa iyo!), Defpotec (headbangers), at si Keysi (kailangan pa bang i memorize […]

  19. Hi def! Whoa! Robin sent me the link to your blog…and he warned me…….yes…he did! and guess what? matindi ka! wahahaha…magpatawa, that is! and to quote Robin, “laglag ako sa silya jan eh!”

    Keep it up! Be seeing more of you! 😀

  20. nyaaaaaahahaha

    hinde ako makahinga…hinde ako makahinga…haaaaaah..hinde ako makahinga kakatawa sayo tsong

    MOOOOOORRRRREEEEEE!!!!!!!!

  21. […] #006: Diniguan Maraming salamat sa tanong ni Defpotec. Napag-utusan lamang ako na sagutin ang kaniyang tanong dahil si Isagani X ay medyo abala sa […]

  22. uuyy, na mis ko pala ang “topcock” sa pagpapatawa 😀 buti nilagay mo yung iwdget na to sa sydbar mu,

    hanef maka kendeng ah, bumabalibag ang balakang, daig pa agogo dancer!! ( sabi daw, men hu r gud dancers r also gud in… gymnastics ! 😀 )

    buti di nga napigtas leeg mu at talagang may john travolta moves pa! LOls 😆

  23. […] MINE: hehe bihira na nga dn eh. Lalo na ngaun, nagjo jogging, ayaw q nmn atakihin hbng 2mtakbo. hehe .. ang kulit ng vids mu! Grabee […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: