dala ng ulan…

rainfall.jpg

nakakalokong isipin na nagkukulang tayo sa tubig….

pero 2 araw ko nang di nakikita ang haring araw..

di naman sa ako’y umaangal, ang katotohanan nyan, ako’y nasisiyahan..

kabilang ako sa kakaunting grupo ng mga tao na nagagalak kapag umuulan kesa sa mainit ang panahon…

marahil, dahil narin sa ako’y mabilis magmantika, tamaan lamang ng kaunting init ng araw…

teka teka, bat para akong tumutula….

(ayusin ang sarili)

di siguro kataka taka na kapag sinabi mong ‘ulan, bagyo, baha’, ay may katambal itong inis, galit, suya, sakit, daga, basura, etc… pero kapag naririnig ko ang kulog, at nakikita ko ang kidlat… di ko maalis na hindi tumawa… masaya ang aking mga alaala.. bakit?? (paki play ang nasa ibaba para ma set ang mood, wag nyo munang sabayan ng kanta, magbasa muna kayo, i replay nyo nalang kung gusto nyong dumagdag sa pagpapalakas ng ulan…)

bakit nga ba ako masaya kapag umuulan???

#1. nung ako’y elementary pa (2 years ago)… pagka gigising ng umaga 5:30am para mag handa sa iskuwelahan, hirap na hirap akong bumangon… gawin nyo naman yan ng 5 beses sa loob ng isang linggo for 14 years.. tatamarin din kayo.. init sa byahe..bago pa man lang ako dumating sa iskwelahan, ang dungis ko na sa pawis… kaya pag umuulan, medyo lumalamig ang panahon. sumasarap ang byahe, nababawasan ang pawis ko, at patas patas kami ng mga klasmeyt ko na pumapasok na parang basang sisiw, walang madungis na defpotec, lahat kami basa!!!

at kung sweswertehin pa, pag medyo malakas ang ulan ay cancelled ang klase! WALANG PASOK!!!… salamat ulan..

#2. HS ako nun, at biglang buhos ng ulan at bumaha andaming na stranded sa iskwelahan dahil di makalangoy ang mga sasakyan… ako naman, nagpakastranded kuno, kahit wala namang sundo.. dahil stranded ang crush ko! yey!! buong gabi ko sya kasama…. kakwentuhan…salamat ulan…

#3. sa college naman.. sa University belt.. (may sasakyan na ako nun, lite ace)…pag bumuhos ang ulan, tiyak andaming chikas na basa at kita halos ang kanilang mga bra sa pagka wet nila… tuwang tuwa na ako nun.. pero di huminto dun ang galak ko.. umilaw ang takbo ng kukote ko.. wala silang masakyan… malaki ang sasakyan ko…. hmmmmm.. <DING!!> ayus!! iniyaya ko sila ng free hitch.. 1 point for being a good samaritan.. 2 points for actually inviting their wet see thru bodies inside my van… and 3 points nung may isang nagbihis sa loob ng van!! todo aircon ako nun, bakasakaling may bumakat, bukod sa tinatago ng aking slacks…pasilip silip sa rear view mirror… salamat ulan…

#4. may kinalaman sa post #3. isa dun sa mga isinabay ko, naging fling ko… medyo pakipot sya, pero nung isang beses na umulan na naman ng malakas at di kami makauwi dahil sa baha ang lugar ng dorm nya (sampaloc)… niyaya ko syang magpalipas ng oras.. .san pa e di dun sa… shhhhhhh… SCORE!!! (nakarating kami sa sta. mesa ngunit di makauwi sa sampaloc?)… salamat ulan!!

#5. sa first job ko.. bumuhos ang ulan.. nakisabay ang isang hot opismate… na stranded kami sa baha/trapik.. gridlock ito.. tipong 3 oras walang galawan… manyak tint ang sasakyan ko (hindi na yung liteace)…zero visibility… kayo nalang ang magisip kung ano nang nangyari…basta ako… SALAMAT ULAN!!!

o diba, sino ba naman ang di matutuwa kapag umuulan kung ang karanasan nyo sa ulan ay ganun? basta ako… pag umuulan, may kakambal na ngiti ang aking bibig..

matthews02.jpg

public service announcement: alam nyo naman na meron tayong tinatawag na tag tuyot ngayong panahon na ito.. kaya naman panay announce sa media na magtipid sa tubig.. at ayon narin sa payo ng isang co-blogger na di ko makita ang post si selvo.. ugaliin magtipid ng tubig.. maari sa pamamagitan ng pagsipilyo ng 1 or 2 beses nalang sa isang araw, imbes na 3….

ako naman, nag contribute narin ako sa pagtipid ng tubig.

DI NA AKO NALILIGO PAG SUNDAY…

pero…

PWEDE NA KO MALIGO ULI!! SALAMAT ULAN…

report broken/non working videos at defpotecjones@yahoo.com  

Advertisements

7 Tugon to “dala ng ulan…”

  1. salamat sa plugging tol hehehe… di mo kita post ko?

  2. ayan, lumitaw ka rin!! BIG FISH!!!

  3. moo, parang type kita kasama hindi lang tuwing umuulan kundi tuwing bagyo na rin! ang saya-saya siguro. 😆

  4. isagani x, m.a. Says:

    Def,

    I nominated Selvo sa Palaban, baka pwedeng suportahan.

    Boses mo ba yang nasa video, parang …. lasing na lasing ah

  5. he gets my vote docX

  6. […] Sino sino sila? Isa-isahin na. Pinangungunahan ni Khonz (favorite reader ko), pinapangalawahan ni Defpotec (kapanalig sa Palaban) at Bonnie (crush ko talaga ang attitude mo, hindi mo lang alam. hahaha); […]

  7. aba may nag papanggap na ako nyahahaha… naalala mo pa ang post ko na yun def? medyo sablay nga yun kasi one week after ko napost yun sunod sunod ang ulan hehehe tiyak haping-hapi ka nun

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: