A.D.D.
meron akong self inflicted ADD (attention defecit disorder).. kapag feeling ko napaka busy ko, lahat ng mga bagay sa paligid ko, fast forward.. lahat ng ginagawang trabaho, mabilisan. ang oras.. parang segundo..
kaya eto ako, parang nagmamadali.. sign of ADD attack..
TOPIC#1: on maruja and her one minute fame.
it just had to happen..you just cannot put a good person down.. great people are born, not made.. some are discovered late, some are born great. .like she is..
leche bat english na naman?..so eto ang kanyang minute fame, captured using Prnt Scrn. maaring minute fame sya sa wordpress portal, pero dito, hall of fame sya.
CONGRATULATIONS MARUJA!
PS. guys believe me, if you go beyond her skin, you’ll appreciate her much more.. but then again, if you cant see beyond her wonderful body, then she’s way out of your league.
TOPIC#2: whats in a name?
hindi muna ako lalayo sa topic 1. kaninang lunch time, nagulat ako sa ulam sa cafeteria.. mukang bago sa akin ang pagkaing ito.. dito kaya nya nakuha ang name nya?
ano ba ang maruya? ano ba ang maruja? related ba sila sa isa’t isa? masarap ba to? masarap ba sya? bat andami kong tanong? kumain ka na ba? bat dito sa cafeteria, 50 pesos lang busog ka na? samantalang sa le suoffle, P10,000.00 na, gutom ka pa, at gusto mong magmura?
kahulihan, dumating din ang tanong sa sagot ko.. eto pala ang MARUYA!
is it me? or does it look like glazed crap? pero deeleesyoos!!
TOPIC#3: me and my foul mouth!
natatandaan nyo pa ba yung dating kwento ko? yung aking gift/curse?.. may naalala na naman ako…
meron akong isang x officemate.. medyo nakakatuwaan ko siya.. medyo off ang reason niya sa pagresign, pero di naman nya binabasa ang blog ko kaya ichichismis ko narin sa inyo..
meron syang BF.. na may sabit.. (may anak pero walang asawa).. ang akin lang naman ay genuine concern.. noong andito pa sya, panay paalala ko sa kanya…
Def: o, panay sundo sayo ng BF mo ah..
Officemate: syempre labs ako nun e
D: baka naman mamaya san san kayo pumupunta?
O: ano ka ba.. ganun ba tingin mo sa akin? wholesome kaya ako
D: sure ka ha, di naman sa sinasabi kong bawal, pero mag iingat.. mahirap mabuntis!!
O: kadiri mo naman…
D: nagpapaalala lang.
O: che…
D: woooo, che che ka diyan, pustahan tayo.. mabubuntis ka rin… kaya mag ingat!!
O: sige pustahan..
D: mabubuntis ka rin!!!!
O: ble! di rin no!
nagresign sya for unknown reasons, pero ayon sa aking bubwit, dahil daw pinaresign na sya ng bossing namin dahil panay absent..
4 months later, nag text si officemate:
O: mzta n u?
D: ok lang.. ikaw?
O: k lng din.. dto ako sa office
D: ah tlga? tara pasyal ka dito!!!
O: yoko nga…
D: ok…
di ko naman pipilitin ang ayaw akong makita, kala ko lang ay dumaan lang..
4 months later, binulungan ako ng isang opismate ko, andyan daw si ex opismate… syempre alam ko na dadaan sya sa opisina, di ko na sya tinext.. inabangan ko sya..
laking gulat ko nung makita ko sya… pucha! nakalunok ng pakwan! ang lakas ng halakhak ko!SUCCESS!!
O: I HATE YOU!!
D: SABI KO NA E!!
(asar talo sya sa akin ng 30 mins.. para akong nanalo sa lotto)
PS. sa totoo lang, feeling ko ako ang ama ng nasa sinapupunan nya.. dahil sa sumpa/wish ko sa kanya na mabuntis sya.
ngayon di lang bf nya may sabit, pati sya may sabit at bitbit…
TOPIC#4: desperate mode..
2 months na… 9 lbs na ang dinagdag ko.. katakot takot na diyeta at workout at cardio.. i give up..
ayaw ko na.. ngayon ko lang naranasan na halos magpakamatay ako sa exercise pero dagdag parin ang timbang ko.
I FRIGGIN HATE IT..
I GIVE UP..
panahon na para mandaya….
HARDCORE TIME!!
if this doesnt work, nothing will!!
Hulyo 6, 2007 Sa 9:06 umaga
goodluck, basahing maigi ang nutritional facts sa likod!
Hulyo 6, 2007 Sa 11:37 umaga
Adik! Hehehhehe!
Darating din ang time mo to shine, mawawala din ang manly humps mo, steady ka lang.
Hulyo 7, 2007 Sa 3:01 umaga
Pwede rin ba makirequest dito ng linkback? HEHEHE
Hulyo 7, 2007 Sa 9:28 umaga
Hahaha. Salamat sa blogroll pare. Kaso may problem, hindi ako MD, MA lang po ako 😛
Na add na rin kita sa link ko.
Hulyo 7, 2007 Sa 9:35 umaga
ok lang yan Doc.. sa aking opinyon, mas madami ka pang naitutulong sa public sa pamamagitan ng iyong blog kesa sa isang tunay na doktor, kaya para sa akin.. M.D, ka na rin.. masamang damo??
Hulyo 7, 2007 Sa 9:43 umaga
heyuf! masamang damo pala, akala ko tunay na MD na.
Hulyo 7, 2007 Sa 10:07 umaga
wow! balitaan mo ako pag epektib ah. 😉
Hulyo 7, 2007 Sa 2:27 hapon
ganun? may sabit? medyo na offend ako dun a.
Hulyo 15, 2007 Sa 12:45 hapon
I have one word for your ADD, Adderal. 😉 Nice blog you got here. I enjoyed it a lot.
Hulyo 15, 2007 Sa 12:56 hapon
@bonnie:lost 3lbs in 1 week. FINALLY!!
@ging: aww, i didnt mean it that way.. sorry
@jovi: thanks! im actually blushing right now.. im tickled by the fact that such an intellectual person like you enjoys it.. (blush).. or maybe its may rosacea getting out of hand… may i be granted of one small request from you? can i ADD you to as well?
Hulyo 15, 2007 Sa 5:28 hapon
sure def! let’s link up. it’ll be my pleasure. 😉
Hulyo 16, 2007 Sa 12:32 hapon
is it me, or "
let’s link up.” sounded reallykinkysexy?Hulyo 24, 2007 Sa 4:41 hapon
bumili ako ng Hydroxycut dahil sa mga commercial na yan.. sa totoo lang hindi ko ininom hanggang ma-expire. Gumagamit yung katrabaho ko niyan kaso ang side effect sa kaniya ay dumaldal. Napansin ko din sa kaniya na since he started taking Hydrosycut, he started to act weird.. hinahagis niya na lang ang kung ano gusto niya ihagis pati bote ng ketchup! Sayang ang $30 ko…
Setyembre 6, 2007 Sa 8:30 hapon
Me chance ka pa… Malapit na akong maawa syo.. 😀