experience..

natatandaan ko nung ako’y medyo totoy palang.. (mga 2 years ago to)….noong boses babae pa ako, at around 5 ft 4 palang ang taas ko, 38 inch ang waistline.. high waist, at mga 180 lbs.. (ok, di na 2 years ago.. mga 6 years ago nalang) lagi akong naloloko.. pinagtritripan.. na iisahan.. inaasar..inaapi… the boy who played alone..

lumapit ako sa aking tito… humingi ng payo.. eto ang sabi nya..

“IHO, ANG TABA MO KASI…YUNG KILIKILI MO AT LEEG LAGING MAY LIBAG, ITIM ITIM NG SIKO MO, SINO ANG MAKIKIPAGLARO SAYO? UHUGIN KA AT MADUNGIS…”

erase erase… hind yan ang sinabi nya..

” YAAN MO IHO, LAGI MONG TANDAAN, ANG KAHIRAPAN MO NGAYON AY ANG MAGIGING LAKAS MO SA KINABUKASAN… LAHAT NG ITO AY MAY DAHILAN.. NGUNIT IYONG TANDAAN, WAG MONG GAGAWIN SA IBA ANG GINAGAWA SAYO NGAYON. “

“CHARGE IT ALL TO EXPERIENCE..”

hanggang ngayon, tandang tanda ko ang araw na yun.. ang pangaral ng tito ko.. na ang lahat ng bagay, maganda man o masama, ay nagbibigay ng aral sa atin..

kumbaga, experience is the best teacher.

di ko malimutan ang isang pangyayari sa buhay ko…

fast forward 4 years ahead..

niyaya ko sa date ang isang napaka ganda ngunit napaka sosyal na chick… mala Lucy Torres Gomez ang ganda nya, ang kutis, waw sa kinis.. balita ko kamag anak daw sila ng mga Romualdez…

pa impress ako… sinundo sya.. dinala sa Le Souffle…

order sya ng oysters, red wine, foie gras, lambchops na halos di naman ginalaw, tinikman lang, salad and soup..

ngiti ngiti lang ako.. pa impress e..

paglabas ng bill.. P10,000.00!

PUTANGAMANG SHET! wala namang diamond or 24k gold na ingredient ang mga inorder namin ah..

syet talaga, ilang pamilya na ang mapapakain ng halagang yan a..

equivalent to 2 months grocery na yan ng isang average filipino family..

P10,000 pesos? fine dining my ass! gumastos ka ng 10k in less than 2 hrs??

yan ang gusto kong isigaw… pero no, syempre pa impress.. cool kuno… pero aminin ko..taas ng bp ko nun..

kawawa naman ako.. buti nalang natandaan ko payo ng tito ko..

charge to experience…

yan na ang naging motto ko eversince…

yun nga lang…..

bugbog sarado na ang experience ko..

eto sya…

experience.jpg

Advertisements

9 Tugon to “experience..”

  1. le souffle pala ha! daya! ako dinala mo lang sa mini-stop convenient store tas siopao bola-bola lang pinakain mo sa akin.

  2. *convenience store pala. waaah!

  3. bonniefazzyoo Says:

    hahaha! wtf? P10,000!!! well, i hope she’s worth it.

  4. @maru: ganun talga pag easy.. atsaka dont worry, its for your convenient…

    @bonnie: she was hell worth it.. kaya lang..sakit sa bulsa.. the stint ended after a week.. lucky for me, she was swept off me by a guy driving a BMW.. this is one of those times na happy ako na may sumulot sa girl im dating.. relief!

  5. @maru: just to make it clear.. ganun talga pag easy… TO PLEASE!!! simpleng bagay.. natutuwa! in short.. mababaw!

  6. meron dito samin, pasa load lang okei na.. mukha ka nga lang caregiver pag kasama mo sila sa date nyo.. heheh’

    /maru
    sakin ka makipag kita maru.. di bola bola papakain ko sayo.. hmmm asado?!

  7. 10,000 pesosesoses??? Ilang date na ang nagawa mo hanggang sa makuha mo ang matamis niyang OO ha! Hahahahaa! Tapos isang week lang nagtagal? Tsk tsk tsk!

  8. “natatandaan ko nung ako’y medyo totoy palang.. (mga 2 years ago to)…”

    Wow, abot dito o… Panalo!

  9. […] na ikinagulat ko.. syet.. san ko sya dadalhin? “obviously not le souffle […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: