Imbak para sa Hunyo 11, 2007

di biro…

Posted in kung ano ano lang... on Hunyo 11, 2007 by defpotec

di ko akalain ganito pala kahirap ang saberday ko…

usually pag saberday, half day lang ang trabaho… pa petix petix lang.. relaks relaks.. pero pag andyan si boss, ang saberday ay ang pinakahectik sa akin… gustuhin ko man umuwi ng maaga, di pwede.. at kahit anong galing mong gumawa ng dahilan, di ka niya tatantanan!!

astig si bossing.. kahit meron kang dugong harry houdini, na magaling umeskapo, mas malakas ang powers nya na mahanap ka maproduce.

eto ang pangyayari….*

saberday 10:30am

nakatanggap ako ng text sa collegue ko. tumawag daw si boss, hanap ako… sugod ako sa opisina ni bossing… nagsurvey sa paligid.. hmmmm may kameeting sya… pero pinatawag ako.. siguro may madaling utos lang… nagpakita ako…

BOSS: defpotec, bumili ka ng cheese at ilagay mo sa mousetrap

AKO: ok bossing, ano pa po ang utos nyo, mahal na hari?

BOSS: ahhh pagkatapos, yung moustrap ilagay mo sa pagitan ng pinto at dingding.

AKO: your wish is my command.

agad akong naghanap ng cheese at ng mousetrap.. syet, wala akong makita… sumugod ako sa suking tindahan para bumili ng queso at ng mousetrap… pagkatapos ako’y bumalik sa upisina nya para mag report ng progress. Pagsilip ko, di parin sya tapos kausapin sa meeting nya… magdadakong alas 12 na ng tanghali.. malapit na ang uwian.. kelangan ko nang magreport para maagang makauwi… ISIP!!! istorbohin mo ba ang meeting nila para sa isang mousetrap? mukhang seryoso ang usapan, parang bilyon bilyon ang transaction… sige ill hit 2 birds with 1 stone… kakain muna ako, at pagkatapos ay sisilip kung pwede na magupdate…

USELESS SUPERHERO TRIVIA: They made enough Superman suits to dress an army. More than 90 Superman suits, 60 capes and 30 pairs of red boots were used to dress Routh, including different combinations for when he would fly, when he was in an action sequence and when he was just supposed to look Supermanly.

12:30 noon..after quick lunch, sabay sugod sa opisina ni bossing.. ayun.. di parin sila kumakain, at malamang nalimutan na ni boss ang utos nya sa akin re mousetrap… ngumiti ako at nagbuntong hininga, hayyyy sa wakas, makakauwi na ako…

1:10PM… pagkatapos kong magbihis ng pambahay.. (dahil akala koy off duty na ako) nakatanggap ako ng misskol sa colleague ko… SYET na MALAGKET!! parang hotline ni commissioner gordon kay batman… tinawagan ko si colleague… confirmed!! tumawag si boss, hanap daw ako!! ayus!! bihis balik sa office attire… (ALANGAN NAMAN MAGPAKITA AKO KAY BOSSING NG NAKAPAMBAHAY??)

USELESS SUPERHERO TRIVIA #2: THE REASON WHY BATMAN IS BATMAN IS BECAUSE HE WAS INSPIRED TO OVERCOME HIS FEAR OF BATS!

1:25PM… nakapang opis muli, umakyat ako kay bossing at sumilip… aba, mukang may kausap sya sa kabilang kwarto at iniwan nya ang berks dito sa main opis… mukhang matatagalan si bossing dahil di pa sya kumakain… maglulunch muna yun for sure.. ISIP ISIP… ahhhh malilimutan ako nyan..

2:05PM…. nagdesisyon akong bumalik na ng locker at magbihis uli… eto na ako, reading ready na umuwi… naka tsinelas at pambahay na…. sabay ring ng cellphone.. (syet si bossing!! di bale, may plan B ako….)

BOSSING: san ka?

AKO: andito pa po sa opisina…..

BOSSING: halika dito, kain tayo…

AKO: tapos na po ako kumain bossing… salamat!!

BOSSING: ah ganun ba?? di bale, punta ka dito, sabay ka sa amin, upo ka lang.. makinig ka?

AKO: ha?? (INSERT PLAN B HERE) ahh boss, bibilhin ko pa po yung cheese para sa mousetrap!

BOSSING: ah di bale, tsaka na yan.. akyat ka na dito ha…

ayus!! sa pangatlong pagkakataon, bihis na naman ako sa office attire… naisip ko na maswerte narin ako… buti nalang di ako superhero… isipin mo sila, pag may problem, mahina na yung 10x sila magpalit ng costume… yet they make it look easy…. ako 3x palang.. pagod at gusot na..

ayaw ko na maging superhero… masaya na ako sa trabaho ko..ihahanger ko na yung supercostume ko…

SA MGA NAGTATAKA… 5PM NA AKO NAKAUWI..

* DISCLAIMER:

The names, places, and/or events used in this publication are purely fictitious and are not intended to correspond to any real individual, group, company, or event. Any similarity or likeness to any real individual, company, or event is purely coincidental and unintentional

Advertisements