dude, wears my shoepatos?

bihira ako manumpa, mabantot kasi ang bibig ko… hindi yung bantot na kelangan ko mag bactidol araw araw, kungdi yung bantot na kapag ako’y nanumpa, 90% nagkakatotoo.

ilang restoran na ang napasara ko dahil sa sumpa ng bibig ko (coincidence?), ang isa sa natatandaan ko ay ang outback steak house sa loob ng robinson’s place malate. tandang tanda ko pa noong year 1998? (sheyt bat parang di ko matandaan ang taon?), ah basta, balentimes nun… February 14… year 199x. ang sama ng trapik+ang sama ng serbis+ang sama ng pagkain = masamang resulta ng pagpaimpress sa date. right there and then, i murmured under my breath, “magsasara ka rin outback!”

anyways, mahilig ako sa sapatos..to be specific, basketball sneaker na low top. gusto ko exclusivity ng design, the more rare, the better. oo shoehead/sneakerhead ako… at tulad ng kablog kong si bonniefazzyoo, gumagastos ako sa sapatos.

minsan lang ako makakursunada sa sapatos na swak sa paa at swak sa design. isa syang “must have.” natatandaan ko pa yung obsession ko sa isa ko ring gustong sapatos, 2 years ako naghahanap sa ebay…. at kahit mahal dahil sa shipping, binili ko.. ganun ang obsession ko.

mabalik tayo sa topic… isa syang nasa top 5 shoes of all time ko. sarap sa paa, sakto sa fit, and makapit pa. tanda ko na nilagay ko pa yun sa shoe bag pagkatapos ng basketball game ko, at iniwan sa loob ng sasakyan.. yun nga lang, sa garahe sa bahay. laking gulat ko nalang nang hanapin ko ay di ko na makita.. langya.. may numenok na! sino kaya ang nenenok? sa laki ng paa ko, meron pa kaya makikinabang dito?

anyways, ngayon isusumpa ko kung sino man ang numenok ng sapatos ko na iyon. para dun sa numenok, sana tubuan ka ng alipunga at dahan dahan mamatay ang kuko mo sa paa, tapos magnana ang mga daliri mo sa paa at unti unti tong mabulok at maputol.. isinusumpa ko yan sayo magnanakaw ng sapatos kong mahal!

sana ganito ang mangyari sayo! bwahahahahaha!

gangrenefoot.jpg

at sa nagtataka kung ano ang itsura sa nawawala kong shoepatos… eto sya..

lbj2low.jpg

farewell my lovely shoes! till we meet again..sana available on ebay…

Advertisements

5 Tugon to “dude, wears my shoepatos?”

  1. syet! nebor, kadiri ang pic nung paa! kaninong paa ba yan? lols. nagmemeryenda pa naman ako habang nagbabasa ng blog mo. pero sana nga magnana yung nagnakaw ng shoeses mo. sus, gara pa naman.

    laki pala ng paa mo. hmmmn…. totoo ba ang kasabihan na pag malaki daw ang paa eh malaki din ang …. sapatos? wahihi!

  2. gumapang sana hanggang singit yung nana nya hanggang pumasok sa balls nya!

    /maruja
    size eight 1/2 lang ang paa ko pero kakabili ko lang ng size 10 na sapatos, maluwag. pero tapos nun parang nadagdagan ang kumpiyansa ko sa sarili ko.. ewan ko kung anong koneksyon nun’ …lolz’

  3. must have nga yang sapatos mo. parang cool isuot. malay mo nasa side walk na ngayon ng quiapo yan, binebenta galing sa nagnakaw. ha ha!

  4. kung makita mo man at size 11 sa quiapo,let me know.. bibilhin ko uli!! basta wag lang ako magka gangrene! sa tingin ko di naman tatalab sa akin yung sumpa ko no?

  5. […] da return of da nenok…. natatandaan nyo pa ba si nenok? […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: