para manong, sa kanto lang po..

ewan ko ba ano meron kahapon…sa tinagal tagal ko nang di nag cocommute, nagsubok lang ako magcommute… malapitan lang naman.. at di naman ganon kainit ang panahon.. ganito pala uli ang pakiramdam sumakay sa public transportation… may excitement, may suspense… merong interaction.. nawili ako..
andaming magaganda.. sa dinami dami ng araw, kahapon ang pinaka madaming magagandang dalaga babae nasa byahe.. sayang at di ako marunong kumuha ng stolen shots pero grabe!! mga more than 20 ang nakita ko sa kalsada..

ewan ko rin ba kung may dumi ba ang muka ko nun or may kulangot ba ako sa ilong, pero ang lagkit din ng titig nilang lahat.. meron sa kalsada, halos parang kakainin ako ng buhay sa titig.. grabe ang gaganda nila…

sa labas ng sasakyan may mga nag aabang… grabe ano ba meron ngayon? pyesta ng magaganda? o kulang lang ba ako sa dilig? oo aaminin ko, medyo may kaunting katagalan na akong nagsasarili… pero grabe… ibang iba ang araw kahapon.

sa kabilang jeep, natanaw ko pa ang mga nakasakay, meron din isa doon, pucha ganda rin, nakatitig rin… ngiti ako…

di ako makapaniwala kung ano ba meron sa pambihirang araw na yun.. sinubukan kong mag experiment… sa lahat na jeep na makikita ko, sisilip ako kung talga bang meron…

meron nga.. kakaiba talaga ang araw na to…kung ganito lang araw araw, magcocommute nalang ako araw araw.

meron isang babae, sa loob ng jeep… kung makatitig ay ewan ko ba kung ako nalang ba ang huling lalake sa mundo.. pero nachiken ako, ako pa ang di makatingin sa kanya.. nakaisip ako ng plan… aha! kikilalanin ko nalang sya.. dahan dahan akong huminga ng malalim at na di nagpahalata.. nag lakas loob… nag eye contact… ayan nakatingin parin sya..dahan dahan uli akong bumwelo… naglakas loob… kaya lang.. andun na ako sa lugar na pararatingan ko.. shet… wala nang pag asa makilala sya..lipad na ang pantasya… loser ako..

“mama… para.. sa tabi nalang po…” sabi ko..

tuloy tuloy si manong driver…di ata ako narinig..

“mama, para po…”

aba.. lalo pang umarangkada….

“MAMA PARA!!!,” sumigaw na ako…

di parin huminto ang jeep…

“MAGBAYAD KA MUNA!!” sagot ni manong driber…

ay bobo! sa dami ng nakita kong eye candy.. nalimutan kong mag bayad..

sabay abot ng bente, keep the change at namumulang tumalon na di makatingin sa malamang natatawang magandang babae..

sira poise ko shet! porma porma kasi. naupuan ang kukote!

Advertisements

6 Tugon to “para manong, sa kanto lang po..”

  1. bwahahhahah’ ako nga pag pumapasok sa trabaho isang oras ang byahe ko.. kung sisipagin lang ako sa pagaupdate ng blog kaya ko siguro hanggang apat na entries sa isang upuan lang.. dami kseng kuwentong magagawa sa pagbyahe’

  2. pssst! mamang pogi… wala lang… gusto ko lang magpapansin… magandang araw sa yo.

  3. @jon-minsan naisip ko na sana di nalang ako marunong magmaneho.. siguro andami ko na naging kebigan..

    @maruja- ako ba yung tinutukoy mong pogi? o si jon? anyways, magandang umaga/hapon/gabi din sa iyo

  4. WTF~!!! hahaha ang kulit ng araw mo ah. Sigurado ka bang lahat ng nakikitang mong maganda e maganda? Baka kasi namamalik-mata ka lang e at wala sa sarili? Kita mo nakalimutan mo pang magbayad sa Jeep hehehe

  5. kitang kita ng 4 na malabo kong mata… maganda talaga…
    D – Z – F – P – O – T – Z – C !

  6. Enjoy pa din! 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: