Imbak para sa Mayo, 2007

shameless plugging..

Posted in kung ano ano lang... on Mayo 30, 2007 by defpotec

nakaramdam ako ng kakaibang spike ng traffic past few days, samalat sa aking mga ka blogroll na si Jon Cabron, Maruja (THE lovely lady, which i thought was empressmaruja who’s equally lovely), gingmaganda, handsome shoes, etc.

ayon sa stats, ang malakas humakot si ellen adarna, bilib din naman ako, dahil sa iisa kong post tungkol sa kanya, so far around 500+ views na ang nagclick sa kanya… perhaps kung lalagyan ko ng mga keywords such as SEX, SCANDALS, IPHONE, VOYEUR, NUDITY, BRAD PITT, ANGELINA JOLIE, DOWNLOADS, CRACKS, NIPSLIP, AT NUDE.. di mahirap na dumami ang traffic sa blog na to. pero hindi ko gagawin yan.. isa akong taong may prinsipyo..

kungsabagay di ko naman kelangan ng maraming traffic sa site ko.. pwede to magkaroon ng cult following or kung ano man, or kung gusto ko talga magkaroon ng traffic, magpapacontest lang ako… pwede akong maglagay ng free 100peso globe or smart load to the best blah blah…

cometothinkofit, not a bad idea yun… pwedeng akong magrequest sa mga girls magpadala ng sexiest non nude teasing pic, then the winner gets 100 load every week. criteria is the following.. face shot to be included, should have a legit myspace/friendster account, should have legitimate email address linked to any social account, a blog link would be bonus, dapat 6 months na buhay ang account, and the subject holding a sign that says, “pwnd by DEF!!!”.. bawal ang photoshop ha..

judging would be easy, the viewers would be the judge themselves. just leave a comment kung sino man ang iboboto nyong babae, pero may catch, kelangan may legit email account kayo before bumoto..

o diba, napakadali padamihin ang traffic, pero gagawin ko ba yan? who knows? kung may makuha akong 5 girls na magpapadala ng pic.. pwede na rin!! pero for now, kathang isip muna.

before i forget…

per DTI permit number 21 series of 2007

Advertisements

para manong, sa kanto lang po..

Posted in kung ano ano lang... on Mayo 25, 2007 by defpotec

ewan ko ba ano meron kahapon…sa tinagal tagal ko nang di nag cocommute, nagsubok lang ako magcommute… malapitan lang naman.. at di naman ganon kainit ang panahon.. ganito pala uli ang pakiramdam sumakay sa public transportation… may excitement, may suspense… merong interaction.. nawili ako..
andaming magaganda.. sa dinami dami ng araw, kahapon ang pinaka madaming magagandang dalaga babae nasa byahe.. sayang at di ako marunong kumuha ng stolen shots pero grabe!! mga more than 20 ang nakita ko sa kalsada..

ewan ko rin ba kung may dumi ba ang muka ko nun or may kulangot ba ako sa ilong, pero ang lagkit din ng titig nilang lahat.. meron sa kalsada, halos parang kakainin ako ng buhay sa titig.. grabe ang gaganda nila…

sa labas ng sasakyan may mga nag aabang… grabe ano ba meron ngayon? pyesta ng magaganda? o kulang lang ba ako sa dilig? oo aaminin ko, medyo may kaunting katagalan na akong nagsasarili… pero grabe… ibang iba ang araw kahapon.

sa kabilang jeep, natanaw ko pa ang mga nakasakay, meron din isa doon, pucha ganda rin, nakatitig rin… ngiti ako…

di ako makapaniwala kung ano ba meron sa pambihirang araw na yun.. sinubukan kong mag experiment… sa lahat na jeep na makikita ko, sisilip ako kung talga bang meron…

meron nga.. kakaiba talaga ang araw na to…kung ganito lang araw araw, magcocommute nalang ako araw araw.

meron isang babae, sa loob ng jeep… kung makatitig ay ewan ko ba kung ako nalang ba ang huling lalake sa mundo.. pero nachiken ako, ako pa ang di makatingin sa kanya.. nakaisip ako ng plan… aha! kikilalanin ko nalang sya.. dahan dahan akong huminga ng malalim at na di nagpahalata.. nag lakas loob… nag eye contact… ayan nakatingin parin sya..dahan dahan uli akong bumwelo… naglakas loob… kaya lang.. andun na ako sa lugar na pararatingan ko.. shet… wala nang pag asa makilala sya..lipad na ang pantasya… loser ako..

“mama… para.. sa tabi nalang po…” sabi ko..

tuloy tuloy si manong driver…di ata ako narinig..

“mama, para po…”

aba.. lalo pang umarangkada….

“MAMA PARA!!!,” sumigaw na ako…

di parin huminto ang jeep…

“MAGBAYAD KA MUNA!!” sagot ni manong driber…

ay bobo! sa dami ng nakita kong eye candy.. nalimutan kong mag bayad..

sabay abot ng bente, keep the change at namumulang tumalon na di makatingin sa malamang natatawang magandang babae..

sira poise ko shet! porma porma kasi. naupuan ang kukote!

before and after.. the transformation!!

Posted in the road to perdition on Mayo 15, 2007 by defpotec

grabe, kakaibang high ang nararamdaman ko…. yes.. im on drugs.. hindi yung pinagbabawal na gamot ha… more like supplements… pantulong lang pumayat…

natutuwa ako sa mga before and after pics.. yung mga shameless plugging ng mga diet scams, diet food, workout gadgets,lose-weight-fast ek ek.. sa totoo lang, walang shortcut sa pagpapapayat.. its more like easy come…easy go…

bilib din ako sa mga nagawa ng vanity… i mean, sino ba sila para sabihing pangit ang mataba? sexy ang payat, etc… syempre kagagawan yan lahat ng media… tingnan mo sa tv at sa magazine.. walang centerfold na puro bilbil… walang action star na mataba.. walang matinee idol na pangit… sa pilipinas, lahat na pangit, deformed, maitim, mataba ang nagiging comediante… bakit? kasi sila ang tinatawanan.

nakakalungkot man isipin pero totoo…

napanood nyo ba ang 300? isa lang masasabi ko… isa syang dick flick… nung pinanood ko ya di ko akalaing ganun pala ang katawan ng mga aktor… paglabas ko ng sinehan tsaka ko lang napansin ang ratio ng mga manonood… 70% guys 30% girls… sa 70% na yun.. di ko nabilang kung ilan ang di tiyak dun…di ko na binilang…

mabalik sa usapang diyeta.. hirap talaga humabol sa rythm… parang isang araw.. feel na feel mo mag gym.. eto ka…. 2 oras nag cardio.. parang walang bukas.. tapos bukas wala na nga.. wala ng gana mag gym…

may iskandalo akong ilalagay dito.. para tuwing makikita ko ito, gaganahan akong magpapayat…

ewan ko ba.. pero eto ang patunay na totoo ang mga before and after na pic… ayan ako 2003… eto ako ngayon…

b4nafter.jpg

eto lang masasabi ko

eto ang bago kong mantra…

I MAY BE FAT..BUT YOU ARE UGLY AND I CAN DIET!!!

* pasensya na po sa mga mawawalan ng gana kumain… at least makakatulong ako sa pagdyeta nyo

8 glasses..

Posted in the road to perdition on Mayo 11, 2007 by defpotec

8 glasses of water a day… yan ang mantra ko for the month…

kelangan kong mag lose ng 20-30lbs..

para healthy daw… 210lbs ako ngayon..

target ko 180-190.. medyo buff and cuts na ako nun.

tagal ko rin nag isip… gano ba kadami ang ‘8 glasses’ a day…

nag google ako… eto ang computation nya… 1glass = 250ml x 8 = 2ltrs..

ayus, ngayon ko lang nalaman na 2 litrong liquid lang pala kelangan natin inumin isang araw para gumanda ang katawan natin, maging healthy tayo at kuminis ang kutis..

so may bago akong mission.. pumunta ako sa dept. store..

eto nabili ko….

image080.jpg

naniguro ako na di lang 2 liters/day ang iinumin ko kungdi 3 liters!! ang tawag ko dyan dedication!

DAY 1: ubos si 3 liters!! tumba!! medyo hirap lang ako kasi nakakabalisawsaw pala… 6x ako nag cr… i felt.. watery!

DAY 2: parang uhawin ako ngayon.. 3/4 na ako di pa lunch time…may sports activity ako nung gabi.. ayus!! di ako natuyo

DAY 3: medyo busy ako today… pero pinilit ko parin maubos…. 7x ako nag wiwi..

DAY 4: parang puno ng iced tea ang tiyan ko, nasusuka na ako..

DAY 5: 1/3 lang naubos ko.. shet.. ayaw ko magpatalo… niyaya kong uminom ang kabarkada ko, naka tig 6 na bote din kami… 330ml beer x 6 = 1980ml… almost 2 ltrs + 1ltr… not bad..

DAY 6: feeling ko lalong lumaki tyan ko, di magkasya pants ko… bloated na ata ako..

DAY 7: ubos na pala iced tea mix ko… nag gym nalang ako…

ayus.para akong nag 1week fling! dedication my ass!!

and then again, the cat is away once more!

Posted in kung ano ano lang... on Mayo 11, 2007 by defpotec

di mo maiwasan labas pasok ng bansa si bossing ngayong panahon ng eleksyon…

bossing in, bossing out..

mahirap din maging mayaman no? lapitin ka ng buwaya….

naalala ko isang scenario.. bilib din ako sa boss ko sumagot.. panalo!

eto ang storya (based on true events)… 3 mayoral candidate..kwento to ng kebigan ni bossing..

mayor candidate 1 (mc1), lumapit kay boss, hingi ng support…
si bossing nagbigay 500k (di naman mananalo si mc1 e).

nagparinig na umangal si mc1 (altho di kay bossing, kungdi sa kebigan ni bossing)

bat daw 500k lang ang binigay… (buti nga meron e)

grabe ang mga pulitiko no, kung di mo bigyan, aangal, bigyan mo, aangal parin.. e langya, ano gagawin mo kung ikaw ang nasa lugar ng boss ko? buti pa nga mag abroad…

MC2 humingi ng supporta kay bossing…. si bossing binigyan ng 1m…(malaki ang chance na si MC2 ang manalo)

ok si MC2, wala akong narinig na angal…

yan ang ok na pulitiko…syempre sya ang lumapit para humingi ng suporta, kung ano man ang ibigay dapat wala nang angal angal.. pero dito ako nabilib kay boss…

MC3 humingi ng supporta kay boss...(eto lang ang makakalaban ni mc2) binigyan ng 1m

nagparinig si mc3 kay kebigan.. bat ngayon 1m lang binigay… samantalang dating eleksyon 3m .. no comment si kebigan… patay malisya…

(kinabukasan..kinausap ni kebigan si bossing regarding sa ‘support’ na binigay)

kebigan: bossing, umangal si mc3, bat daw 1m lang inabot mo ngayon samantalang dati 3m??

bossing: ah ganun ba? naku sabihin mo sa kanya nasobrahan lang ako ng bigay last time… dapat nga suklian pa nya ako ng 2m!!

o diba? kung ikaw ba naman hiritan ng ganyan…hihingi ka pa ba? wais ata yung boss ko!

at wais sya at umalis sya ng bansa!

baka surf ang sabon nya!

im sorry….

Posted in kung ano ano lang... on Mayo 11, 2007 by defpotec

pwede bang mag sorry?…

andami ko talagang ginagawa e….

di ko na uulitin promise….

pangako yan. itaga mo na sa bato…

kung pwede ko lang hatiin ang katawan ko, gagawin ko para lahat sila, lahat kayo, mapaglingkuran ko..

di ko naman ginusto to e..

wag ka na sanang magalit..

sana naman intindihin mo ako..

maliit na bagay lang naman to e..

meron ngang iba diyan nagnakaw na ng boto…

isang “im sorry” lang pinagbigyan nyo na….

ano ba naman iyong di lang nakapagblog..

SORRY NA HA… bati na tayo..

promise ko, ultimo pag gupit ko ng kuko, i dodocument ko!

the CAT is back!!

Posted in kung ano ano lang... on Mayo 5, 2007 by defpotec

rushcat.jpg

and im back to tazmania mode.. ikot ng ikot sa trabaho..

will be back later and tell you the events..!